Chapter 12

108 3 0
                                    

THEA

Saturday morning.Thank goodness dahil dumating din ang araw na ito. It's my rest day today.

7am na ay hindi pa rin ako bumabangon. Nakakatamad kasi. Kapag weekend ay nagpapatanghali talaga ako ng bangon. Kahit maaga ako nagigising ay humihilata muna ako. Sinusulit ko ang araw talaga ng rest day ko.

Nagcheck ako ng phone, wala namang chat si Tanya. Uuwi rin naman ako mamaya sa bahay kaya siguro walang chat.

8am. Nakaramdam na ako ng pagkalam ng sikmura ko. Inayos ko muna ang higaan ko bago ako nagtungo sa banyo. Maliligo rin muna ako bago bumaba at kumain.

Nagsuot ako ng maikling maong short at white fitted na blouse. Hinayaan ko na lang na basa ang buhok ko, hindi ko na blinower tutal wala namang pasok. Makahinga man lang ang buhok ko sa blower.

Nasa hagdanan na ako pababa ng marinig ko na tahol nang tahol si Finn- alagang aso ni Deuce. 'Di ko na pinansin at imposible namang gising na si Deuce ng ganito kaaga.

Kung tanghali na ako bumangon ng 8am. Si Deuce literal na tanghali na talaga.

"Carmencita~~~" pakanta ko pang binati si Carmen sa kusina.

Busy itong naghihiwa ng carrots. Nakakalat actually ang madaming ingredients na hinahanda niya sa lulutuin mamaya. Napatigil ito sa ginagawang paghihiwa at humarap sa akin habang hawak pa rin ang kutsilyo.

Kumuha ako ng plato at tasa malapit sa kinatatayuan ni Carmen. Napansin ko pang sumandal ito at parang may iniisip habang hawak-hawak ang kutsilyo. Nakakunot ang noo at talagang halata sa hitsura ang pagtataka. Ako man, ay nagtataka sa reaksyon niya.

Dinaan-daanan ko na lamang siya at busy ako magprepare ng pagkain ko at kape. Kumuha ako ng hotdog, itlog at ham tapos nagsandok na rin ako ng sinangag.

Nang matapos na ako magsandok ng pagkain, naglagay na ako ng 3in1 sachet sa mug at nagsalin ng mainit na tubig. Bitbit ko ang plato at mug saka bumalik sa kitchen counter at umupo sa bar stool na naroon. Magsisimula na akong kumain dahil talagang kumakalam na ang sikmura ko. Natatakam ako sa pagkain ko at amoy ng bagong timplang kape.

"Oh, natuklaw ka na riyan... Kain," anyaya ko sa kanya na kumain pero hindi man lang ako pinansin.

Sinimulan ko munang humigop ng kape habang nakatingin kay Carmen na naestatwa na yata sa kinatatayuan at 'di pa rin ito bumalik sa ginagawang paghihiwa ng gulay. Wala pa rin itong imik at wari'y kausap na ang sarili at may binubulong-bulong pa.

Pakiramdam ko ay may kausap 'ata ito na hindi ko nakikita kaya bahagya akong napalingon sa paligid ko ngunit wala naman, tanging kaming dalawa lamang ang narito.

"H-oy! Nalipasan ka ba ng gutom diyan?" pukaw ko sa pag-iisip niya. Mas gutom pa yata sa 'kin si Carmen.

Nakaramdam ako ng konting kaba dahil baka may nakikita nga ito ng 'di ko nakikita. Matatakutin kasi ako pagdating sa multo. Baka mamatay ako sa sobrang takot 'pag nakakita ako ng multo kaya 'wag naman sana. Nagsimula na ulit akong kumain upang maibsan ang pagtataka at kaba sa puso ko.

"Masaya kang binati ako..." kausap niya sa sarili o baka sa 'di ko nakikita.

Napakunot ako sa sinabi kung ano ang konek sa sinabi ko o ako ba ang kausap niya. Pinapakaba niya ako.

Napatigil ako sa pagsubo ko ng fried rice. Dahan-dahan kong tinapos ang pagnguya at nilunok muna ang kinakain bago ako sumagot.

"Oh, ano naman? Masama bang batiin ka na masaya?" Kinuha ko ulit ang baso at dinala sa aking bibig at hinigop ang napakasarap na kape kahit 3in1 lang.

"Maaga nagising si sir Deuce..." sambit ulit ni Carmen na parang hindi ako naririnig. May sariling mundo yata siya o gutom na.

Muntik ko nang mabuga sa kanya ang iniinom kong kape.

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon