HINDI KO KINAYA ang naramdaman ko kanina, kung kaya't tinakasan ko sila at ngayon ay mag-isang nakaupo sa kilalang panciteria.
Marami akong natanggap na missed calls galing sa mga kaibigan ko, at dahil wala ako sa mood ay pinatay ko ang phone. Bumuntong hininga ako at muling uminom ng tubig.
Mula sa malayo, napakalakas at nakakabingi ang mga sigawan sa arena, rinig ko pa nga ang mga boses nila Cody. Pati na rin ang pag ra-rap nila AJ? Tama ba? Napakaganda tignan ng mga fireworks doon, at dahilan ito upang gumaan ang pakiramdam ko.
Pero, nandoon pa rin ang sakit. Malakas man ang mga sigawan sa arena, ngunit mas nakakabingi pa rin ang sinabi sa 'kin ni Xandrei kanina. Hindi naman sa nakatitiyak, pero hindi ko pa rin matanggap na may kinalaman si Xandrei tungkol sa bagay na 'yon. Parang nawalan ako ng pag asa sa sarili ko, paano na? Paano na ako?
"Uy, Hija! Baka gusto mong subukan ang pancit namin? Napakasarap nito." ngiti ni manang Rosita sa 'kin habang bitbit ang pancit na dala niya kanina at inilapag niya sa lamesa kung nasaan ako ngayon. Nagtaka naman ako, hindi ako nag order ng pancit, tubig lang ang inorder ko kanina.
"A-ah..w-wal--" hindi niya ako pinatapos
"Huwag kang mag aalala hija, libre lang ito para sa iyo. Napansin kasi naming malungkot ka, kaya binigyan ka namin nito kung sakaling sasaya ka naman. Isa iyan sa mga specialty namin." napangiti na lang din ako at nagpasalamat sa kanya. Isa siya sa may ari ng panciteryang 'to, marami rin ang nagsasabing napakabait niya. Hindi nga sila nagkamali.
Naiwan ang wallet ko sa loob ng dorm dahil sa pagmamadali nila Yara at Yeli, kaya umaasa na lamang ako sa libre nilang dalawa. Pero ngayong hindi ko sila kasama, tiyak na magugutom ako at buti na lang ay mabait si manang Rosita, isa sa may ari ng panciteryang 'to.
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam ako at nagpasalamat ulit kay Manang Rosita bago umalis sa panciteria. Ngayon ay mag isa lang akong naglalakad sa madilim na daan. Wala akong balak na bumalik kila Yara kahit alam kong nag-aalala sila. Ang tanging gusto ko lang ay mag isa.
"Kung hindi ko na lang sana tinanong si Xandrei, edi nakita ko na ang ForeverYours ngayon! Nakapag fansign na sana ako kahit hindi naman ako fan." angal ko habang salubong ang kilay.
Ilang sandali, bigla akong napahinto galing sa paglalakad nang biglang makita ang isang tahimik na puno habang kumakaway-kaway dahil sa hangin. Medyo malayo ang highway at kahit na may ilaw sa daan, makikita kong madilim pa rin doon sa may puno.
Sandali kong naisipan na manatli muna roon. Humahakbang pa lang ako papalapit nang biglang may narinig akong umiiyak. Agad namang nanlaki ang 'king mga mata nang malamang galing pala iyon sa may puno na pupuntuhan ko pa lang. Pamilyar din ang boses ng taong 'yon, at sa pagkakaalam ko ay isa 'yong lalaki.
Kapag marinig ko ang pag-iyak nito'y hindi ko alam kung bakit sasabayan rin iyon ng kirot sa aking puso. Tila ay nakokonsensya ako, pero sa di malamang dahilan. At bakit naman ako makokonsensya? May kasalanan ba 'kong nagawa?
"H-hello?? M-may tao ba diyan?" utal kong tanong nang makarating ako sa puno, pero kahit ni isang tao ay wala akong makita.
Sandaling tumahimik ang paligid, pero ilang segundo ay napatalon na lang ako sa gulat nang biglang bumaba ang isang lalaki galing sa itaas ng puno gamit ang pagtalon ng dire-diretso. Agad naman nanlaki ang aking mga mata nang mamukhaan ko kung sino siya.
"K-Kazimir?!" sigaw ko habang nagtataka. Napansin ko rin ang pamumugto ng kanyang mata na para bang may nagawang kasalanan. Kusang humakbang ang mga paa ko papalapit sa kanya, pero agad naman itong umatras.
"Would you mind if I'll ask what happened?" ulit ko pero hindi siya kumibo at palagi pa ring nakayuko. Huminga muna ako ng malalim bago siya tanungin ulit, "K-Kazi--"

BINABASA MO ANG
BRING THEM BACK (Completed)
General FictionLosing a friend is like losing a gem. But she lost more than a friend including her family and their own institution. Martel University, the effect of her family's hardwork that is now carried by a wrong hand. Moreover, she can't also accept that he...