Chapter 19

84 1 0
                                    

Thea

"A-yoko munang umuwi sa bahay Dave," saad ko kay Dave nang mapansin ko na pauwi na sa bahay ni Deuce ang daan.

He heaved a deep sigh and nodded at me. Nasa labas ng bintana ang tingin ko habang patuloy pa rin sa pag-agos ng luha ko. Nawili na yatang pumatak kaya ayaw na tumigil.

B'wisit na mga luha 'to. Bakit ba ayaw tumigil?

"Okay. Sa condo na lang tayo dumiretso. Is that okay with you?" tanong ni Dave. Binalingan ko siya at tumango. I smiled at him. Pinunasan ko rin ang luha ko.

"T-hank you, Dave. I'm sorry naabala pa kita." Napayuko ako sa naramdamang hiya sa kaniya. Nakakahiya naman talaga ang ginawa ko. Sumunod pa kasi ako doon.

Kung hindi ako sumunod doon, nag-eenjoy pa sila malamang ngayon. Kaya nga siguro hindi ako sinama ni Deuce para makapag-enjoy siya.

Nilaro-laro ko 'yong mga daliri ko sa kamay. Saka binaling muli ang tingin sa labas ng bintana.

"It's nothing, Thea. Bukas na kayong mag-usap ni Deuce. The two of you need to talk."

Hindi ako sumagot. Wala naman kaming dapat pag-usapan ni Deuce. Wala naman akong karapatan para gawin iyon kanina dahil hindi naman talaga niya ako sinama. Ako lang naman ang nagdesisyon sa bagay na iyon na sumunod sa kaniya.

Ang usapan namin, magpapanggap ako na girlfriend niya kapag kasama ko siya at nandiyan si Patricia o kaya kapag may gusto siyang iwasan at siya mismo ang magsasabi.

Kaya bakit ko nga ba ginawa 'yon kay Patricia kanina? Hindi naman alam ni Deuce na sinundan ko siya kanina kaya hindi iyon kasama sa usapan namin. Pero sinabi rin niya na girlfriend niya ako, ibig sabihin kailangan niya ng tulong ko kanina.

Eh, bakit naman siya nagalit kung kailangan niya ng tulong ko kanina?  Haist!

Ewan ko ba at nanggigigil ako kay Patricia. Lalo na kung makalapit o umasta, akala mo girlfriend ni Deuce. Kahit hindi kay Patricia, pati doon sa ibang mga babae na basta na lamang lumalapit sa kaniya. O kaya 'yong mga babaeng nagpapapansin kay Deuce kahit saan kami magpunta.

I heaved a deep sigh.

B'wisit na Deuce iyon. Ako na nga iyong nasampal, siya pa ang may ganang magalit. At siya itong malandi!

Hindi ko lang talaga matanggap iyong sinabi niya tungkol sa amin ni Dave. Nasaktan ako doon. Oo, sinasakyan ko iyong mga ginagawa at sinabi ni Dave, pero hindi ibig sabihin noon ay desperada akong mapansin ni Dave.

'Di kaya nagalit siya dahil pinaki-alaman ko sila kanina ni Patricia o dahil sumunod ako?

Hays. Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko. Hindi ko alam bakit nagalit na lang ng gano'n si Deuce. Naririninig naman niya kami palagi ni Dave o kaya nakikitang ganoon kami mag-usap. Bakit kanina parang iba ang naging mood niya?

Talagang magaan lang at kumportable ako na kabiruan si Dave at kasama. Palibhasa kasi si Deuce ay bipolar. At isa pa, wala naman akong nakitang masama o mali sa ginawa ni Dave kanina sa akin. Tinulungan pa niya ako. Binigyan ako ng ice pack at nag-alala sa akin.

Nagselos kaya si Deuce? tsk... tsk... Asa naman ako.

Pagkadating namin sa condo ay pinahiram ako ni Dave ng damit niya na pantulog ko. Lalo tuloy ako nakaramdam nang hiya. Pero wala naman akong choice. Ayokong umuwi sa bahay ni Deuce at mas lalong ayaw ko naman sa bahay namin ako uuwi. Magtataka at mag-aalala sina Tanya kung bakit ganitong oras ako uuwi kung sakali doon ako tutuloy ngayon.

Two bedroom naman iyong condo unit ni Dave. Hindi naman daw siya parating nandidito pero malinis at maganda ang unit niya. Malaki pa. No doubt naman sa isang katulad din ni Dave na mayaman.

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon