Kabanata 13

36 3 0
                                    

IT'S BEEN ALMOST one week noong pumunta kami sa zoo at ngayon ay balik aral na naman. After we arrived, may pinapagawa si Mrs. Quezada sa 'ming project tungkol doon at natapos naman naming i pass iyon.

Ngayon ay may problema na naman ako. Hindi ko nagawa ang plates namin sa TD at ngayon na ang deadline no'n. Matagal kasi akong gumaling dahil sa lagnat ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako magaling.

"Huwag ka na lang pumasok, Adelise. Ok lang naman iyon at kami nalang magsab--" hindi ko pinatapos si Yara,

"Naku, kailangan ko talagang pumasok. Two days na akong absent at baka bumaba ang grades ko." kinuha ko ang bottled water sa lamesa at nilagay sa bulsa. Nagtaka naman ang kanilang mukha habang nakatingin sa tubig, pero agad na lang silang tumango bago magsalita si Yeli.

"Okay, pero kaya mo naman diba? Ikaw naman kasi, nagpapaulan pa." sisi niya sa 'kin at tanging ngisi lang ang sagot ko sa kan'ya.

Kinabahan ako pagpasok sa TD, ikaw ba naman ang hindi gumagawa ng activity. Ang bobo ko rin kasi, nakalimutan kong gawin kagabi. Pero ok lang naman dahil nilagnat ako noon. Bumuntong hininga na lamang ako at inihanda ang sarili para pagalitan ni Mr. Olivarez,

"Have you all done with your plates?" tanong ni sir sa 'min at tumango naman lahat ng kaklase ko, maliban sa 'kin. "Ano na namang problema mo? Ms. Zhen?" bumaling siya sa 'king nakayuko.

"M-Ma..nakalimutan ko p-po," naging sagot ko dahilan ng pagkunot niya nga noo saka umiling.

"Are you that stupid?! Ms. Zhen?!! Bigyan mo ako ng dahilan ng ganon ganon lang?! Stand up!" tumayo ako pagkatapos niyang sigawan.

"Are you all fine with that? Gumagawa kayo ng activity pero ang batang 'to ay tamang pa chill lang? Isn't it unfair?" tumango naman ang ilan sa mga kaklase namin at ilang sandali ay biglang itinaas ni Yara ang kamay niya, dahilan para mapalingon si sir sa kanya.

"May lagnat po siya kagabi, sir. Hindi siya makapagfocus--"

"And what now? Wala ba talaga kayong paraan? Tsk. Mga bata talaga ngayon!" singhal niya at tinuro ako gamit ang kanyang mahabang stick, "Sa 'kin, hindi na dahilan ang lagnat. I'll give you chance this afternoon, dapat lahat ng plates ay maipasa mo!" iyon ang huling sabi niya sa 'kin at bumalik na sa kanyang table.

Umusbong ang mga bulong bulongan sa mga kaklase ko tungkol sa 'kin.

"Huwag mo nang pansinin 'yan." ani Yeli sa 'kin at tumango naman ako sa kanya.

Natapos na ang klase namin sa Technical Drafting at ganoon na rin sa iba pang subjects. Ngayon ay nandito na kami sa cafeteria para mag lunch, kasabay rin namin sila Ali at Jared.

"Uy, treat mo naman Ali!" si Yara, sumimangot naman si Ali sa kanya at tumango. Kanina pa nilang pinilit iyan, kaya ganyan.

Simula kanina ay hindi ko nakita si Xandrei. Hinahanap ko naman siya kanina, pero naisipan kong baka nasa office lang siya ng mom niya.

"Ba't antagal naman ni Xandrei? Kanina pa iyon wala ah?" nag aalalang ani Jared na kung saan saan na nakatingin.

"Nah, baka naman pinagalitan ni madame Fe." sabi naman ni Yeli.

Maya maya ay nagulat na lang ako nang biglang may kumalabit sa 'kin, nagsimula na naman ang tilian ng mga babae. Paglingon ko ay inaasahan kong si Xandrei ang aking makita, pero hindi pala.

"How are you today?" ngiti ni Kazimir sa 'kin dahilan para mapatulala ako. Hindi ko alam kung bakit pero tumango naman ako at binigyan ko siya ng bared tooth smile.

"Would you mind if I join?" nagulat ako at nagtaka kung bakit malambing siya. Ewan ko, iyon ang napansin ko eh. Oh baka gutom lang ako. Agad naman akong napatango nang matauhan.

BRING THEM BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon