3rd Pov
MASAKIT ANG ULO ni Thea nang bumangon. Halos hindi siya nakatulog nang maayos sa kakaisip nang nangyari. Sino ba ang makakatulog nang maayos matapos siyang halikan ni Deuce?
Bakit kaya ako hinalikan ni Deuce? Pa'no 'pag magkita kami mamaya? Shit ! Bakit ba pinapasakit mo lagi ang ulo ko Deuce?!
Nahawakan niya ang sariling labi nang maalala ang tagpo kaninang madaling araw sa kwarto ni Deuce. Pakiramdam niya ay nag-aapoy sa init ang magkabilang pisngi niya sa kahihiyan. Hindi niya maiwasang mapangiti at kiligin.
Parang teenager ang pakiramdam niya. Palibhasa ay hindi pa siya naka-experience na mahalikan, kagabi lang, at si Deuce pa ang first kiss niya!
Mag-aala-sais na ng umaga. Mabuti na lang at walang pasok si Deuce sa opisina, kun'di ay zombie mode siya nito mamaya sa antok dahil napuyat siya.
Kahit inaantok pa ay bumangon na siya at nagtungo sa banyo upang makaligo upang bumaba na. Muli siyang napangiti nang ma-realize na damit ni Deuce ang kanyang suot. Kinikilig siya.
She bit her lower lip to suppress her smile and excitement. Nawala lahat ng sama nang loob niyang naramdaman kay Deuce sa mga sinabi nito kagabi sa kaniya.
Pakanta-kanta siyang pumasok sa loob ng banyo. Dinala niya ang phone hanggang sa loob upang makinig ng music dahil sa kasiyahan na kanyang naramdaman. Inspired. Binuksan niya ang spotify at hinanap ang kantang napakinggan niya kagabi.
Just a Kiss by Lady Antebellum
Inamoy-amoy niya ang nahubad na t-shirt. Feeling niya ay si Deuce na rin ang naamoy niya at nayayakap sa mga oras na iyon. Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi niya habang niyayakap ang t-shirt ni Deuce.
Para na akong nababaliw pero infairness, ang bango talaga ni Deuce. Ang lambot ng labi niya at ang sarap humalik.
Napapikit ulit siya at hinawakan ang labi habang ini-imagine ang labi ni Deuce na humahalik sa kaniya. Saka siya nagtititili nang walang lumalabas na boses sa sobrang kilig niya.
Hays, makaligo na nga.
Habang naliligo ay paulit-ulit niyang pinatugtog ang kantang iyon. Talagang sinet niya ang repeat song para magtuloy-tuloy itong magplay. Sinasabayan pa niya ang kanta.
Bumaba na rin siya pagkatapos maligo. Olive green swing dress ang napili niyang suotin ngayong araw.
Pagkababa niya ay nakita pa niya si Finn na palapit sa kaniya, wagging his tail. Binelly rub niya ito nang tumihiya. Pagkatapos no'n ay nagtungo na siya sa kusina.
Masaya niyang binati si Carmen. Ang sarap nang pakiramdam niya at tila masaya ang paligid niya. Malapad ang ngiti niya pagkapasok pa lang niya sa kusina. Naroon din si Amy, ang isa pang kasambahay.
"Good morning!" masiglang bati niya kina Carmen at Amy.
"Good morning Thea," sagot ni Amy at ngumiti rin sa kaniya. "Iwan ko muna kayo rito at magkakape lang ako sa kwarto. May pinapanuod pa kasi ako. Tatapusin ko lang." Umalis na rin agad ito, bitbit ang mug na may kape at tinapay. Maaga pa naman kaya mamaya pa ito maglilinis.
"Masaya ka na naman, Thea. Ano'ng nakain mo?" pinagsalitan pang itaas baba ang dalawang kilay ni Carmen at nakangisi nang nakakaloko sa kaniya. Akala mo ay may alam ito sa nangyari.
Natatawang napailing-iling lang siya kay Carmen. Kahit kailan talaga ang taba ng utak nito. Kung ano-ano ang mga naiisip.
Pero gusto niyang isagot na ang labi ni Deuce ang natikman niya kagabi. She mentally grinned.
BINABASA MO ANG
He's My Boss
RomanceThea lost her job, so she accepted the job that was offered to her without asking for further details. She was surprised when she found out that it was her rude customer at the coffee shop that would be her boss, Deuce. What would happen if they wor...
