[Disclaimer: This is a work of fiction]
IT'S MAPEH TIME, pabago-bago ang schedule ng class namin araw-araw. Bago kaming tatlo mag tungo sa art room, nagsuot muna kami ng apron noong nasa dorm pa kami, para hindi na mahirapang isuot iyon sa lecture room. Lol, madali lang naman suotin 'yon, wala lang, trip lang namin. #squadgoals
"Goodmorning, Class 2A!" bati ni Ms. Aethel sa harap namin habang naka upo kaming lahat sa sahig. Medyo naiirita ako dito kay Xandrei na nasa unahan ko. Napakatangkad niya para hindi ko makita ang nakasulat sa board, kahit anong gagawin ko, hindi pa rin ako makakita pati si Ms. Aethel hindi makita. Ang hirap talaga pag na late ka.
"So, before we paint. Let me introduce first the painting subjects or themes in East Asia. So for today, let's just focus on China. Their painting subjects or motifs are flowers and birds, landscapes, palaces and temples, human figures, animals, bamboos and stones. Get ready with your materials at ihanda niyo na ang inyong sarili."
Inihanda na namin ang mga gamit namin sa pag pinta at pumwesto na sa bawat table. Social distancing ang mga table dito, para siguro walang ma istorbo kapag nagpipinta.
"Landscape painting was regarded as the highest form of Chinese painting. They also consider the three concepts of their arts: Heaven, Earth, and humankind." wika ni ma'am at nagulat naman kaming lahat sa dala niyang portrait. May isnow-isnow sa painting na 'yon. "Ang hawak ko ngayon ay isang Winter landscape, and in chinese, this is called. 'Shutousansui-zu Sesshu"
Napahanga kami sa ganda ng nasa painting na 'yon. Habang nakatingin doon, bigla nalang may lumabas na idea sa utak ko. Alam ko na kung pa'no ko gawin ang akin, buti na lang gumana ang utak ko ngayon.
"Any landscapes you want, then you can paint it. Just imagine the view in your mental notebook. I want to see the life of your works, so huwag mamadaliin." masayang dagdag ni Ms. Aethel na para bang masaya siyang makita kami habang ginagawa 'to. Masaya ang kanyang mukha habang nililibot kami.
Titingin na sana ako kay Xandrei, pero pinili kong mag focus na lang kasi isa siyang distraction. Itinuon ko ang aking mukha sa painting ko, isa 'yong ilog na may magagandang bulaklak sa tabi-tabi. May mga malalaking bato naman sa gilid ng ilog, which is iyon ang ginawa ko bilang outline. Hindi lang iyon, asside sa mga lumilipad na mga ibon, sinali ko ang sinag ng araw para more realistic.
Napansin kong biglang dumilim ang painting, iyon pala ay anino ni ms. Aethel habang nakatayo sa likod ko. "Wow! Is that your work?" kita ko ang paghanga sa mukha niya, tumango naman ako at ibinalik naman niya ang kanyang tingin sa painting ko bago siya magsalita. "I love how you emphasize it. I see the life inside the painting, sa texture pa lang. Good, there's a value in your flowers. And also, you can add some objects in your painting, Parang kulang kasi eh, ano? Keep it up!" mungkahi niya.
"Thankyou, ms. Aethelwine," tumango naman siya at pumunta na sa kabila. Humarap ulit ako sa aking gawa nang biglang sumilip si Yara.
"Uy, char ang ganda naman niyan. Naol" napamanghang mukha niya at tumingin naman ako sa gawa niya. Nang makita ko iyon ay napangisi ako, ang ganda rin niyon, kung tutuosin ay mas maganda pa iyon kesa sa akin.
"Chos! Pa humble ka eh," ngisi ko at ganoon na rin siya.
"Dzuh, hindi naman maganda ito, diba Yeli?" pa humble na aniya at tinanong ang babaeng hindi nakasagot dahil sa sobrang busy. Napatawa na lang kami dahil sa naging mukha ni Yeli,
"Naks, napakaseryoso naman. Bagong buhay?" halakhak namin ni Yara pero umismid lang naman si Yeli. Hindi na namin siya pinansin at ibinalik na ang atensiyon sa mga gawa.
Hanggang sa natapos ang oras na iyon. Lahat kami ay nakakuha ng mataas na marka at may iilan ding naka perfect, kasali na ako doon. Bago pa man kami makaalis, may announcement si Ms. Aethelwine sa 'min, sabi niya ay isa itong good news.
BINABASA MO ANG
BRING THEM BACK (Completed)
Aktuelle LiteraturLosing a friend is like losing a gem. But she lost more than a friend including her family and their own institution. Martel University, the effect of her family's hardwork that is now carried by a wrong hand. Moreover, she can't also accept that he...