Chapter 10

118 2 0
                                    

Thea

KASALUKUYANG nasa bagong office kami ni Deuce. May inilagay na table rin para sa akin. Nasa gilid lang ng table ni Deuce, pero malayo nang kaunti at malapit sa pinto.

His office is spacious and large. Brown ang theme ng office niya kaya from sofa, curtain, swivel chair ay brown. Mayro'ng dalawang mahabang sofa sa gitna. The wall is made of glass, kaya kitang-kita ang kabuuan ng siyudad mula sa opisina niya. Masarap siguro rito tanawin ang labas kapag gabi.

Kaya kahit hindi na ako lagyan ng table rito ay ayos lang, sa sofa na lang siguro ako tatambay mas masarap pa. Parang nasa bahay lang.

Mayro'n ding karugtong na pantry area ang office niya. At mayro'n ding napakalaking C.R. Parang condo lang sa isip-isip ko.

Hays, malaki pa ito sa apartment namin kung tutuusin.

Nagpalakad-lakad ako sa loob at talagang ineenjoy ko na i-tour ang sarili ko sa bagong office niya. Hindi kasi ito ang office na pinagdalhan sa akin ng secretary ni Deuce no'ng nakaraang pagpunta ko rito. Mas maliit ang office na iyon ni Deuce na ginagamit din ni Dave kapag nandito siya kumpara rito.

Teka nga pala. Magka ano-ano si Dave at Deuce? Bakit kaya siya 'andito?

Panay ang sulyap naman si Deuce habang palakad-lakad ako. Nang 'di na siya nakatiis marahil, ay nagsalita na ito.

"Can you please just stop walking back and forth here in my office? I can't concentrate on what I'm reading." Binaba niya ang binabasa at napasandal sa swivel chair. Ipinatong ang dalawang siko sa arm chair at pinagsiklop. Pinakatitigan ako.

Napahinto ako sa ginagawa kong pagtotour sa office niya. His gaze on me suddenly makes me feel uncomfortable. I could feel my cheeks turn to red. Nahihiya ako sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. I gulped.

Bakit ganyan siya makatingin? Parang pati kaluluwa ko, tinitingnan niya. Nakakapaso. Nakakaconscious.

"I'm s-orry, na-excite lang ako. And besides, nililibang ko lang din ang sarili ko," pagkuwa'y bumalik na rin ako sa table ko. Kinuha ko na lang phone ko sa bag ko.I start browsing on my social media account.

I heard him sigh. Pasimple ko siyang sinulyapan. Nakatingin pala siya!

Our eyes meet again. His stare seemed to have something I can't explain. I suddenly felt nervous in the way he stared at me. Agad akong nagbawi ng tingin. Pakiramdam ko, may mga kabayong nagtatakbukhan sa loob ng puso ko sa bilis nito.

What the heck, Thea?

I just distracted myself with reading on my phone.I actually couldn't understand what I was reading. Dahil nakikita ko lang sa isip ko ang pagkakatitig ni Deuce sa akin. All I imagine is his eyes staring at me. Pinikit ko nang mariin ang mata ko baka sakaling mawala sa isip ko ang image niyang nakatitig sa 'kin. Ano ba ang nangyayari sa 'kin?

Iba kasi siya makatitig. Nakakatunaw.

In-exit ko na lang ang pagbrowse ko sa social media. Makikinig na lang ako ng tugtog. Baka sakaling mawala ang mukha ni Deuce sa isipan ko.

"Aaaaww!" Napahawak ako sa ulo ko. Sinundan ko ng tingin ang naka-crampled na papel na nalaglag na siyang ginamit ni Deuce sa pagbato sa akin. Masama ko siyang tiningnan. Nakangisi siya sa 'kin nang nakakaloko.

Nakade-kwatro siyang nakaupo paharap sa akin. Nakapalongbaba ang isang kamay habang nakangisi.

Deuce is Deuce.

I picked up the crampled paper. Iminuwestra kong ibabato pabalik sa kanya. Pero pinigilan ko ang sarili.

"Napaka mo Deuce! Nanahimik ako rito." Nakanguso kong saad sa kanya.

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon