Chapter 1

377 6 0
                                    

A/N: This is my first story na naisulat. Unedited.


“Thea!”

Napatigil ako sa paglalakad at nilingon kung sino ang tumawag sa akin.

Napatili ako nang mapagtanto na si Barbara pala tumawag. Ang tagal namin na hindi nagkita kaya na-excite kami pareho.

Medyo nakatawag din ako nang pansin sa mga taong nasa paligid sa 'min at sa mga dumadaan dahil medyo napalakas ang pagtili namin na dalawa dahil na-excite kami.

She's my bestfriend at work. Sa iisang kumpanya lang kami nagtatrabaho pero magkaiba lang na branch. Kasama ko siya dati sa branch kung saan ako na-assign ngayon pero nalipat siya sa mas malapit sa kanyang tinitirahan. Matagal na rin ang huling labas namin, noong magkasama pa yata kami sa store.

“Girl, kumusta? Namiss kita,” sabi ko pagkalapit ko sa kanya.

“Sobrang busy mo kasi, teh.” She teases me. Tumawa lang ako.

Kahit sa chat ay naging madalang na rin ang pag-uusap namin dahil halos lagi akong straight sa work. Kulang kami sa tao kaya napapadalas ang overtime ko. Kapag wala naman akong pasok, mga gawaing bahay naman ang inaatupag ko.

“Kumusta ka na? May boyfriend ka na ba?”

Palibhasa ay alam niyang never pa akong nagkaroon ng boyfriend kaya madalas ito ang kinukulit niya sa akin  kapag nagkakausap kami sa chat.

“Gaga! Boyfriend agad ang tanong. Sinabi ko na sa 'yo sa chat na wala nga," natatawang sagot ko sa kanya."Halika, hanap tayo ng makakainan," yaya ko sa kan'ya.

"Gusto ko 'yan girl. Libre mo ako ah." She giggled in excitement.

Napangiwi ako. Kahit kailan talaga, kuripot itong si Barbara."Oo na tapos ikaw sa kape."

Tumango si Barbara tanda na pumapayag siya na siya ang sasagot sa kape namin mamaya. Bread winner kaming parehas kaya parehas din kaming kuripot.

Pagkatapos namin mag-lunch ay nagtungo kami sa isang coffee shop kung saan puwede kaming tumambay nang matagal. Sa al fresco namin napiling umupo dahil masyadong crowded sa loob ng shop. Iilan lang kasi ang tumatambay sa labas dahil hindi aircon. Pero sa 'min ay ayos lang kahit hindi malamig basta makakapag-usap kami mamaya. Medyo madami lang talaga tao ngayon kahit hindi sa loob ng shop pati sa mall dahil weekend.

Sa totoo lang,madami kaming kailangan na tapusin na report. Pero dahil minsan lang kami magkita na dalawa ay susulitin na namin. Hindi bale, restday naman namin bukas kaya bukas ko na lang gagawin ang ibang naiwan ko na report. Wala naman akong gagawin sa restday ko.

Pagkatapos namin mag-order ay dumiretso na kami sa al fresco. Isang iced coffee ang order ko at kay Barbara naman ay hot coffee. Napangiwi nga ako sa kanyang order dahil mainit sa labas tapos mainit pa ang kanyang order.

Malaki ang al fresco ng coffee shop. Medyo dulo lang kami umupo malapit sa daanan ng tao dahil may mga naninigarilyo sa kabilang side.

"Graduating na ba si Tanya?" tanong ni Barbara habang naglalagay ng sugar sa kanyang coffee.

Si Tanya ay kapatid ko. Tatlo na lang kami ni Tanya at ni Lola ang magkasama. Matagal nang patay si Mommy,mga 10 years na rin siguro. Si Daddy naman ay matagal nang ' di namin kasama sa bahay,may bagong pamilya na kasi siya.

I nodded while sipping my iced coffee."Oo. Dalawang sem na lang at ga-graduate na siya. Puwede na akong mag-asawa!" biro ko na ikinatawa ni Barbara.

"Eh kung may mapapangasawa ka.Manliligaw nga wala.Asa ka pa na asawa! Maghanap ka muna," pang-aasar niya sa akin.

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon