Kasalukuyan akong gumagawa ng kape sa bar area para naman may pampagising ako sa paggawa ko ng report sa loob ng opisina. Nakakaantok kasi ang buong maghapon na nakaupo lang at nakaharap sa computer habang gumagawa ng mga reports. Hilig ko rin talaga ang kape at feel na feel ko rin ang pagiging barista ko tuwing gumagawa ako ng kape.Si Janna, 'yong cashier namin ay nagpaalam lang saglit sa 'kin na gagamit siya ng comfort room. Iyong kasama niya na staff ay nagma-mop sa dining area. Wala pa namang tao at maririnig ko naman kung may papasok na customer dahil nakatalikod ako sa counter at nakaharap sa espresso machine. Abala pa rin ako sa paggawa ng kape ko.
May narinig akong kumatok sa counter namin kaya napalingon ako. May customer na pala kami. Hindi ko man lang narinig si Coby na bumati sa customer o baka hindi talaga siya bumati. Agad kong binitawan ang hawak na pitcher at hinarap na ang customer. Ngumiti muna ako bago lumapit.
"Hi sir Goodmorning. What can I get you today?" masiglang bati ko sa guwapong customer na nasa harapan ko.
Mukha siyang artista o modelo sa isang magazine. Syempre mas todo smile ako dahil guwapo. Papansin ang peg ko gano'n.
He smiled back at me. Mas guwapo pala siya kapag nakangiti. Lumabas din ang pantay-pantay at mapuputing ngipin niya. A perfect set of teeth na puwede nang pang-commercial ng toothpaste.
"Can I get you?" pilyong sagot niya sa pagbati ko sa kanya. I even saw him smirked.
Napamaang ang labi ko sa kan'yang sagot.
Ahh. Gusto mo ng landi.
Ngumiti ako sa kan'ya. "Sure," pilya ko ring sagot. I bit my lower lip.
He bit his lower lip too. "Masarap ka ba?"
Aba! Hinahamon ako. Of course baka makalimutan mo ang pangalan mo darling.
I mentally grinned. Pero syempre kailangan kong maging professional at isa pa, wala akong balak na patulan siya. Kahit guwapo siya hindi naman ako basta-bastang bibigay sa kan'ya. Gusto ko lang siyang sakyan sa kalokohan niya. Magaan ang loob ko sa kan'ya.
"Of course. Masarap ako," sinadya ko talagang bitinin ang sasabihin ko sa kan'ya," Gumawa ng kape." I winked at him.
He grinned. He bit his red lips again as if he's trying to seduce me.
"Gusto ko tikman..." He trailed off. "Ang kape mo."
Hindi ko na alam kung ano pa ang isasagot sa kan'ya baka kung saan pa mapunta ang usapan naming dalawa.Baka isipin niya ay may gusto ako sa kan'ya at easy to get ako.
"Ma'am Thea, may coffee po kayo?" biglang tanong sa 'kin ni Janna kaya napatingin ako sa kan'ya na papalapit na sa 'kin. Iyong mata niya ay biglang nagningning nang mapansin ang guwapong customer na kausap ko.
I rolled my eyes.
Tsk... Tsk... Istorbo talaga 'tong si Janna. Wrong timing ang dating.
"H-uh? Ah, wala pa siyang order. Sige ikaw na ang bahala sa kan'ya," saad ko kay Janna. Nawala na rin ang ngiti ko sa labi at parang gusto ko siyang sabunutan sa pang-iistorbo sa 'min.
Lumapad ang pagkakangiti ni Janna at lumapit sa g'wapong customer.
"Hi sir, can i get your order?" tanong ni Janna at nagpacute rin.
Ang sarap sabunutan talaga. Inagawan pa ako ng eksena.Hays.
"Tapusin ko lang 'yong ginagawa ko Janna," paalam ko sa kan'ya bago ko binalingan muli ang customer.
"Sir, Janna will assist you. Excuse me." Paalam ko sa kan'ya bago tumalikod at binalikan ang ginagawa.
Nakita ko ang ginawang cupmarking sa cup na inilapag ni Janna sa tabi ng ginawa kong coffee.

BINABASA MO ANG
He's My Boss
Storie d'amoreThea lost her job, so she accepted the job that was offered to her without asking for further details. She was surprised when she found out that it was her rude customer at the coffee shop that would be her boss, Deuce. What would happen if they wor...