Epilouge

6 1 0
                                    

Malalim na ang gabi ngunit maingay pa rin ang loob ng Martel University nang dahil sa incidente kanina. Laganap ang mga reporter at mga pulis saan mang anggulo ng lugar. Marami ring bilanggo ang sangkot sa gulo na ngayon ay dinakip ulit upang ibalik sa bilangguan.

Abala ang mga sa paglinis ng kinabagsakan ni Don Maximo. Malapit ito sa building ng cafeteria kaya minabuti ng mga itong walang matitirang dumi o anumang bakas ng dugo ng tao upang maiwasan ang 'di magandang amoy.

Hanggang ngayon ay hindi pa tumigil ang pagtulo ng luha ni Madame Fe at Kazimir. Hindi maiwasang maawa ni Kazimir sa kinahinatnan ng kanyang ama. Kung sana lang ay hindi nito sinubukang tumakas at gumawa ng gulo, sana buhay pa siya sa kulungan. Niyakap ni Kazimir ang ina na nakatakip ng towel. Maging malungkot na sila sa matagal na panahon ngunit wala silang dapat pagsisihan.

Samantalang abala ang iba kanina sa pagpunta ng ospital dahil sa matinding kalagayan ni Xandrei. Nanatili ang yakap ni Adelise noon habang hindi mapigil ang pag agos ng kanyang luha. Nanatili ang tingin niya sa binata ngunit agad din itong napawi nang biglang nawala si Don Maximo sa likod nila. Biglang natigil ang gulo nang nadakip na ng mga pulis ang mga kriminal na nakatakas. Biglang tumahimik at agad ding nagsilapitan sa kanila sina Madame Fe lalo na si Alexander.

Bagsak ang reaksiyon ng ama nang makita si Xandrei. Binawi niya kay Adelise ang walang malay at napansin nila ang mabilis na pag-agos ng dugo mula sa ulo ni Xandrei. Mas lalo silang nag-aalala.

Mabilis na nakarating ang mga rescuer at dahan dahan naman nilang nilagay si Xandrei sa isang stretcher habang napapasigaw naman si Adelise na inaalalayan nina Yara at Yeli na kakarating lang. Mabilis nila itong sinugod sa ospital at ipagdasal na lamang ang pagpapagaling niya...

MASAKIT pa ang ulo ko ngunit pinilit ko pa ring imulat ang aking mga mata. Puti lahat ng nasa aking paligid, puting kisame, puting kurtina, ang puting bubong at ang mga doktor na dumadaan. Nakikita ko lamang sila sa bintana dahil ako ay nasa loob.

"Ate!" Nagulat ako nang sinunggaban ako ng yakap ni Agnes. Rinig ko rin ang matitinding pag-alala sa mukha ng aking nanay at tatay habang inilayo si Agnes mula sa pagkakayakap sa'kin.

Umupo si inay sa aking tabi habang nasa tabi rin niya sina itay at Agnes. "Nak, May kailangan ka ba? Gutom ka ba? Anong gusto mong kainin?" Sunod sunod ang tanong nila sa akin ngunit hindi ako nakikinig sa kanila dahil may hinahanap akong tao. Gusto ko siyang makita at mayakap ulit. Hindi gagaan ang aking pakiramdam hanggat hindi ko makita si Xandrei.

"Okay lang po ako. Gusto ko pong makita si Xandrei."

Agad natigilan ang reaksiyon ng lahat. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang ipinaparating nila sa akin at bakit hindi maintindihan ang mukha nila. Walang bahid ng saya. "Huwag niyo sanang tingnan ako ng gan'yan, mas lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko-"

"Magpahinga ka muna, anak." ani tatay. Naintindihan ko sila at hindi ko alam kung naiintindihan din ba nila ako?

"Bakit, 'tay?" Hindi sila kumibo habang nakatingin kung saan-saang direksiyon. Hindi ako makahinga nang maluwag kaya napagpasiyahan kong tumahimik—nakatingin sa kawalan.

Hindi ko matanggap ang mga emosyong nangingibabaw sa kanila. Iyong parang nananaig ang pagiging negatibo pero ayaw lang nilang sabihin sa akin.

Huminga ako nang malalim, iyon lang ang tangi kong magawa. Bumalik ako sa paghiga upang ipahinga ang aking sarili at nang maiwasan na ang pag-aalala. At upang masimulan iyon ay pinikit ko ulit ang mga mata. How dare me to forget him?

Sumapit ang ikatlong araw at naghahanda na sila nanay at tatay sa mga gamit ko dahil kakadalaw lang ng doktor kanina. Sinabi nitong pwede na raw akong makauwi. But

BRING THEM BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon