Chapter 18

100 3 0
                                    

DEUCE

NAKAUPO kami sa isang circular couch, kasama ko sina Dave, Zach, Tyrone, Cadence at Rouie.

"Ang lalim yata ng iniisip mo dude?" panunuya ni Dave sabay abot ng whiskey sa akin na tinanggap ko rin agad.

I looked at him before I sipped on my whiskey.

" C'mon Deuce, we're here to enjoy. Leave all your worries out there and stop thinking about whatever it is on your mind," sabat ni Zach sa gilid ko habang may hawak na whiskey. Party na party na si Zach.

"I only came here to distract myself, not to party with Zach." I said and let out a deep sigh.

My mind is preoccupied by many things these past few days, especially my mom. Panay ang tawag sa akin. I actually don't have an idea if I still have civilian bodyguards after we argued the last time we talked. I also need to distract myself from thinking about Thea. Mas lalo niyang ginugulo ang isip ko. I can't think straight every time I'm with her. She's like a conscience to me, constantly telling me that I should talk to my mom and apologize. But I am not ready to talk to Mom right now. I need to breathe first so I can face her again.

Dati naman hindi ako naguguluhan ng ganito kapag nagkakasagutan kami ni Mommy. Nilalabas ko lang sa kabilang tainga ko ang mga sinasabi niya. Hindi ako nagpapaapekto. Pero ngayon, pakiramdam ko ang sama-sama kong anak dahil lang sa mga sinasabi sa akin ni Thea, kinukunsensiya niya ako

Ano bang ginawa sa akin ni Thea? Ano bang mayro'n sa kanya at nababago niya ako?

And suddenly I felt I missed her. Sana sinama ko siya. Pero siya nga ang gusto kong iwasan dahil masyado lang ako nasasanay sa presensiya niya kaya siguro ganito ang nararamdaman ko. I convinced myself. Gusto ko nang umuwi at makita siya. I want to hear her voice again.

Fuck! This is not good. Am I falling for her?

Napahilamos ako ng mukha out of frustation.

"Ano bang problema mo, Deuce?" tanong ni Dave.

Hindi ko alam kung tama ba na sabihin ko sa kanya o sa kanilang lahat kung bakit ako nagkakaganito. I took a deep breath.I think I should tell them.

"It's Thea," tipid kong sagot at pag- amin.

Ngumisi naman 'yong apat at tinaas ang mga hawak na whiskey.

"Cheers!" chorus nilang apat.

Natawa lang si Dave pero hindi naman sumaling nakipagcheers sa apat.

"Ano, tama ba ako Deuce?" nakangising tanong ni Rouie.

I just sip on my whiskey. What should I tell them?

"Silence means, yes. I already told you, right? C'mon Deuce, let's celebrate. You should tell her, "said Rouie.

Paano ko ba sasabihin na naguguluhan din ako at hindi ko alam kung talagang gusto ko na si Thea? But I think I already know the answer. Hindi ko lang maamin.

"I don't know. I'm really confused." I heaved a sigh.

"Pa'no ba yan, Deuce? Kung nahuhulog ka na kay Thea, mukang sablay ka." Nagtawanan pa silang lahat pagkasabi ni Tyrone. "Ni hindi umuubra ang appeal mo sa kanya. Mukhang mahihirapan ka kay Thea, ah."

"Nakahanap ka na nang katapat mo," wika ni Cadence.

Napailing-iling na lang ako.

"Enough na guys," awat ni Zach sa kanila at umupo sa harapan ko. "Madali lang naman iyang problema mo Deuce, aminin mo muna sa sarili mo na nagkakagusto ka na sa kanya."

Hindi agad ako nakapag react sa sinabi ni Zach Kahit maparty itong si Zach ay matinong kausap at marunong mag-advise.

"You're different now since you have Thea on your side. You listen to her, kahit na nag-aaway muna kayo pero sinusunod mo pa rin siya. You're a responsible boss right now. Dati, wala kang pakialam sa kumpanya ng pamilya niyo .Alam naman natin Deuce na hindi ka naman pababayaan ng daddy mo pero nagawa mong panindigan iyang kontrata niyong dalawa," seryosong saad ni Zach.

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon