Chapter 3

131 4 0
                                    


Napaawang ang labi ko sa narinig. Tama ba ang narinig ko sa sinabi sa akin ni Miss Valdez? Baka nagkakamali lang ako ng dinig sa sinabi niya.

This can't be. Hindi ako puwedeng mawalan ng trabaho. Not now.

"I'm sorry Ma'am, bakit ako matatanggal sa trabaho? May nagawa ba akong mali? Baka p'wede pa naman pag-usapan. Maayos din naman ang benta ng tindahan namin," pakiusap ko sa kan'ya habang hindi siya makatingin sa akin nang diretso.

"I'm sorry Thea. Binaba lang sa akin ng HR 'to. I don't know exactly the reason."

Napahilot ako ng sintido. I'm stressed. I heaved out a sigh.

Bakit Ngayon pa? Kung kailan bayaran na ng renta ng bahay namin saka pa talaga ako mawawalan ng trabaho. Kapag matatanggal, ako mahohold ang last pay ko dahil isasama na ito sa backpay ko.

"Ma'am, baka p'wede niyo pa akong bigyan ng chance."

Umiling-iling ang kaharap ko. Mukhang may kinalaman ang mokong na customer na iyon. Humanda siya kapag nakita ko siya ulit.

"Tapusin mo na lang itong week na 'to for your endorsement Thea. You have three days to endorse to the new Store Manager here. I'm sorry," saad niya.

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko ulit. I nodded in response to her. I do understand, hindi naman niya hawak kung tatanggalin ako o hindi.

Nasa office lang ako buong araw pagkatapos umalis ng area Manager ko. Ayaw kong lumabas. Nawalan na rin ako ng gana na magtrabaho ngayon. Nalaman din ng buong team ko ang nangyari.

"Ma'am Thea, nandiyan po si Mrs. De Silva sa labas. Hinahanap ka po," tawag sa akin ni Janna.

Napalingon ako sa kan'ya. Kanina pa ako nasa harap ng computer pero wala naman akong nagagawang report kahit isa. My mind is occupied with a lot of things.

Saan naman ako mag-aapply na matatanggap agad ako? Saan ako kukuha ng perang pambayad ng renta ng bahay namin? Saan ako kukuha ng perang panggastos namin hanggang sa makahanap ako ng trabaho?

Worry immediately flashed in my mind. I can't help it dahil ako lang ang may trabaho sa amin.

"Sabihin mo wala ako, restday," matamlay kong utos kay Janna bago ako humarap ulit sa computer.

"Eh Ma'am, sinabi ko na po sa kan'ya na nandito ka at may problema dahil nawalan ka ng trabaho. Nasabi ko na rin sa kan'ya na last day mo sa -"

Agad akong humarap sa kan'ya pagkarinig sa kan'yang sinabi. My eyebrows furrowed.

"Sinabi mo 'yon? Hays, ang daldal mo talaga Janna," may halong iritasyon ang boses ko. Kailangan pa ba talaga niyang sabihin 'yon sa customer namin?

Napakamot ng ulo si Janna." Sorry Ma'am," hinging paumanhin niya.

I sigh in annoyance. Pero naisip ko rin bigla, baka ito na 'yong pagkakataon ko na makapag-apply kay Ma'am Carlene. Ito na siguro ang sign na ituloy ko ang naisip na planong mag-apply.

Nabuhayan ako ng loob. Ito na ang sagot sa problema ko. Napangiti ako. Nakakatulong din pala ang pagiging madaldal niya.

"Andiyan pa ba siya?" tanong ko.

Tumango si Janna kahit naguguluhan sa biglaang pag-iba ng mood ko.

"Thank you!" saad ko sa kan'ya bago ko siya iniwan at pumunta ng dining area.

My lips automatically curved a smile when I saw her sipping her coffee. Agad akong lumapit sa table niya. Kasama niya ang kan'yang secretary na umiinom din ng kape.

"Hi Ma'am Carlene," masigla kong bati dito," Hi Rose," bati ko rin sa secretary niya.

Nag-angat silang dalawa ng tingin sa 'kin at halos sabay na ngumiti.

"Hi Thea," bati rin ni Rose.

"Hi Thea. I've heard what happened,  I'm sorry. Can I help you with anything? tanong sa 'kin ni Ma'am Carlene.

Gusto kong isagot na p'wede niyo ba akong tanggapin kapag mag-aapply ako sa inyo?  Kailangan ko kasi ng trabaho na kahit bukas na bukas din ay magsisimula agad ako.

Pinaupo niya ako sa bakanteng upuan na nasa harapan niya, katabi ni Rose.

Inalis ko na sistema ko ang hiya. Sasabihin ko sa kan'ya na kailangan ko talaga ng trabaho. Bahala na siya kung anong trabaho ang ibibigay niya.

"Kailangan ko po ng trabaho Ma'am Carlene. Ako lang kasi ang inaasahan ng pamilya ko. Magbabayad pa ako ng renta ng bahay namin. Tapos, nag-aaral pa ang kapatid ko," pinalungkot ko boses ko para maawa siya sa 'kin.

Pinakatitigan niya ako at tila nag-iisip. Mukhang parehas kami ng iniisip. I mentally grinned.

"Would you mind if I offer you to be my so-"

I cut her off. "Yes Ma'am! Okay na okay po sa 'kin. Hindi ko po kayo bibiguin. Ako ang bahala sa anak niyo," i said assuring her na magagampanan ko ang pagiging nanny ng anak niya.

Tumango-tango ito at saka ngumiti ulit.

"Are you sure Thea? Hindi madali na bantayan ang anak ko. Sumusuko ako sa katigasan ng ulo niya. "

Kayang-kaya ko 'yon. Madali lang naman ang magbantay ng bata. At isa pa, sanay ako dahil ako nag-alaga sa kapatid ko habang lumalaki kami.

"Yes Ma'am Carlene, sure na sure na ako. Kailan po ako magsisimula?"

"Fine. But may I remind you Thea, once you sign the contract you can never back out not unless you will pay your two years salary to void the contract."

"No worries Ma'am Carlene, wala akong balak na magback-out. I badly needed this job right now."

"Rose, bigay mo sa kan'ya ang kontrata," utos niya sa kan'yang assistant.

Kinuha ni Rose ang dalawang folder sa kan'yang dalang bag at inabot sa 'kin 'yon.

Pagkabuklat ko ng folder,pumirma na agad ako.

"Si Rose ang magdidiscuss -"

Parehas na napamaang ang labi nilang dalawa sa pagpirma ko. Hindi ko naman alam na magdidiscuss pala si Rose, kadalasan kasi pinapabasa lang tapos pirma na. Katulad lang naman sigurado ng mga basic rules na nilalagay sa kontrata.

"Hala, pumirma ka na agad Thea," manghang saad ni Rose.

Ano ba ang trabaho ko bakit parang nagulat siya na pumirma na ako? Ang alam ko nanny kasi sabi ni Ma'am Carlene no'ng nagkita kami sa mall ay kailangan may nagbabantay sa kan'yang anak lalo na at matigas ang ulo.

Nang nahimasmasan na si Ma'am Carlene sa ginawa ko ay napangiti na lang siya sa 'kin.

"Well then, you are hired Thea. Wala nang bawian. You already signed the contract." Makahulugang saad ni Ma'am Carlene sa 'kin.

"Basahin mo 'yong copy mo Thea para may ideya ka sa trabaho mo.Pumirma ka kasi agad eh," wika ni Rose.

Tumango ako."Oo babasahin ko pagdating sa bahay."

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon