Kabanata 1

118 17 0
                                    

10 years later...

Masaya kaming nakikipagkwentuhan ni mama at Agnes ngayon. Masaya na ako na makapiling sila, napakaswerte ko. Noon ay hindi ko inaasahan na magagawa nila akong ituring na pamilya.

Sila ang nakakita sa akin sa ilalim ng tulay pagkatapos ng aksidente namin noon. Tinulungan nila akong itago dahil hindi ko gustong magpakita kay lola. Si Lola trinidad na lang ang natitirang kadugo ko rito sa mundo at wala nang iba.

Pilit ko siyang kinalimutan dahil palagi kong makikita ang mga balita na tanggap na niya ang pagkawala ko. Nakakalungkot man at nakakawasak ng puso, pero wala na akong magawa. Hindi ko naman siya kailangan para sumaya.

"Oh? Ate, your turn na! Magkwento kana!" biglang sabi ni Agnes nang matapos na itong mag k'wento. Umayos naman ako.

"Anong I k-kwento ko?" ako'y nagtaka dahilan para mapaismid silang dalawa ni Mama.

"Depende sayo aber! Ate, ikwento mo nalang kaya iyong nakilala mo noon! Y-yung C-Cald-dero?" napasmirk ako sa sinabi ni Agnes.

"Loko ka! Nawalan na ako ng gana mag kwento!" Basta sa ganitong topic, mawawalan na talaga ako ng gana kasi alam ko namang this will end me up crying.

"Ayan tuloy, killjoy ka kasi Agnes eh" naaasar na si mama at napatawa naman ang kumag na step sister ko.

"Napakabait niya..." panimula ko at nag handa naman silang makinig

"Masaya ako kapag kasama siya, kahit kakikilala ko pa lang sa kanya." kuwento ko. Unti unti ko na namang nararamdaman ang pagdilim ng aking puso. Ang bobo ko kasi, Ba't ko pa kinuwento ito.

"Ate, crush mo ba siya noon?" singit ni Agnes.

"Parang ganun na nga"

"Nasaan na siya ngayon?" si Mama dahilan para mapawi ang ngiti sa aking mukha.

"Ayaw kong sabihin ito at gusto ko na rin siyang makalimutan. Wala na siya" napansin kong nagbago ang reaksiyon nila at biglang nalungkot. Kasi kapag malungkot ang isa sa aming pamilya, malulungkot din dapat ang lahat.

"Anak, kasali ba siya sa aksidente noon?" tanong ni Mama at dahan dahan akong tumango.

"Ang sayang naman ate. Sa palagay mo may pag asa ka pa bang makakita ng tulad sa kanya?" naghinayang na ani Agnes. Sumilaw ang mapait na ngiti sa aking labi.

"Baka wala na, pero still nangangarap pa rin ako." bumuntong hininga ako.

"Wag kang mawalan ng pag asa anak. May makilala ka rin." Ngumiti si mama

"Pero ma, gusto ko nang makalimutan sila. Mas lalo lang akong masasaktan e." nararamdaman ko na naman ang sakit at pangungulila lalo na sa aking pamilya. Napabuntong hininga ako at tumayo mula sa kinauupuan, napalingon naman sila sa akin. "Kwarto muna ako, ma" tumango naman sila at umalis na ako papunta sa kwarto.

Padabog akong humiga sa kama at bigla kong naalala ang Martel University na pagmamay ari namin noon. Sa pag aakala ko noon ay naisara ang unibersidad na iyon pero hindi pa pala. Hindi ko alam kung sino na ang may ari no'n.

Sa amin iyon eh! Bakit ba ganito ang buhay? Mga taong bigla nalang mawawala at iiwan ka, kagaya rin ng bagay.

Wala na sila Mommy at Daddy..

Buti na lang talaga hindi nawala ang memorya ko. Kapag tuluyan itong nangyari ay wala na talagang pag-asa na mabigay ko ang hustisya.

Napakagat ako ng labi at lalo pang lumalalim ang aking iniisip. Nangako ako noon sa aking sarili na kalimutan ko na sila. Sabi ko hindi ko na sila kailangan para sumaya at kung sino man ang taong gumawa ng lahat na iyon ay makonsensya sana.

BRING THEM BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon