Chapter 11

109 2 0
                                    

THEA

Napaki-usapan ko si Ma'am Carlene na lalabas kami ni Deuce ngayong Friday. Nagdahilan ako na may birthday ang kaibigan ni Deuce kaya pinayagan kami.

Abot-abot ang kaba ko ng magpaalam ako sa kanya na kung pwede ay 'wag isama ang mga body guards ni Deuce sa amin kapag lalabas kami ngayon.

"Alright Thea, I trust you. Ikaw na ang bahala kay Deuce."

"T-hank you Ma'am Carlene." Naguguilty ako sa pagsisinungaling ko pero gusto ko talagang pagbigyan si Deuce.

Aaminin kong nakikita ko naman ang pagbabago kay Deuce at determinasyon nito na makaalis kami ngayon kapalit ng kundisyon ko na hindi na niya ako pahihirapan sa umaga na gisingin siya at pumasok sa office. Nag-eeffort siya kahit kailangan lang talagang pilitin kung minsan.

It's been awhile since he got the chance to unwind here and be with his friends. The last time I guess noong ilang linggo pa lang ako roon at tumakas siya noon kaya napilitan akong sunduin siya rito para hindi kami parehong mapagalitan ng mommy niya, pero nalaman pala. That's the time na nalaman namin na may civilian bodyguards palang hinire ang mommy niya at nagrereport ito kay Ma'am Carlene

Kaya pala nagtataka kami noon kung paano nalalaman ng mommy niya na umaalis mag-isa si Deuce lalo na kapag gabi. After no'n, ay talagang naging maingat na si Deuce.

Binawasan kasi ang allowance niya. May card din siyang na-cut dahil hindi sumunod si Deuce sa kontrata.
Nakakahiya nga no'n, kumain kami sa isang hotel at syempre, hindi naman biro ang presyo ng pagkain sa isang mamahaling hotel. Kulang pa ang pambayad ko ng apartment sa bill ng pagkain namin. Tapos nadecline ang card niya. Mabuti na lang at nakawithdraw ako ng sahod ko. Nakakahiya talaga.

Kaya talagang sineseryoso na namin parehas ni Deuce ang kontrata dahil talagang tinototoo ng mommy niya ang mga nakalagay doon kapag hindi namin sinunod. Gano'n kaseryoso si Ma'am Carlene na patinuin ang anak niya.

Unti-unti ay nasasanay na rin kami. Although, lagi pa rin talaga kaming nagkakainisan ni Deuce kahit anong kalma ko sa sarili minsan ay napapatulan ko pa rin talaga.

"Let's go. Finally! wohooo."

May pa-action pa siya ng kamay. Akala mo nanalo ng lotto sa galak. Magbabar lang naman kami. Napangiti na lang ako sa ginawa niya. Ang cute kasi niya. Para siyang bata.

Ehem... Anong cute si Deuce?

Kinuha ko na ang gamit ko. Masaya naman akong inescortan ni Deuce palabas. Napataas ako ng kilay.

"Wow! Ganyan ba ang nagagawa ng reward, nagiging gentleman?" Nilagay ko rin naman ang kamay ko sa braso niya at napangiti. Ngumiti rin siya sa akin. Mas gwapo si Deuce kapag hindi suplado.

"Masaya lang ako. Finally, I can forget about work just for this night." He winked at me that made me smiled even more.

"O-kay. This night is yours".

PAGKADATING namin sa isang mamahaling bar sa BGC ay agad naming hinanap ang mga kaibigan ni Deuce.

I'll let him enjoy this night. Nasa isang sulok lang ako habang binabantayan si Deuce sa ginagawa niya. He promised me that he'll behave. No girls allowed tonight, just fun catching up with his friends, and he agreed with me that. Kahit nakikita kong pasimple akong tinitingnan kung nakatingin nga ako.

Natatawa na lang ako sa reaksyon niya tuwing may gusto itong lapitan na babae tapos mapapatingin sa akin at pinaniningkitan ko ito ng mata. He knew what those looks. Kaya napapailing na lang na humihiwalay sa babaeng lumalapit din sa kanya.

Mabuti na lang at hindi ganoon ka crowded ang bar dahil exclusive ito sa mga members lang. Kung hindi ay hindi ko ito mababantayan.

This bar is owned by one of his friend. Walang iba kun'di si Dave. Kaya pala nando'n sa opisina ni Deuce minsan, dahil siya ang nagtatake over kay Deuce kapag hindi ito papasok. Kasabwat dahil gawain nilang magkakaibigan at syempre dahil na rin sunod-sunuran ito kay Deuce dahil matagal ng gustong ligawan ang pinsan ni Deuce kaya kahit anong pang-uuto ni Deuce kay Dave ay ginagawa para ilakad lang sa pinsan. Sadyang malandi lang si Dave kaya ayaw pansinin ni Nathalia.

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon