THEA
Hindi ako makapili ng damit na susuotin. Pupunta kami ngayon ni Deuce sa bahay ng parents niya, kina Ma'am Carlene. Tulad ng napag-usapan namin ay kakausapin na niya ang Mommy niya at hihingi siya ng tawad. Ilang beses ko siyang kinulit sa bagay na iyon. I'm glad that he listened to me.
Panay ang sukat ko ng damit. Siyempre gusto kong maganda ang damit na susuotin ko at presentable sa harap ng pamilya ni Deuce. Kahit na ba kilala na nila ako, iba na kasi ngayon dahil may relasyon na kaming dalawa. Ewan ko ba at bakit ako kinakabahan. Kilala ko naman silang lahat.
Napili kong suotin itong coral short wrap dress para hindi naman masyadong formal. Nilapag ko na lang sa kama dahil maliligo muna ako.
Hindi na ako nagsuot ng roba paglabas ng banyo. Naka bra at panty lang ako tapos iyong towel na ginamit ko ay pinaikot ko sa buhok ko. Nawala na rin ang kaba ko pagkatapos maligo. Napreskuhan na ang pakiramdam ko.
Kukunin ko na sana ang damit ko na susuotin ng biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko muna ang damit bago ko kinuha rin ang phone ko nasa bedside table. Tumatawag si Tanya.
Tanya: "Ate busy ka?"
Me: "Aalis kami ni Deuce ngayon, bakit?"
Narinig kong nagbuntong hininga ito sa kabilang linya. Inipit ko ang paghawak sa phone ko gamit ang tainga at balikat ko. Sinabit ko naman sa kabilang balikat ko ang dress na hawak ko. Naglakad ako papuntang dresser cabinet dahil maglalagay ako ng face powder sa mukha. Baka naiinip na kasi si Deuce dahil natagalan ako kanina sa pagpili ng damit kaya bibilisan ko na. Mainipin pa naman iyon.
Tanya: "Sayang. Yayain ka sana namin manuod ni Manong Dave ng sine. May date ka pala."
I raised my one eyebrow kahit hindi naman niya nakikita. Binitawan ko ang hawak kong face powder at nameywang.
Me: "Tanya, magtapat ka nga sa akin. Bakit lagi kayong magkasama ni Dave?"
Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.
Tanya: "Ate, masama na ba kung nagkikita kami ni Manong Dave. Kaibigan ko na rin siya, 'no!"
Napakunot ako ng noo at nagtataka kung kailan pa sila naging close. Wala naman silang binabanggit parehas ni Dave sa akin.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Deuce!
"Ay potek kabayo ka!" Gulat kong bulalas.
"Love, bakit ang tagal mo? Tsk...tsk... Ang bagal mo talagang kumilos! such a turtle." Dire-diretso niyang reklamo pagkapasok.
Tanya: "Ano, ate? Si kuya—"
Narinig ko pa ang pagtatanong ni Tanya pero hindi ko na sinagot. Hinarap ko na si Deuce.
Naibaba ko rin ang tawag ni Tanya dahil nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Deuce. Nakahubad pa ako!
Napalunok ako ng wala sa oras at ang bilis ng tibok ng puso ko.
Hays!
"B-bakit ka nandito? Hindi ka man lang kumatok muna." Hindi ko alam kung paano tatakpan ang sarili dahil nagpanic na ang utak ko.
Titig na titig naman si Deuce sa kabuuan ng ayos ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa kaya lalo akong kinabahan sa kahihiyan. Nakita ko ang pagtaas baba ng kanyang adams apple. Na-estatwa ito sa kinatatayuan niya.
Nang nahimasmasan ako, tinakip ko ang dress na nasa balikat ko.
"Hoy Deuce! Lumabas ka nga muna. Magbibihis lang ako," may pagtataray kong pagtataboy sa kanya para pagtakpan ang kahihiyan ko.

BINABASA MO ANG
He's My Boss
Roman d'amourThea lost her job, so she accepted the job that was offered to her without asking for further details. She was surprised when she found out that it was her rude customer at the coffee shop that would be her boss, Deuce. What would happen if they wor...