Chapter 30

353 6 0
                                        

THEA

"Tanya, nasaan ka?" Tanong ko sa kapatid ko sa kabilang linya. Malapit ng maghating-gabi, hindi pa rin siya nakakauwi sa bahay. Walang kasama si Lola do'n.

Kasalukuyang nagtatrabaho na siya sa kumpanya ni Dave kaya hindi na halos nagpupunta 'yon sa opisina ni Deuce. Hindi ko alam kung ano na ang relasyon nilang dalawa dahil madalas silang magkasama.

"Ate pauwi na rin. May inaayos lang si Dave dito sa bar niya kaya dumaan kami saglit."

"Tanya naman! Alam mong walang kasama si Lola sa bahay, umuuwi ka ng ganitong oras. Ikaw, magsabi ka nga sa 'kin ng totoo, boyfriend mo na ba si Dave?"

"Ate!"

"Bakit? Totoo? Naku Tanya, sinasabi ko na sa 'yo na umpisa pa lang may ibang gusto 'yang si Dave. Ano laban mo do'n kay Nathalie na simula pagkabata pa sila inlove na inlove na 'yan. Hinay-hinay lang Tanya, baka ikaw lang ang masaktan," pagpapaalala ko sa kanya.
Matagal na rin ang huling masinsinan naming pag-uusap na dalawa. Halos busy kasi kami parehas sa kanya-kanya naming trabaho.

"Alam ko naman 'yon Ate. Siya nga pala, may kukunin si Dave na kasambahay natin para may kasama si Lola sa bahay kapag nasa trabaho ako."

Nagpakawala ako ng isang buntong hininga. Ayokong masaktan si Tanya. Pero parang sa nakikita ko sa kanila ni Dave, masyadong attached na ang kapatid ko. Dave is nice guy, wala akong masabi sa bagay na 'yon. Kaya lang, alam ko kung gaano niya kamahal si Nathalie. Simula elementary sila ay may gusto na iyon do'n. Sa tagal ng panahon na minahal niya si Nathalie, I doubt kung makakalimutan niya iyon agad.

"Ayos lang sa 'kin, wala namang problema iyon. Pero umuwi ka na, kung hindi susunduin kita diyan sa bar."
"Ate naman, 'wag na. Ihahatid ako ni Dave."

"Tama, susunduin na lang kita. Magpapasama lang ako kay Deuce. Hintayin mo ako diyan." I heard her sigh.

"Sige Ate," mahinang sagot niya. Alam ko na nakabusangot na 'yon ngayon sa kabilang linya.
Bahala siya, wala akong pakialam kung naiinis siya.

Pagkababa ko sa tawag, pinuntahan ko na si Deuce sa kanyang kwarto. Halos kakauwi lang din namin galing sa mall. Pagkagaling namin sa opisina ay nagyaya si Deuce na manood ng sine.
Tinawagan ko si Lola pagkadating kanina kaya nalaman ko na wala pa si Tanya. Nakipag-date pala kay Dave.

Kumatok muna ako. Mahirap na at baka nakahubad na naman ito. Palagi ko na lang kasi siya nasisilipan at okay na okay naman sa kanya. Patawa-tawa pa kapag nahuhuli niya akong napapatitig sa maganda niyang katawan. Para bang tinutukso pa ako minsan. Pasimple kong kinurot ang sarili ko para magising sa iniisip.

"Yes love?"

This is what I'm saying. Hay naku, konting tukso na lang baka bumigay na ako sa kanya.

Marupok ako Deuce, ano ba. . .

Nakatapis lang ito ng tuwalya at kakatapos lang maligo. Ang lakas ng loob na pagbuksan ako ng pinto na ganyan ang ayos niya.

Napasinghap ako nang naamoy ko ang shower gel niya. He make my knees weak.

I cleared my throat. "M-agbihis ka na," utos ko sa kanya kahit natutukso akong haplusin ang abs niya.
Erase. . .Erase . . .

Dumiretso ako ng closet niya at kumuha ng kanyang damit. Hindi ko na siya pinansin nang ngumisi ito dahil nakita niya ang pagsinghap ko sa ayos niya.
Napapikit ako nang niyakap niya ako mula sa likuran.

Susmaryusep talaga Deuce. Isa kang malaking tukso.

Ano na lang ba ang gagawin ko? Parang mali na dito pa rin ako kasama siya sa iisang bubong. Baka maibitin ako nang patiwarik ni Lola.

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon