Natapos na ang klase namin sa Cosmetology, nakapag perform na rin ako ng hand spa at pangalawa ako sa may highest score. Syempre, laging mangunguna sa amin si Jasiri, kompleto kasi ang mga gamit niya kompara sa 'kin na nanghihiram lang. Besides, mas mapapaayos mo ang performance kung hindi ka pa hihiram sa iba, straight forward lang, walang makakaabala sa 'yo. Pero, depende naman iyan sa pagganap ko, mas maraming experience si Siri kaysa sa akin.
Pero, hindi ko nakita si Louri kanina. At nang dahil lumabas siya sa isipan ko, bigla ko tuloy naalala ang kasal nila ni Xandrei.
"NO WAY!!" biglang sigaw ko dahilan para mapahinto sila Yara sa paglalakad kagaya ko. Ngayon ay maraming mga mata ang nakatingin sa 'kin dito sa hallway.
"Uhm.. Excuseme, may nightmare lang siya sa umaga." Biglang hinawakan ni Yeli ang braso ko at hinatak papunta sa saradong pintuan ni Sir. Olivarez.
Huli ko nang mapansin si Yara na palihim na tumatawa habang nakatingin kay Yeli. "Anong meron?" untag ni Yeli at napailing-iling naman si Yara bago sumagot.
"Ikaw pa ba naman makarinig ng 'nightmare sa umaga' hindi ka matatawa?" napahalakhak ito. Ngumuso naman si Yeli at umiling saka kumatok ng pinto. Walang sumagot no'n kaya ako na lang ang nagbukas ng pinto at pumasok.
"Hindi pa dumating si Sir." tugon ni Ali habang may nilalaro sa cellphone niya. Nakaupo na kaming tatlo sa sariling upuan habang nag-aantay kay sir.
Sandali akong napatingin kay Xandrei sa likod, ngunit ganoon na lang ang lungkot kong hindi siya nakita. Walang tao sa upuan niya.
"Looking for him?" sabad ni Yara pero pasimple lamang akong tumango. Maya maya ay dumating na si Sir Olivarez at nagsimula na kaming gumawa ng plate, without him...
Pagkatapos ng klase at sa halip na magtungo sa cafeteria ay mag-isa akong dumiretso sa Class 1A para kausapin si Kazimir. Parang hindi na tama ito eh, hindi ako papayag na maging sila dalawa ni Louri.
Pagdating ko doon ay naabutan ko sina Jasiri at Kazimir na kinakausap ng kanilang guro. Sila lang din dalawa ang natira and the rest ay lumabas na. Hindi pa 'ko nakapasok nang iniwan na sila ng kanilang teacher, kaya doon ko na kinuha ang pagkakataong magpakita sa kanila.
"Oh? Why are you here, Adelise?" kalmadong tanong ni Kazimir, ngunit makikita pa rin ang pagtataka sa kanyang mukha. Hindi kagaya ni Siri na may halong tuwa.
"Nasaan si Xandrei?" Seryoso ako habang nakaharap sa kanila.
"Wait, hindi ba niya sinabi sa 'yo?" pabalik na tanong ni Kazi na ikinakunot ng aking noo.
"Sinabi? Saan?" Sasagot na sana si Kazi, pero agad siyang naunahan ni Siri na magsalita.
"You're already too late, you have a few minutes left to win him back. And kung hindi mo iyon magawa," Ngumisi muna si Siri saka muling nagsalita, "pwede na silang tawaging 'mag-asawa" dagdag niya na dahilan ng saglit na paghinto ng aking pulsuhan.
"Saan ba kasi iyon?! Kazimir?!" Bumaling ako sa kanya na ngayon ay parang nakokonsensya.
"I-I'm s-sorr--"
"I don't need it! Sabihin niyo sa 'kin kung saan sila?!" halos malalagutan na ako ng hininga sa kakasigaw. Hinding hindi ako papayag na magiging silang dalawa. Alam ko! Kagagawan na naman ito ni Don Maximo. "Si Don Maximo ba ang ugat sa lahat ng ito?!" dagdag ko ulit, pero hindi makapagsalita si Kazimir.
Si Jasiri na ang nagsalita kaya lumingon ako sa kanya, "Listen, Adelise. Mahal nila ang isa't isa, hindi makakaya ng Don Maximo ang lahat kung hindi nila hihingiin ang kamay ng pinsan ko. Para rin naman it--"
BINABASA MO ANG
BRING THEM BACK (Completed)
Ficção GeralLosing a friend is like losing a gem. But she lost more than a friend including her family and their own institution. Martel University, the effect of her family's hardwork that is now carried by a wrong hand. Moreover, she can't also accept that he...