Special Chapter

233 4 1
                                    

THEA

KINAKABAHAN ako habang nasa loob ng sasakyan papuntang simbahan. This is the day, our wedding.

Inhale, exhale, Thea.

"Relax. Masyado kang tense," saad ni Dave sabay kindat nito sa akin.

Inirapan ko siya. "Tse! Pa'nong hindi ako matetense, ikakasal kaya ako, duh?"

Nagpakawala ito nang malakas na halakhak. "Wala ka na bang isusungit niyan, Mrs. De Silva?" Amuse nitong tanong.

Muli ko siyang tiningnan na nakaupo sa unahan at nakaharap sa 'kin.

"Dave, tigil-tigilan mo ako! Babato ko sa 'yo 'tong bouqet." Iminuwestra kong babato ko nga sa kanya na siyang kinatawa niya lalo. 'Pag ito kasama ko talaga, puro na lang kaming kalokohan.

Huminto na ang bridal car at pinagbuksan ako ng pinto.

"Thank you, Dave." Pasalamat ko rito. Hindi dahil pinagbuksan niya ako ng sasakyan kundi sa maraming bagay.

"You're always welcome, baby." He winked at me afterwards.

ISANG daan na kabayo na ang nagtatakbuhan sa loob ng puso ko sa kaba, habang naglalakad palapit kay Deuce. Can't help falling in love na version ni Alexandra Porat ang tugtog habang naglalakad ako sa aisle. My eyes filled with tears of joy. Hindi ko maiwasang mapaiyak at maging emotional, dala na rin ng pagbubuntis ko. Mabuti na lang at waterproof ang make- up ko kaya hindi magkakalat.

Si daddy at lola ang naghatid sa akin sa altar. Tulad ko, ay namamasa na rin sa pag-iyak ang mata nilang pareho habang papalapit kami kay Deuce.

Si Deuce ay emotional na rin itong nakatingin at naghihintay sa 'kin na makalapit. Nagpunas pa ito ng luha kaya bahagyan akong napangiti. Tinapik pa siya ni kuya Marcus, ang best man niya kaya napangiti ito.

"Ingatan mo at mahalin ang anak ko, Deuce." Bilin ni daddy pagkaabot ng kamay ko kay Deuce.

"I'll take care of her and I promise that I'll love your daughter for the rest of my life, dad, granny." Magalang na sagot ni Deuce, hinalikan din nito si Lola.

"DEUCE!" Sigaw ko rito at pilit na pinapakalma ang sarili. My water bag broke. Manganganak na ako. Nasa loob ng banyo si Deuce at naliligo

Mabilis itong lumabas na nakahubad pa. May bula-bula pa ang ulo niya.

Jusmiyo marimar!

"Shit!" He cursed when he saw my water bag broke. Agad ako nitong dinaluhan. "Nakaihi ka na. Bakit hindi mo ako kinatok o kaya tinawag?"

Napapangiwi na ako sa sakit pero natigil nang marinig ang sinabi niya. Hinampas ko ito nang malakas sa braso.

"Pisti! Manganganak na ako! Anong umihi-"

Napatayo ito sa harap ko kaya tumapat sa mukha ko ang malaking pag*alalaki nito sa 'kin. Shit!

"W-hat?!" Nataranta itong basta na lang ako binuhat.

I take a deep breath in, exhale, and repeat. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko dahil mas nagpapanic pa si Deuce sa 'kin.

Relax, Thea. Relax.

"Deuce! Magbihis ka nga muna!" Kahit masakit na ang tiyan ko at napapangiwi ako, may panggigigil ko pa rin na sinabi iyon sa kanya. "Balak mo ba akong dalhin sa hospital na naka-bold, huh!"

"Shit! Shit!" Nataranta itong binalik ako sa pagkakaupo sa kama at nagmamadaling nagsuot ng roba. Wala na akong nagawa ng binuhat niya ako at lumabas ng silid dahil matindi na ang sakit nang paghilab ng tiyan ko.

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon