Chapter 16

121 4 0
                                    

THEA

NATULOY kami ni Deuce na mag out of town somewhere in North Area, sa Bataan. Mayro'n naman pala silang beach house dito rin sa lugar but he refused to stay there. Gagastos pa talaga ang gusto niya. Sabagay, sagot naman niya. Malayo-layo rin ang biyahe. But unfortunately, hindi kasama si Dave. May biglaang lakad daw kasama si Nathalia kaya ayo'n, kaming dalawa lang ang natuloy ngayon. Mukhang good mood nga si Deuce simula paggising kanina. Hindi na masungit tulad kahapon.

"Bagalan mo naman ang lakad Deuce," angal ko sa kanya. Hapong-hapo na ako kakamadali na maglakad para masabayan siya. Palibhasa mahahaba ang biyas niya.

Humarap sa akin si Deuce habang patuloy pa rin sa paglalakad. "So, ako pa ang mag- aadjust? Kasalanan ko bang mabagal kang maglakad, turtle," pang aasar niya sa akin.

"Wow ah! Ang bigat kaya ng mga bag. Tsk . . .tsk. . . try mo rin kayang magbuhat." Sarcastic kong sagot sa kanya.

Mabigat talaga 'yong bagpack ko, tapos ako pa ang nagdala ng duffel bag niya. Napaka ungentleman ng kumag. Ang sarap ihagis ng bag niya.

Huminto si Deuce at kinuha sa akin ang duffel bag niya at bagpack ko. "Akin na nga, baka umiyak ka pa riyan. Such a cry- baby. " Umakto pa na umiiyak ang itsura para asarin ako.

Bwisit talaga! Ang sarap sampalin para talagang umiyak, sabi ko na nga ba at aasarin ako lalo.

Masama ko lang siyang tiningnan. Umayos na rin nang lakad si Deuce at nakaharap na ang paglalakad niya at nakasabay sa akin. Dahil bawal ang sasakyan sa loob, ay hinintay namin ang jeep na magdadala sa room na nireserve ni Deuce. Hindi ko alam kung sino ang pinagbook niya. Akala ko nga ay 'di na matutuloy.

Nagulat ako sa pinagbabaan sa amin. Isang two storey na spanish old house. Casa Esquina.

Dito ba kami magsstay? Parang malaki 'ata para sa amin ito. Mayron daw two king beds sabi kanina ng receptionist.

First time ko kasi dito makapunta. At napa Wow talaga ako pagkapasok sa loob. Magkano kaya rito? Mukhang mahal dito dahil parang sa amin lang itong buong bahay. Pumasok na kaming pareho sa kanya-kanya naming silid. Sinimulan ko na ring ayusin ang mga gamit ko.

Nagmessage rin ako sa kapatid ko na nakarating na kami sa lugar. Inggit na inggit nga si Tanya. Nakaramdam ako bigla nang awa. Hindi kasi kami noon nakakalabas dahil kulang ang budget ko. Ako lang kasi ang may trabaho tapos nag-aaral pa si Tanya. 'Di bale, may ipon naman na ako. Madadala ko rin sila ditto o kahit sa ibang lugar na makakapasyal na kami.

Naligo muna ako saglit bago ko pupuntahan sa silid niya si Deuce. I choose to wear a white loose fit chiffon mini dress, para mas kumportable ako. Binili ko agad ito sa mall noong isang araw.

Mga alas tres y media na siguro ng hapon kaya sobrang init. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay pinuntahan ko na si Deuce para ayusin naman ang gamit niya.

"Fuck!" Malakas na mura ni Deuce nang bigla ako sumulpot.

Nagbibihis pala siya. Kakatapos lang maligo. Buti na lang at nakatalikod siya. As usual, nakita ko na naman ang pangupo niyang matambok at maputi. Ang sarap hawakan.

I bit my lips to suppress my smile. I mentally grinned with what I saw.

"S-orry." Tumalikod din agad ako.

"You can turn around." Ginawa ko naman, humarap na ako sa kanya. "What are you doing here? Don't you know how to knock?"

Mukhang hindi naman siya galit base sa boses niya. Parang natutuwa pa nga na nasilipan ko na naman siya.

"Sorry, nasanay lang ako. Aayusin ko lang sana 'yong mga gamit mo." I pout my lips.

Totoo naman. Sanay na sanay na kasi akong basta na lang pumapasok sa kwarto niya. 'Yon nga lang ang pinagkaiba kasi, wala pala itong walk-in closet kaya diretso agad sa kwarto. Ayan tuloy nakita ko na naman ang hindi dapat makita. What a nice view.

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon