Chapter 27

325 3 1
                                        

THEA

Inis na napatingin ako sa nang-gulo ng buhok ko mula sa likuran ko.Para bang ginawa akong aso.

"Ano ba!" tumawa naman si Dave pagkaupo harapan ko. Inismiran ko siya."Akala mo ba ako si Finn?" mataray kong pagbibiro sa kan'ya.

Andito na naman siya. Wala ba itong pasok? Pagala-gala na lang siya kung saan.

Tumawa ito."Look at yourself," sabay turo niya sa akin,"Kamukha mo na nga si Finn."

I raised my eyebrow."Really Dave? Pumunta ka ba dito para asarin ako?"

He shook his head."No. Namimiss ko lang ang dalawa kong kaibigan. Simula ng naging kayo, aba hindi na kayo mahagilap. Masyadong kayong masaya at nakakalimot?" pang-aasar niya.

I pout my lips for what I've heard.

Yes, masaya kami pero hindi pa rin maiwasan na may mga tao talagang hindi nagiging masaya kapag masaya ka.

Pa'no naman kasi, ang ibang mga empleyado ni Deuce kung ichismis ako akala mo hindi nakakarating sa akin. Dagdag pa ang ilang mga nakakakilala sa kan'ya na nagtaas ng kilay.

"I'm sorry, pero tama ka masaya talaga kami," mukha namang biyernes santo ang itsura ko.

Kumunot ang noo ni Dave sa sinabi ko, taliwas sa reaksyon ng mukha ko.

"Really? If that's the look of a happy face then, I'd rather be lonely than having that looks."

Nag-make face ako at ginaya kunwari ang sinabi niya. He pinched my cheeks kaya hinampas ko siya sa braso.

"Aray! Hindi yan p'wet para panggigilan mo," sita ko sa kan'ya. Hinimas-himas ko pa ang mukha ko. Medyo masakit kasi.

Malakas itong napahalakhak."Bakit? p'wet lang ba ang pwedeng panggigilan?"

Inikutan ko lang siya ng mata. Nawala ako sa mood. Narinig ko kasi kanina na pinag uusapan na naman ako, puro negative about me. Na kesyo bakit ako pinatulan ni Deuce, hindi raw kami bagay, Gold digger ako, inakit ko raw kaya pinatulan ako. What the heck right?

Ang sasama ng mga ugali. Mukha naman silang dugong sa Marina.

"Hey. . . Ano bang problema?" pangungulit ni Dave sa biglaang pananahimik ko.

I sigh to calm myself.

"Madami kasing chismosa. Noon naman akala mo kung sinong babait sa 'kin. Porket naging boyfriend ko na si Deuce kung ano-ano na ang naririnig ko. Dinaig pa ang pamilya ni Deuce kung makapag-husga sa 'kin. Samantalang ang bait ng pamilya ni Deuce sa 'kin. Nakakagigil talaga."

"Well, you can't please them. You can't control them either. The best thing you can do, you know what?" tinaas-taas niya 'yong kilay niya habang nakangisi.

"Ano?"

"Pakita mo lalo kung gaano kayo ka in love sa isa't isa ni Deuce. They will even get more annoyed," napangisi ako pero pinipigilan ko.

Parehas mag-isip itong si Dave at Tanya ah.

"Baka naman bigla na lang akong sabunutan diyan sa tabi-tabi o kaya bigla na lang ako sabuyan ng tubig sa mukha."

"You're Deuce's girlfriend. They can't do that on you. Takot lang nila sa boyfriend mo."

Kinagat ko ang labi para pigilan ang kilig. Iba pa rin ang dating talaga kapag naririnig kong boyfriend ko na si Deuce. Sa pagiging babaero ni Deuce ay nagkaroon ng girlfriend, eh puro fling lang ang alam no'n dati.

"Kinikilig ka na naman," tudyo ni Dave. Mahina ko siyang kinurot sa braso na ikinangiwi niya,"Sadista ka talaga," saad niya habang hinihimas himas ang brasong kinurot ko.

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon