MANGHANG-MANGHA talaga ako sa laki ng bahay na ito. Sinundo ako ng driver nina Ma'am Carlene kanina sa bahay namin.
Nakatayo ako sa living room. Parang gusto kong magpaikot-ikot dito tulad nang ginagawa ng mga Princess sa disney cartoons kapag masaya sila.
At 'yon nga ang ginawa ko, nadala kasi ako sa ganda ng bahay nila. Malayong-malayo sa bahay namin.
I stopped from daydreaming when I heard Mrs. De Silva's voice.
"Thea." nakangiting tawag sa pangalan ko ni Mam Carlene.
Napamulat ako bigla ng mata. Mukha pala akong tanga na nakapikit at nagpaikot-ikot. Nakaramdam ako nang hiya bigla sa ginawa ko. Baka isipin niya ay nababaliw ako at biglang bawiin ang trabahong inalok sa akin.
Naka-ayos pa rin si Ma'am Carlene kahit nasa bahay lang. Ang sosyal talaga.
"Ay Ma'am sorry. . . Kanina pa po ba kayo nariyan?" nahihiya kong tanong. Bakit ko ba kasi naisipan magpaikot-ikot nang ganoon? Baka isipin niya ay nababaliw ako.
She smiled at me. "It's okay. Let's talk here, follow me Thea, " she said.
Nagpatiuna itong lumakad papuntang garden. Nag-alinlangan akong sumunod dahil dala ko ang maleta ko. Hindi ko alam kung dadalhin ko ba o iiwan dito.
Napansin ako ni Rose at mukhang nakuha niya ang iniisip ko at naintindihan. She smiled.
"Ako na ang bahala sa gamit mo, Thea," saad niya. Ang bait din ni Rose, like Ma'am Carlene.
Tumango ako at nagpasalamat. Sumunod agad ako kay Ma'am Carlene. Nakaupo na ito pagkadating ko.
"Have you read the contract already?"
she asked.Sumenyas ito na umupo sa bakanteng upuan sa harap niya pagkadating ko at mabilis ko naman siyang sinunod.
"Actually. . . Uhmmm... " Hindi ko alam ang isasagot dahil ang totoo, ay hindi ko pa nabasa.
Pagkadating ko kasi sa bahay ay excited akong nag-ayos agad ng dadalhin. Ibinalita ko rin kina Tanya at Lola ang bago kong trabaho kaya nakalimutan ko nang basahin tulad ng plano kong gawin.
Tumango-tango ito tanda na naiintindihan niya na hindi ko pa nabasa. Nahiya ulit ako. First day ko, palpak agad ako sa boss ko.
"Asan po pala ang aalagaan ko Ma'am Carlene?" Tanong ko na lang para mawala ang hiya kong naramdaman.
"Oh! Si Deuce? He's already on his way here," sagot ni Ma'am Carlene. Mukhang hindi naman siya galit base sa tono ng boses niya sa akin kahit hindi ko nabasa ang nakalahad sa kontrata.
Napangiti ako, pero napaisip din. Mag-isa lang umalis ang anak niya? Summer ngayon at walang school. Hmmm... Kasama naman siguro ang ibang kasambahay at baka nagpunta sa mall.
Ilang taon na kaya iyon? Baka teenager na at gumagala na.
"Anyway, ikaw na bahala kay Deuce--"
She stopped from talking at tumingin sa pinanggalingan namin kanina kaya automatic na nasundan ko rin nang tingin ang tinitingnan ni Ma'am Carlene.
Napamaang ang labi ko. Napatayo agad ako. Parang lahat ng dugo ko sa paa ay umakyat sa ulo ko. 'Yong lalaking nakabangga ko sa store at naging dahilan kung bakit ako natanggal sa trabaho ay papalapit sa kinaroonan namin!
Pisti! Sa dami-dami nang makikita ko, itong lalaking pa talaga ang makikita ko ulit.
"Mom..." wika ng lalaki at nakatingin kay Ma'am Carlene. Nanlaki ang mata niyang nakatingin sa akin nang mapansin ako sabay turo sa 'kin. "You! What are you doing here?! " Galit niyang tanong sa akin habang magkasalubong ang kanyang makapal na kulay. Naningkit ang mata nitong nakatingin sa 'kin.

BINABASA MO ANG
He's My Boss
RomanceThea lost her job, so she accepted the job that was offered to her without asking for further details. She was surprised when she found out that it was her rude customer at the coffee shop that would be her boss, Deuce. What would happen if they wor...