Chapter 22

503 8 0
                                        

3RD POV

Hindi pinapansin ni Deuce buong araw si Thea. Busy niyang itinutuon ang sarili sa pagbabasa sa mga email at files. Gano'n din ang iba pang mga kailangan niyang gawin sa opisina. Kahit sa pagkain kanina sa lunch ay hindi niya ito isinabay. Nagpa-order siya sa secretary niya ng lunch.

Pasulyap-sulyap naman si Thea kay Deuce. Kanina pa niya gustong kibuin ang binata pero halata sa itsura nito ang pagkainis at halata rin sa mga kilos na iniiwasan siya.

Napabuntong hininga siya. Hindi na niya talaga kayang tiisin na parang may invisible wall sa pagitan nilang dalawa. Mas tanggap pa niya kung susungitan siya o kaya aasarin ng binata kaysa ang malamig na pakikitungo sa kanya. Alam niyang may mali sa kinikilos ng boss niya.

Tumikhim muna siya bago nagsalita.

"Deuce, gusto mo ba ng kape? Bibili ako sa baba."

Kunot noo siyang tiningnan ni Deuce at napatingin sa labas. Tirik na tirik ang araw. Mga alas dos na siguro ng hapon.

Napangiwi siya na sinundan ang tingin ni Deuce sa labas.

Bakit? Pwede namang iced coffee, ah! Kape iyon pero malamig. Bagay sa mainit na hapon at sa mainit niyang ulo.

Deuce shook his head. Hindi siya sinagot. Nagpupuyos na ang kanyang kalooban. Ano ba ang nagawa niya? Hindi na talaga niya maintindihan ang ugali ng boss niya.

***Flash back***

Masama ang tinging pinukol ni Deuce kay Thea pababa ng sasakyan ni Dave. Kanina pa niya tinatawagan ang dalaga para sunduin kung nasaan man ito pero hindi sinasagot. Sinabihan na niya itong 'wag magpapahatid kay Dave pero hindi sinunod ng dalaga ang bilin niya.

Si Dave naman ay ngumisi pa sa kanya. Hindi niya ito pinansin hanggang sa umalis na ang kaibigan.

"Hindi ka ba marunong sumunod sa sasabihin ko?" Hinaklit niya sa braso si Thea habang papasok ito sa loob ng bahay at hindi man lang siya pinansin ng dalaga.

Naiinis siya dahil magkasama ang dalawa. Pero bakit ba siya naiinis kung magkasama silang dalawa?

"Bitawan mo nga ako! Sinabi ko naman sa'yo na ako ang magde-desisyon kung kanino ako magpapahatid." Hinawakan ni Thea ang kamay niya na nakahawak sa braso niya upang tanggalin. And that annoys him even more.

"Hindi ako pumayag 'di ba?" he replied, his voice tinged with frustration. Namumula na rin ang leeg niya sa inis.

"E, hindi rin naman ako nagsabi na susundin kita! Aba, kahit boss kita personal na buhay ko na iyon. Labas ka na do'n."

Nagtiim bagang siya sa sagot ng dalaga. His lips pressed into a thin, tight line. His nose flared.

"Do you really like Dave?"

Hindi nakasagot si Thea. Nakatingin siya sa nagagalit na Deuce sa kanyang harapan. Bakit ba tinatanong niya iyon sa kanya? Saka bakit ba siya nagagalit?

Ano ba ang dapat niyang isagot?

"Tsk! Fine! Do whatever you want to do."
Pagalit nitong sabi sa kanya sabay na binitawan ang kanyang braso.

"At bakit ikaw? Kung sinu-sino nga ang dinadala mo na babae sa condo mo! Kung sino-sino rin ang mga nilalandi mo sa bar."

"Don't throw this on me. This is about you and Dave," he snapped, his fist clenching at his sides. "But if you don't like me hanging around with other girls, just say it and I'll stop playing around. Just fucking tell me, and I'll do it!" he shouted, his voice raw with frustration. Nagtaas baba rin ang kanyang dibdib.

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon