Chapter 15

107 1 0
                                    

THEA

So this is it! The long wait is over. Makakapagbeach na rin finally. Makakaalis na kami ng out of town ng walang sumusunod sa amin. Nakaka-uncomfortable kasi kapag alam mong may nakabantay sa kilos mo at pupuntahan.

Nagready na ako ng mga dadalhin. Nagyaya agad si Dave na magovernight kami sa resthouse nila sa Batangas, syempre agad akong pumayag.

Busangot naman si Deuce kanina habang todo harutan kaming dalawa ni Dave habang magkavideo call. 'Di maipinta ang mukha sa kasungitan. Minsan iniiisip kong bipolar itong boss ko eh. Minsan kasi mapang-asar tapos biglang tatahimik o kaya magsusungit, tapos magkukulit. Araw-araw paiba-iba ng mood.

Tulad ngayon, parang wala sa mood na aalis kami bukas for an overnight kina Dave. Samantalang dati, gusto niyang umalis ng walang bodyguards.

Baka naman kasi gusto nang lumandi, 'di kasi makapaglandi dahil kasama ako palagi. Unlucky him.

"Deuce, ireready ko na ang mga dadalhin mo bukas. Nakaready na 'yong sa akin," sabi ko sa kanya ng 'di na siya tiningnan. Basta dumiretso na ako sa walk in closet niya.

Kumuha ako ng duffel bag at nagsimula nang pilian siya ng mga damit at underwear na dadalhin niya. Sanay na sanay na akong mag-asikaso ng mga damit niyang susuotin. Noong una, naiilang pa akong hawakan ang mga underwear niya. Lalo na kung minsan, hindi ko alam kung sinasadya ba niya na basta na lang ihahagis ang pinaghubaran niya ng brief, tapos kapag pupulutin ko, ngumingisi nang nakakaloko.

"Hindi ka naman excited,huh?" He said in disgusting voice.

Nilingon ko siya nang nakakunot ang noo ko. Nakasandal siya sa gilid ng hamba ng pinto at nakahalukipkip habang nakatingi sa 'kin. Magkasalubong ang dalawang kilay. Ano naman kaya ang problema niya, bakit ang init ng ulo?

"Bugnutin!" sabay irap ko sa kanya at tinuloy muli ang ginagawa.

"Dave is in love with my cousin, incase you forget it," iritado niyang saad.

Hindi ko siya nilingon. Pakialam ko. Alam na alam ko naman iyon at hindi ko nakakalimuta. Does he really need to say it on me?

Hindi ko alam kung ano ang punto niya. Alam na alam ko naman iyon dahil madalas naririnig kong kausap ni Dave si Nathalia. Naghihingi pa nga ng advise si Dave kung minsan. At isa pa, open si Dave kapag pinag-uusapan namin iyon.

Humarap ulit ako sa kanya. "Ano naman ang connect do'n? Hindi ko naman nakakalimutan iyon dahil madalas pinag-uusapan namin ni Dave ang tungkol sa bagay na 'yan. Magkaibigan kaming dalawa. Nag-invite si Dave, nakakahiya naman kung hihindian pa natin. Besides, ngayon nga lang tayo makakalabas ng walang bantay. Dapat masaya ka nga," inismiran ko siya. Nakakainis itong pabago-bago ng mood ni Deuce.

Hindi pa rin nagbabago ang posisyon niya. He smirked. " Why? We can go to the beach without him.You didn't ask me first if it's okay with me. Basta ka na lang um-oo sa kanya. Parang sabik na sabik kang makasama siya."

Ang sungit niya promise. Ano bang problema niya?

Huminga muna ako nang malalim. "Ayaw mo bang pumunta ng beach?" mahinanon kong tanong sa kanya.

"No! I mean, without him."

Napanganga ako. I rolled my eyes. Nakakapika siya promise. Gusto niyang pumunta ng beach pero ayaw isama si Dave, eh doon nga kami magsstay. At saka, madalas naman namin kasama si Dave. Anong pinagkaiba do'n?

"Why are you rolling your eyes? Are you pissed off because you wanted to go with him? Fine! Kayo na lang dalawa ang umalis bukas," inis na sabi niya bago siya tumalikod para bumalik na sa loob.

I shook my head and stomped my feet.

Bwisit ka Deuce! Ang arte mo talaga.

Ilang sandali muna bago ko siya sinundan sa loob. Nakaupo siya sa long couch at nakasandal. 'Yong isang paa niya aya nakapatong sa center table. May pasak na airpods sa magkabilang tainga at nakapikit.

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon