Chapter 7

107 2 0
                                    

Thea

Maaga akong nagising. Alas singko ako nagset ng alarm kagabi dahil alas otso ang pasok ni Deuce sa opisina. Sinadya ko talaga na ganoon ka-aga para may oras pa akong ayusin ang sarili. Hinanda ko na rin ang sarili ko na baka mahirapan akong gisingin siya o baka ayaw pumasok ng opisina at sungitan lang ako. Hindi raw kasi ito palaging pumapasok sa office. Kung kailan lang naisipan na pumasok ay doon lamang bibisita. Hindi sineseryoso ang responsibilidad. Isa ito sa kailangan kong gawin ang siguraduhin kong papasok siya araw- araw sa opisina.

Maliligo muna ako bago ko siya pupuntahan sa kwarto niya. Mag-aayos na rin ako para siya na lang ang aasikasuhin ko mamaya.

Wala namang instruction o kaya binigay na uniform si ma'am Carlene sa akin. Kahit anong damit ay pwede kong suotin.

I choose to wear a black pants and a black blouse na pinartneran ko ng black kong high heels, para naman formal ang ayos ko. Nilugay ko lang ang buhok ko na medyo curly. Naglagay rin ako ng powder at lipstick. Light make up lang ang inayos ko sa sarili ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ay pinuntahan ko na si Deuce sa kanyang kwarto.

I knocked 3 times. I called him too, pero walang sumagot. Malamang tulog na tulog pa ito sa loob.

Paulit-ulit kong ginawa ang pagkatok at pagtawag sa kanya pero hindi pa rin siya nagising. So, I've decided na papasok na ako sa loob ng kwarto niya gamit itong susi na hawak ko na binigay sa akin kahapon ni ma'am Carlene.

Hindi nga ako nagkamali. Tulog na tulog pa ito. Nakanganga pa. Napangiti ako sa nakitang itsura ni Deuce. Kahit nakanganga ay napakagwapo pa rin niya tingnan.

Nasaan ang hustisya? Why so gwapo, Deuce?

Kinuha ko ang phone ko at pinicturan ko siya. Nakailang kuha pa ako sa kanya na nakanganga siya.

Sayang at walang laway! Binalik ko na ulit sa bulsa ko ang phone at kailangan ko pa siyang gisingin. Tinapik ko ang braso siya habang tinatawag ko ang pangalan niya.

"Deuce, gising na. Deuce, Deuce."

Puro ungol lang ang sagot niya sa pagtawag ko sa kanya. Gumalaw ito nang bahagya at umungol ulit. Bumalikwas lang siya ng posisyon paharap sa kabilang side na nakadapa. Hindi ko pa rin siya tinigilan. Ang hirap naman gisingin 'to.

Naisip kong tatanggalin na lang ang comforter na nakatakip sa pang-ibabang katawan niya baka sakaling magising ito. Pagkahila ko ay tumambad agad ang matambok at maputi niyang pwet!

Napa Oh na lang ako sa nakita ko. Wala pala itong damit kapag natutulog sa gabi. Ang aga-aga nagkasala na agad ang mga mata ko. Pambihira ka talaga Deuce. Good talaga ang morning ko nito.

Napakagat ako ng labi. Natetempt akong pisilin ang pwet niya.

"Fuck! What are you doing here in my room? " Galit na tanong ni Deuce kahit namamaos pa ang boses niya. Hindi naman ito humarap agad. "How did you get in?" he added.

Gising na pala siya. Hindi naman niya hinila ang kumot para ibalot sa katawan niya. Nanlaki ang mata ko. Bigla itong kumilos at mukhang babangon na.

Agad akong tumalikod sa ginawa niya. Bumangon siya at umupo sa kama. Nakikita ko sa peripheral view ko ang ano niya na nakatayo. Namamawis ako kahit ang lamig ng kwarto niya dahil sa aircon. Nagugulantang ang buong sistema ko. Bakit ganito naman po, ang aga-aga, eh.

Hindi man lang siya nahihiya sa akin. Bastos!

"G-inigising k-asi k-ita," utal-utal at kinakabahan kong sagot sa kanya. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili.

"Kanina pa ako katok nang katok sa 'yo kaya lang hindi ka sumasagot. Kaya ginamit ko na ang susi na binigay ng mommy mo para makapasok dito. Just to remind you, may pasok ka ngayon sa opisina mo. Ihahanda ko na ang damit mo at maligo ka na," paliwanag ko.

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon