Chapter 14

98 1 0
                                    

THEA

TUMIGIL si Barbara sa paginom ng coffee at binalingan ako. Nagkatinginan pa muna silang dalawa ni Tanya bago siya nagsalita. Kasalukuyang nasa paborito namin na coffee shop kaming tatlo habang hinihintay ko si Deuce. Nagpaalam ako sa kanya na magkikita kaming tatlo habang nasa opisina pa siya, pumayag naman. Akala pa nga niya, magkikita kami ni Dave. Pinagsend pa ako selfie kanina kung talagang kasama ko ang dalawa. Ang mokong na 'yon, hindi naniniwala sa 'kin.

"May pagkatanga ka rin talaga, gurl noh?" saad ni Barbara.

"Bakit? Pumayag naman si Deuce sa kundisyon ko, basta pumayag ako na magpapanggap kaming magboyfriend kay Patrica para tigilan na siya nito. Madali lang naman, mapapabilis pa matapos ang kontrata namin. After no'n, kukunin akong assistant ni sir Marcus, 'yong kapatid ni Deuce. Isa pa, talagang naiinis ako do'n sa Patricia na 'yon. Akala mo kung sino'ng maganda, eh mukha namang nasapak." Saad ko bago ko kinuha at ininom ang ice caramel latte ko.

Napaface palm si Tanya sabay iling. Si Barbara naman ay napataas ng kilay na para bang hindi kumbinsido sa sinabi ko.

"Nababaliw ka na Ate. Ano ba ang pinaggagawa mo? Ang hilig mo sa kumplikadong sitwasyon," kastigo sa akin ni Tanya.

"The who itong Patricia?" tanong ni Barbara na iyong itsura ay mukhang chismosa na naghihintay ng chismis.

"Iyong Patricia, siya 'yong feeling girlfriend ni Deuce pero fuck buddy lang talaga sila." Nabuhay bigla iyong inis ko nang maalala ang itsura ni Patricia na kung makakapit kay Deuce ay parang tuko.

Tama butiki nga sa payat.

"Pa'no kapag nafall ka riyan kay Deuce? Ngayon pa nga lang, eh nagseselos ka na riyan sa Patricia na 'yan," ani Barbara habang nakahalukipkip ito'ng nakatngin sa 'kin, naiinis.

"No! Hindi ako nagseselos kay Patricia. At saka, bakit naman ako magseselos sa kanya? Mas hamak na mas maganda naman ako sa kanya. Ang kapal-kapal ng make-up, sexy lang kung magdamit. Sabi ni Deuce, model daw 'yon. Baka model ng katol! Hindi ko nga alam, kung bakit pinatulan ni Deuce 'yon. Wala namang boobs, ang payat-payat pa. Hindi siya masarap yakapin."

Nagkatinginan ang dalawa sa sinabi ko. Si Barbara ay napainom ulit ng kape niya.

"Oo, tama Ate. Hindi ka nga nagseselos. Sige, tuloy mo lang 'yan ang ginagawa mo. Wala kang kaselos-selos sa katawan."

"Oo nga gurl. Obvious na obvious na hindi ka nagseselos. Sino ba kasi nagsabi na nagseselos ka kay Patricia? Maling-mali talaga siya."

Umayos ako nang pagkakaupo at kinuha ang cinnamon roll.

"Oo nga pla ate, may nakita na akong bagong apartment sa Makati, three bedrooms. Sigurado ka ba na lilipat na tayo? Mahal iyon sigurado."

Inabot niya sa akin ang phone niya at pinakita ang pinicturan na apartment. Malaki at maganda. Sigurado nga na mahal ang rent.

'Di bale, kaya nga ako pumasok sa trabaho kong ito para makalipat kami. Sinabi niya sa akin ang address at pupuntahan daw namin kapag maluwag ang schedule ko.

"Sige, puntahan natin para makapagdown na rin tayo. Ayos lang naman sa 'kin kung mahal, ang importante makalipat tayo sa mas maayos na apartment. Kaya nga ako pumayag dito sa trabaho ko kasi malaki ang sahod."

"Salamat ate, ah. Pero kahit hindi na tayo lumipat muna. Itabi mo na lang ang pera. Ipunin mo muna," seryosong saad ni Tanya.

Natouch naman ako sinabi kaya napangiti ako. Kinurot ko pang ang pisngi niya. May tinatago rin palang concern itong kapatid ko sa 'kin.

"Mabait ka rin pala. Pero para sa inyo ni Lola 'yon, kaya nga ako 'andito 'di ba?" nakangiti kong saad.

"Eh kasi ate, papabili sana ako iphone sa 'yo at saka bagong sapatos. May bagong labas na iphone. Siguradong maiinggit mga classmates ko 'pag makita nilang bago ang phone ko," tuwang-tuwa pa niyang pagkakasabi.

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon