THEA
I WAS surprised to see Patricia again. We accidentally bumped into each other while I was buying some stuff at the mall. Kanina ko pa hinihintay si Dave, magkikita kasi kami. Ilang araw iyon hindi nagpapakita sa 'kin after he knew na alam ko na ang totoo. Ang sarap pilipitin ng leeg. Kapag naiisip ko talaga kung paano ako nagmukhang tanga ng araw na nalaman ko na may asawa na si Deuce, nagdrama pa ako sa park. Nakakahiya talaga!
Akwardly, she smiled at me. "Hi... Thea. Nice seeing you again," bati niya sa 'kin. She looked at me from head to toe. Nakaramdam ako nang pagkadisgusto sa ginawa niya. So, I rolled my eyes at her. "Hey, hindi ako nakikipag-away, okay?"
Wow... Hindi pa sa lagay na 'yon, huh?
"Yeah, hindi nga. Kung ano-ano lang ang sasabihin mong hindi maganda, parang ugali mo," mahinang usal ko sa sarili sabay tingin sa mga daliri ko sa kamay.
"What?!"
Ay, narinig pala.
Napatingin ako sa biglang pagtaas ng boses niya, na parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Nginitian ko siya nang plastic. "Wala. Sabi ko, ganda mo girl. Parang walang nagbago sa 'yo. Ugali at itsura, panget! Este, maganda,"
Naiiling itong napapangiti sa pagkapahiya sa narinig sa 'kin. "You haven't changed."
Nagring ang phone nito at sumenyas na sasagutin lang niya. Medyo tumalikod siya sa 'kin. As if gusto kong pakinggan kung sino ang kausap niya.
"You haven't changed... change-change mo mukha mo!' mahina kong panggagaya sa sinabi niya dahil hindi naman niya ako naririnig.
Humarap ulit ito sa 'kin pagkatapos niyang i-end ang tawag niya. "Coffee?"
I mentally laugh at what I'm thinking. "Sure."
SIYA ang nagbayad sa madami kong order. Inalok niya na siya na ang magbabayad, so, I grabbed the opportunity. Mahirap tumanggi sa blessing. Siguro iniisip niyang patay gutom ako. Palibhasa, hindi siya makakain nang marami dahil halata naman na nagmamaintain ito ng figure. She's also a model, by the way.
Pinatong ko ang kamay ko sa table kung saan mapapansin niya ang wedding ring naming dalawa ni Deuce, pinasinuot na niya kasi sa 'kin. Automatically, sinundan niya iyon ng tingin dahil talagang sinadya kong makita niya iyon. Gusto ko ng tumawa nang malakas sa expression ng mukha niya. Kinuha niya lang ang ice coffee niya at uminom, wala naman itong sinabi.
'Yan, uminom ka nang maraming kape para nerbiyusin ka naman sa pinanggagawa mo noon at sa gagawin mo.
Gusto ko talaga siyang inisin. Wala pa halos nakakaalam na kinasal kami ni Deuce kaya siguradong hindi rin nito alam. Pero kung alam niya, bilib na ako sa pagiging chismosa niya sa buhay namin ni Deuce.
I cleared my throat. Sunod kong ginawa, nilapag ko sa table ang cellphone ko at sinadyang i-check muna ang phone para umilaw at lumabas ang screen wallpaper para makita ni Patrica. Picture naming dalawa ni Deuce na nakakandong ako sa kanya. Natapunan niya rin iyon nang pansin ang phone ko dahil nakailaw at kitang-kita ang picture namin. Lalo akong napapatawa sa isip ko sa reaksyon niya. Akala ba niya, naghiwalay talaga kami ni Deuce dahil sa pangbbrainwash niya sa isip ko na iwan ko si Deuce noon. Hindi ko alam na kasabwat niya pala si Luna.
Sinadya niya na magselos talaga ako kay Leslie para mainsecure ako sa kanya at iwan si Deuce. Nagkukuwento lagi noon si Luna na kesyo may naalagaan na siyanng gano'n din ang nangyari sa 'kin na naaksidenta, tapos hindi rin nakalakad agad. Iniwan daw iyon ng fiancé at naghanap ng iba. Imagine, sobrang down na down ako nagseself pity tapos dadagdagan nila ng gano'ng kwento.
Kaya ngayon, lumuwa lalo ang mata niya sa inggit dahil akin lang si Deuce.
Ang sarap niyang asarin. Ganito rin siguro ang reaksyon niya habang nagkukwento si Luna ng kung ano-ano sa 'kin.
BINABASA MO ANG
He's My Boss
RomanceThea lost her job, so she accepted the job that was offered to her without asking for further details. She was surprised when she found out that it was her rude customer at the coffee shop that would be her boss, Deuce. What would happen if they wor...
