Thea
INIS na inis ako kay Deuce. Ang tanga-tanga ko rin naman. Bakit kasi hindi ko nakuha ang number niya? Bakit hindi ako muna ako nagtanong kay Carmen? Nag-assume agad ako na papasok na iyon sa office which is iyon nga pala ang problema sa kanya, hindi siya pumapasok. Saka ang usapan pala ay hindi siya aalis nang hindi ako kasama. Ako itong nagkamali.
Eh, nasaan naman kaya si Deuce kung hindi ito pumasok? Nag-grab na lang ulit ako pabalik ng bahay ni Deuce. Habang nasa sasakyan, 'di ko maiwasang maghimutok nang inis kay Deuce at sa nangyari kanina. Naiinis din ako sa sarili ko.
Chinat ko na lang si Tanya. Nakaonline ang kapatid ko.
Me: Kamusta kayo ni Lola?
Tanya: Okay lang ate, ikaw kumusta riyan sa trabaho mo?
Me: Ayos lang din.
Tanya: Bakit feeling ko ate, hindi ka okay?
Me: First day ng work ko, palpak ako.
Tanya: Kailan ba hindi? Joke lang ate.
Me: Hmmmmp!
Tanya: Kayang-kaya mo 'yan ate. Ikaw pa ba sakalam ka 'di ba? Gusto mo abugbog berna ko na away sayo?
Me: Wow, akala mo naman matatakot siya sa 'yo. Oh siya sige na, mag-iingat kayo ni Lola riyan. Chat mo lang ako.
****
PAGKADATING sa bahay ay agad kong hinanap si Carmen.
"Carmen," tawag ko sa kanya nang nakita ko siyang naglilinis sa terrace.
"Ay kabayo ka!" gulat nitong bulalas. Huminto ito sa ginagawa at napahawak pa ito sa puso niya. Gusto kong tumawa pero pinigilan ko ang sarili, baka kasi maoffend sa 'kin. "Sorry Miss Thea, ikaw pala. Nagulat kasi ako."
"Ang ganda ko namang kabayo," napangiti ito sa sinabi ko. Hinawi ko pa 'yong imaginary long hair ko. Feel na feel kong maganda ako. "Si Deuce, nandito na ba?" tanong ko sa kanya.
Kumunot ang noo ni Carmen.
"Hindi naman po umalis si sir Deuce. Nasa opisina niya sa taas."
Nagpatuloy ito pagkatapos sa pagwawalis. Kahit napansin kong malinis na ang paligid.
"Bakit 'di mo sinabi sa akin kanina Carmen?" I pout my lips.
Tumigil ulit ito sa pagwawalis at humarap sa akin.
"Eh, kaya nga ako nagtataka sa 'yo kanina bakit ka nakabihis Miss Thea. Sasabihin ko nga dapat sa 'yo kaso, nagmadali ka namang umalis kanina."
"Thea na lang Carmen. Parehas lang tayo empleyado rito." Tumango si Carmen at ngumiti sa akin. "Bwisit talaga 'yang Deuce!" sabi ko sa mahinang boses.
"Hala! 'di ba kayo nag-usap kanina? No'ng tinanong ko po kanina sa kanya kung nasaan kayo, sabi niya naghihilik ka pa raw. Kaya sa taas daw muna siya. Himala nga, good mood kanina."
"Pa'no, iniwan niya ako sa kwarto niya. . . Hindi man lang niya ako ginising kanina kaya anong oras na ako nagising." I crossed my arms and pout my lips.
Ngumiti sa 'kin si Carmen nang nakakaloko. I've just realized what I have said. Mali ang naging dating sa kanya.
"No, no! That's not what I mean okay. Nakatulog kasi ako kanina sa kama niya no'ng ginigising ko siya. Hindi iyong ano," pagpapaliwanag ko. Pinagpawisan din ako.
"Ayos lang ,Thea. Iba talaga ang karisma ni sir Deuce, noh? Ang gwapo ba naman! Kaya, mukhang pinuyat ka." May pagalaw-galaw pa ng dalawang kilay si Carmen at sabay humagikgik.
BINABASA MO ANG
He's My Boss
RomanceThea lost her job, so she accepted the job that was offered to her without asking for further details. She was surprised when she found out that it was her rude customer at the coffee shop that would be her boss, Deuce. What would happen if they wor...