Chapter 23

313 8 5
                                        


3RD POV

"Hi, Thea." It's Patricia. Nasa comfort room sila kasalukuyan sa loob ng isang mamahaling restaurant sa Makati.

Hinihintay pa nila ang ibang mga kaibigan nina Deuce.

"What are you doing here?" Nagtatakang tanong ni Thea sa dalaga. Nakatingin siya sa repleksiyon ni Patricia sa harap ng salamin habang naghuhugas siya ng kamay.

She saw her smirked. "Why? Wala ba akong karapatang pumunta rito?"

"No. That's not what I mean. Dahil ba kay--"

Patricia raised a hand, cutting her off.

"Of course not! I won't lower myself again for him." She paused. Humakbang ito palapit sa kanya at naghugas din ng kamay. Like what she did, sa salamin din ito nakatingin. "I saw Leslie the other day. Did you meet her already? I assumed it's yes dahil hindi naman pumupunta si Leslie rito ng Manila ng hindi sila nagkikita ni Deuce."

Medyo mag kirot sa puso ni Thea ang mga sinabi ni Patricia sa kanya. Oo, nagkita na ang dalawa at iyon ang kinabibigat ng kanyang damdamin.

Tinuyo ni Patricia ang kamay gamit ang hand dryer. Sumunod din siya sa ginawa ng dalaga.

Naunang bumalik sa harap ng salamin si Patricia at nagsimulang mag-retouch ng lipstick.

Nanatili lang siya sa tapat ng hand dryer at sinusundan lang ng tingin si Patricia sa ginagawang pagre-retouch. She mentally grinned when she saw Patrica pout her lips.

Mukha namang puwet ng pato ang lips.

Nagpigil siya nang pag-ngiti sa naiisip.

"She's Deuce first love. Did you know that?" Parang kaswal lang na pagkakatanong ng dalaga sa kanya. Para bang close sila kung makipag-usap ito sa kanya.

No. She didn't know it. Her lips parted in surprise. Sumeryoso ang mukha niya.

Patricia chuckled at her reaction. "You looked surprised, dear."

"Bakit mo 'to sinasabi sa akin ngayon?Look Patricia, hindi mo pa rin ba matanggap na iniwan ka na ni Deuce? Kawawa ka naman."

Nagkibit balikat lang si Patricia. It's like, she doesn't care about Deuce anymore.

"I already accepted it, Thea. Believe me. I know it's hard for you to believe it, dahil kailan lang tayo nag-away ng dahil kay Deuce. Pero masyado akong maganda para ipagpilitan ang sarili ko sa lalaking ayaw na sa akin. Besides, I know from the very beginning he's not going to be mine. We had fun anyway," kumindat pa ito sa kanya.

"So, bakit mo nga sinasabi sa akin ang tungkol kay Leslie?"

Hinarap siya ni Patricia.

"Wala lang... Para ma-feel mo rin iyong inis ko sa babaeng iyon. Kahit hindi niya ako kilala, I hate her." Pagkatapos ay muli itong humarap sa salamin at nag-retouch nang powder.

"Wow! Akala ko kasi concern ka sa akin. Sabi ko na nga ba at gusto mo lang akong inisin."

Tumalikod na si Thea. Ayaw na niyang marinig ang sasabihin pa ni Patricia sa kanya. Aba, nakakapagtaka nga kung bakit magkausap sila ngayon.

The last time na nagkita sila ay hindi maganda ang nangyari. Nagkasakitan silang dalawa noon sa bar ni Dave.

Hindi pa siya nakakalabas nang tuluyan sa pintuan ng may nakabangga pa siya paglabas. Papasok iyong nakabangga niya dahil nagmamadali siya at mabilis ang kilos ay hindi niya napansin agad ang babae.

"I'm s-sorry Miss. Hindi ko-"

'Thea?" Napatulala siya nang makilala ang nagsalita at nakabangga niya. Si Leslie.

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon