Chapter 24

141 1 0
                                    

THEA

Para akong tangang nakatitig sa kisame habang nakangiti. No need for me to listen to music para ma-inspire ako. Kilig na kilig ang pakiramdam ko, feeling teenager gano'n.

Hays. Ganito ba kapag ma-inlove sa taong in love rin pala sa 'yo? Ang saya lang. Walang paglagyan nang saya ang puso at isip ko. Ayoko ng matapos 'to.

Hindi ko naman naisip dati na mahuhulog ako kay Deuce. Kabaligtaran kasi siya ng gusto ko sa isang lalaki. Napaka-bully ni Deuce, maikli ang pasensiya, bipolar pa. Minsan okay tapos biglang nagiging masungit at higit sa lahat naninigarilyo pa. Pero kung sa pisikal, si Deuce na talaga.

He is bad boy in his own ways. Parang iyong tipong lalaki na matingnan mo lang ay sisinghalan ka na, gano'n ang datingan niya. Intimidating lapitan dahil seryoso tapos kung makatingin sa 'yo parang tinitingnan pati kaluluwa mo o baka sa 'kin lang siya gano'n makatingin. Kapag tinitigan niya ako parang si Sean O'Pry ang nakikita ko. Kamukha niya kasi. His seductive eyes and lips parang hinihila ako palagi na tititigan siya at halikan.

Bigla akong pinamulahan ng mukha. Nag-init ang magkabila kong pisngi sa naisip na masarap halikan si Deuce.

Gaga. Landi mo!

Napalunok ako ng wala sa oras. Inhale exhale. Breath in breath out Thea.

Bakit ba kasi iyon ang naisip ko bigla? Napahawak din ako sa labi ko na hinalikan kanina ni Deuce.

Gusto kong tumili sa kilig!  Totoo ba talaga na boyfriend ko na siya?  Ang isang Deuce De Silva na certified playboy at easy-go-lucky man ay pumatol sa 'kin.

Maganda naman ako siyempre. Pero kung ikukumpara sa mga babaeng modelo at mayayaman na nai-dadate niya siyempre feeling ko wala akong panama sa kanila.

Naka-ilang balikwas na ako hindi pa rin ako makatulog. Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama ko. Sinulyapan ko rin ang orasan ko na nasa bedside table.

Oh shit! Alas dos y media na nang madaling araw! Napasabunot ako ng buhok ko.

Thea ano ka ba! Matulog ka na. May pasok ka pa mamaya . . .

Kastigo ko sa sarili ko.Nakakainis!  Bakit ba kasi ayaw akong dalawin ng antok. Nasaan na ba ang antok na 'yon? Nag- lamierda na ang utak ko kasi kay Deuce.

Dahil hindi talaga ako makatulog naisip kong magtimpla ng kape sa baba. Weird kung weird pero talagang kape ang pampatulog ko.Narerelax kasi ako.Ewan ko kung may ibang tao na umiinom din ng kape bago matulog. Kasi ako sanay na sanay na.

Mabilis akong bumaba ng kama at lumabas ng silid.Napatingin pa ako sa kwarto ni Deuce.

Tulog na kaya siya?  . . .Malamang Thea.  . .

Dumiretso na lang ako sa kusina.Isang ilaw lang ang binuksan ko tutal hindi naman gano'n kadilim. Nagpainit muna ako ng mainit na tubig sa electric kettle at saka umupo sa kitchen stool na naroon. Sandali lang naman iyon. Nang matapos na ay kumuha na ako ng mug at sachet ng 3in1 coffee.

"What are you doing here?"

"Ay kabayo ka!" Hawak-hawak ko ang puso ko sa sobrang gulat. Pakiramdam ko tumalon pati ang mga kabayong nasa loob ng puso ko tuwing nasa paligid ko si Deuce.

Muntikan ko ring mabitawan ang hawak kong electric kettle. Lumingon sa nagsalita.

"May balak ka bang patayin ako sa gulat? Kung may sakit ako sa puso namatay na ako," inis kong wika kay Deuce.

Ngumisi ito. "Patay agad? Hindi ba pwedeng nalaglag muna? Don't worry nasalo ko na."

I rolled my eyes. Binitawan ko rin ang hawak ko. Ang korni niya. Pero infairness kinikilig naman ako. Gusto ko nga siyang hampasin sa braso eh.

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon