Nagtagumpay naman kami kahapon, pero kahit pa ganoon ay hindi ko pa rin maiiwasang mag-alala para sa 'king sarili. At nagdadalawang isip ako kung tutuloy pa ba ako sa party nila.
Tungkol doon sa sinabi ni Xandrei kagabi lalong lalo na ang kanyang huling salita.
'Adelise Maurin'
Ito ang dahilan ng aking pag-alala sa sarili. Baka nabingi na talaga ako, pero hindi eh. Pa ulit-ulit na mag e-echo ang salita niya sa isipan ko. Pilit ko naman paalisin iyon, pero babalik at babalik pa rin ito. Siguro bunga ito ng matinding stress ko.
"Ate, Adelise! Tignan mo 'tong cocktail na napili ko!" tawag ni Agnes sa akin dito sa loob ng kuwarto. Kanina pa siya naghahanap sa closet para sa susuotin ko, marami namang magaganda doon pero pangit daw para sa kanya. Kaya ang nahanap niya ay galing sa maleta na matagal nang nakatambak sa ilalim ng kanyang kama. Siya lang din ang nakakaalam na pupunta ako doon mamayang gabi, kaya nagpasalamat na lang akong hindi niya sasabihin ito kila nanay at tatay.
"Ano? Siguraduhin mong hindi sexy iyan, iyong simple lang ang gusto ko." sumimangot naman si Agnes at parang hindi sang-ayon sa sinabi ko. Ayaw ko sa mga damit na masyadong revealed, mas prefer ko 'yong sakto lang.
Bigla naman siyang ngumiti at tumango. "Huwag kang mag-alala ate, sigurado akong bagay na bagay 'to sa 'yo." ngisi muli niya kaya wala na akong magawa kundi magtiwala na lang.
Alam ko naman ang dapat susuotin kasi isang Masquerade Ball Party ang pupuntahan ko. Syempre pabonggahan iyon ng mga damit at isali na rin natin ang magiging partner nila. Hinding hindi mawawala ang payabangan ng partner dahil sa gwapo't maganda ito.
"Pero sa 'kin, isa lang ang dahilan ko kung bakit ako pupunta doon." hindi ko namalayang nabigkas ko na pala iyon.
"Uuyye, alam ko na kung sino 'yan, ate!" sabad ni Agnes dahilan upang magulat ako. Ngumiti naman siya ng nakakaasar sa 'kin na para bang si Xandrei ang tinutukoy niya, pero agad ko siyang sinamaan ng tingin bago magsalita.
"Hoy! May mga kaibigan rin ako doon sa Martel, noh! Huwag kang ano diyan!" singhal ko at umiwas ng tingin, pero mas lalo naman niya akong inaasar.
"Aysus, alam ko na 'yong style mo, ate--"
"Anong alam mo na?! Ni hindi nga ako nagkagusto sa isang tao noon, FYI, 12 years old ka pa lang, baka ikaw may crush kana." kaila ko at malapit nang mapikon.
"Yes, inaamin ko. Pero atleast honest ako!!" sigaw niya at kumunot naman ang aking noo, saka umismid.
"Weh? Sumbong kita kila tatay--" panakot ko sa kanya, pero nabigo rin ako sa huli.
"Ikaw kaya isumbong ko na may gusto ka kay kuy--" agad kong tinakpan ang kanyang bibig dahil biglang pumasok si nanay sa kuwarto namin. Sila ang type of parents na ayaw magkagusto ang anak nila habang bata pa. At nalulungkot kami doon.
"Oh? Anong ingay ang narinig ko mula sa baba? Nag-aaway ba kayo?" tanong ni nanay, ngunit agad naman kaming umiling ni Agnes.
"Naglalaro lang po, nay" tugon ko at umayos mula sa pagkakaupo sa sahig. Ngumiti naman si nanay at sinenyasan si Agnes na sumunod sa kanya. Agad naman tumayo si Agnes at tuluyan na silang nawala sa paningin ko, saka inisara ko na ang pinto.
Muli akong napatingin sa napiling damit ni Agnes. Napangiti na lang din ako dahil sa tingin ko ay babagay sa 'kin iyon. Nang dahil rin sa kakatingin ko, excited na tuloy ako pumunta sa party. Ano kayang mararamdaman niya kapag makita niya akong gan'to? Sasaya kaya siya? Or ma di-disappoint? Magagandahan kaya siya sa 'kin? Though, maganda naman ako kahit naka uniform, cocktail dress pa kaya? Yeah, I prefer cocktail dresses than ball gowns.
BINABASA MO ANG
BRING THEM BACK (Completed)
General FictionLosing a friend is like losing a gem. But she lost more than a friend including her family and their own institution. Martel University, the effect of her family's hardwork that is now carried by a wrong hand. Moreover, she can't also accept that he...