THEA
"Ate," tawag sa akin ni Tanya. Nasa kusina kami ngayon at naghahanda nang lulutuin para sa gaganaping dinner mamaya dito sa bahay kasama si Deuce.
"Hmm?" busy akong magprepare ng mga ingredients. Pinapunta rin dito ni Deuce si Carmen para may katulong kaming maghanda.
Alas kwatro pa lang ng hapon, nasa opisina pa si Deuce.
"Kumusta naman ang parents ni kuya Deuce? Hindi ba sila matapobre? Baka kasi—"
Hinarap ko siya at pinutol na ang anumang sasabihin pa."Hindi. Mababait sila, lalo na si Tita Carlene. She's like a second mother to me."
Nag-isip ito saglit bago nagkibit ng balikat.
"Mabuti naman at mabait sa 'yo ang Mommy ni kuya Deuce. Kasi iyong mga napapanood ko sa movie laging kontrabida ang family especially ang madir kapag may girlfriend na ang anak lalo ang tagapagmana pa. Hindi naman basta-basta si kuya Deuce. Ang swerte mo ate," nakangiting saad niya.
Bahagya kong kinurot ang pisngi niya. Kung ano-ano ang naiisip, sabagay gano'n din naman ang naisip ko no'ng pinakilala ako ni Deuce sa pamilya niya. Gusto ko na ngang tumakbo no'n palabas ng bahay nila sa dami kong naiisip na negative. Kabadong-kabado ako no'n.
"Mas kontrabida ka pa kaysa kay Tita Carlene," natatawang saad ko sa kanya. Imbes na napikon siya,tinawan lang din ako.
Sakto naman sa pagpasok ni Carmen.May bitbit siya malaking box ng pizza.
"San galing ang pizza? Bumili ka?" nagtatakang tanong ko. Hindi naman ito lumabas, baka nagpadeliver. Ang galante niya ah.
Pagkalapag sa lamesa ng pizza nilapitan ako ni Carmen at binunggo-bunggo nang mahina.
"Uuyyy... Ang sweet talaga ni sir Deuce. Sa kanya galing 'yang pizza para hindi ka magutom," pumalakpak pa ito at kinikilig. "Binubusog ka talaga ng lovey dovey mo Thea, ah. Ang haba ng hair."
Hinagod pa talaga ni Carmen ang hanggang balikat ko na buhok.Nakisakay din si Tanya."Ang haba nga ng hair mo Ate! Sarap mong sabunutan," natatawang wika niya.
Parang tanga si Carmen at nag-aakto pang inaayos ang mahaba kong buhok hanggang sahig. Imaginary long hair.
"Wag mong apakan Tanya ang buhok ni Thea," kunway sita pa niya kay Tanya na sinakyan din ng kapatid ko at tumabi nga. Tinulungan pa si Carmen na binuhat ang imaginary long hair ko sa lamesa.
Napakamot ako sa ulo sa pinanggagawa ng dalawa.
Parang tanga naman 'tong dalawa. Gutom yata.
"Alam niyo ikain niyong dalawa iyan. Gutom lang iyan," kunwaring naiinis ako sa kanilang dalawa pero ang totoo, natatawa ako sa kalokohan na pinanggagawa nila. Para kasing mga baliw.
Biglang nag-ring ang phone ko. Tumatawag si Deuce.
Usisero ang dalawa at pati ang phone ko sinilip nila kung sino ang tumatawag. Sabay silang tumili nang makita ang name ni Deuce na tumatawag. Kilig na kilig.
I rolled my eyes bago ko kinuha ang phone kong nakalapag sa mesa kung saan nakatapat sa dalawa.
"Mukha kayong mga tanga, alam niyo ba iyon?" sabi ko sa kanila.
Humagikgik lang silang dalawa at nag-apir pa. Mga loka-loka talaga. Nagsanib pwersa pa silang dalawa sa kalokohan.
"Shhh... 'wag kayong maingay sasagutin ko na," saway ko sa kanila dahil ang ingay nilang kiligin. I cleared my throat before I press answer button.

BINABASA MO ANG
He's My Boss
RomanceThea lost her job, so she accepted the job that was offered to her without asking for further details. She was surprised when she found out that it was her rude customer at the coffee shop that would be her boss, Deuce. What would happen if they wor...