Chapter 28

88 2 0
                                    

THEA

Pinilit ko na lamang na alisin sa isipan ko ang mga negative na naririnig about me. Magsasawa rin for sure ang mga taong inggetera sa akin.

Bumaba ako para bumili ng kape namin ni Deuce. Habang nasa elevator, ang dalawang magkasamang babae ay nagbubulungan, 'yong isa ay wala namang pakialam pero napapatingin din sa kanila. I have a feeling that it's me they're talking about.

I cleared my throat. Inuubos talaga ang pasensiya ko. Nasa likuran ako kahit hindi naman puno ang loob ng elevator. Ang chachaka ng mga pagmumukha nila, kung makapang-bash naman sila sa akin ay feeling nila artista ako.

"Tapos niyo na ba akong laitin? Baka naman pwedeng tumabi kayo riyan at nang makalabas na ako dito, may mga kasama kasi akong chismosang palaka." Hindi ko napigilang magmaldita sa kanila,ginigigil nila ako eh. Sana kasi nagbulungan silang dalawa iyong hindi naman obvious.

Inismiran ako no'ng isa, ang sarap itulak palabas ng elevator.

Nauna silang lumabas dahil papunta rin pala sila ng canteen. Ang malas ko naman pati dito kasabay ko pa sila. Konti pa lang ang tao sa canteen dahil halos kakatapos lang ng lunch. Nilagpasan ko na sila dahil ayaw ko na silang makita.

"Akala mo naman kung sinong maganda."

Narinig kong sinabi no'ng isa. Hindi man lang ako pinalayo muna bago nagbulungan. I turn around and my bitchy face is on.

"Next time girls, hinaan niyo naman ang boses niyo kung magbubulungan kayo. Hindi kasi ako bingi," saad ko bago muling tumalikod.

"Nagmamaganda."

I took a deep breath before I turn around again. I crossed my arms in front of them. Nakataas din ang isa kong kilay at seryoso ang aking mukha.

"How 'bout you? Kagandahan ka? Look at yourself, para kang iniwanan ng sampung anak sa ayos mo at itsura," wika ko sa kanila.

Naningkit ang mata ng isa at nagmaldita ring ang itsura. Pwes mas maldita ako kaya hindi ko sila uurungan. Sinagad na nila ang pasensiya ko.

"Maganda ka nga kaya ginamit mo yan para makuha mo si sir Deuce. Pagsasawaan ka rin ni sir, kaya 'wag kang umasa na pangmatagalan ka. Kasi kung gaano kayo kabilis naging mag-on, gano'n din kabilis kayong maghihiwalay. Baka nga hindi kayo umabot ng isang taon man lang. Asa ka pa girl," taas ang isang kilay niyang wika tapos inirapan ako.

I bite my lips at tipid na ngumisi sa kanila.

"Oh really? Manghuhula na pala kayo? Now I know why you look like that, kulang na lang 'yong baraha at bolang kristal legit nang manghuhula kayo. Hindi na ako magtataka kung suma-side line ka pa sa Quiapo kapag uwian at weekend. Salamat sa libreng hula mo," nag-flying kiss pa ako para asarin si ateng nagmamaganda.

Ngumiwi sila pareho sa ginawa ko. I mentally grinned for their reactions.
Parang nandidiri kasi sa ginawa kong pag-flying kiss, akala naman nila mabango ang hininga nila.

"Eh ikaw, puhunan mo ang sarili mo para makapamingwit ng gwapo at mayaman."

"Kaya nga, mukhang dinaan sa immoral para masungkit si sir," dagdag ng isa pang chaka ang ugali. May pa ikot-ikot pa ng mata eh ang laki naman.

Pisti 'tong bruha na ito. Baka malaglag ang mata mo girl.

"Oh ano naman. At least may puhunan. Eh ikaw, wala ng puhunan panira pa ng negosyo ang ugali. Kaya walang pumapatol sa 'yo girl kasi pagmumukha mo at ugali iisa. Pangit!Parehas kayong PA-NGIT ang ugali," diniinan ko ang salitang pangit sa kanila, lalo na ang huling sinabi ko sabay duro sa kanila.

Lumapit sa akin ang isa at hinila ang buhok ko. Napikon siya sa narinig na pangit sila.

"Sino ang pangit ah?" nawala ang iniingatang poise ng isa at lumabas ang pagiging war freak bigla.

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon