ILANG linggo na rin si Thea na nasa hospital. Kanina pa ni Thea hinihintay si Deuce. Isang linggo itong hindi nagpakita sa kanya. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, pumapasok si Deuce loob ng kwarto niya kapag siya'y natutulog na.
Si Granny lang at Edward, ang Daddy nina Thea at Tanya ang palaging naaabutan niya kapag dinadalaw niya ito sa gabi. Bago pumasok sa opisina ay dumadaan din siya para dalhan ng pagkain o makita man lang ito.
Sinadya niyang hindi muna magpakita rito.
Napasandal si Thea nang may pagkadismaya nang pumasok ang Nurse. Nakaka-upo na kasi siya, 'yon nga lang hindi niya talaga magalaw ang binti.
"Sino ba hinihintay mo, apo?" tanong ng kanyang lola nang napansin nitong biglang nag-iba ang mood ni Thea.
Umiling lang ito at malungkot na tumingin sa T.V.
"Wala naman, Lola." Matamlay niyang sagot.
Gusto niyang tanungin kung nasaan si Deuce ngunit ayaw naman niyang itali ito sa kanyang sitwasyon. Naguguluhan siya. Mahal niya nang sobra-sobra ang binata ngunit natatakot na naman siya. Ayaw niya ng kanyang nararamdaman ngunit hindi niya mapigilan ang maaawa sa kanyang sitwasyon.
Magiging pabigat lamang siya.
"Sigurado ka bang okay ka na, apo? May masakit ba sa iyo? Nagugutom ka ba?"
Muli siyang umiling at pilit na ngumiti. "Ayos lang ako, La. Hindi rin ako nagugutom.
"Sige. Saglit lang Thea, may bibilhin lang ako sa labas," paalam ng kanyang Lola.
Nagbilin muna ito sa kanyang Nurse bago tuluyang lumabas ng silid. Nasundan niya iyon nang tingin.
"Miss Thea?"
Nakabusangot siyang tumingin kay Darex.
"Ano 'yon T-rex?"
Napangiwi ito sa narinig. "DE-REX- Derex Miss Thea. Hindi naman ako dinosaur, eh."
Tinaasan niya ito ng kilay at saka napangiti.
"Bakit kasi T-rex, este Derex? Tunog T-rex, eh." She pout her lips. "Wala ka bang second name?"
He grinned. Lumabas ang pantay-pantay at maputi nitong ngipin. "Wow, pang-commercial ang ngipin Darex."
Napakamot ito ng ulo. " Miss Thea, ilang name ba ang itatawag mo sa 'kin?" nakangiti nitong tanong.
Maging si Thea ay natatawa sa natatawag sa Nurse niya.
"Thea na lang Derex. Mas maganda ang Darex kaysa sa Derex."
Malakas na napatawa si Derex sa sinabi ni Thea.
"Derex."
Sabay silang napalingon ni Thea at Derex sa tumawag. Si Deuce. Both of their smiles slowly faded when Deuce looked at them as if they did something horrible.
Biglang nawalan nang gana si Thea.
"Darex, pakipatay na lang ng TV, gusto ko na sana matulog," bahagya pa niyang pinalakas ang boses para iparinig mismo kay Deuce na gusto na niyang matulog.
"Iwan mo na muna kami Derex," utos nito na siyang ginawa naman ng binata.
"Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"
Hindi siya nito pinansin. Kinuha ni Deuce ang remote ng TV at saka in-off. Seryoso ang kanyang mukha, tinanggal din nito ang necktie at saka hinubad ang suot na coat. Pagod na pagod ang kanyang hitsura.
Dumiretso ito sa ref at kumuha ng tubig. Sinusundan lang ni Thea iyon nang tingin.
"Tapos ka na ba? Gusto ko kasing matulog," mataray na saad ni Thea.
BINABASA MO ANG
He's My Boss
RomantikThea lost her job, so she accepted the job that was offered to her without asking for further details. She was surprised when she found out that it was her rude customer at the coffee shop that would be her boss, Deuce. What would happen if they wor...
