Chapter 9

95 2 0
                                    

Thea

MABILIS na lumipas ang araw. Mag-iisang buwan na rin ako rito sa trabaho ko. Ilang beses ko na nga bang pinaki-usapan si Ma'am Carlene na ayaw ko ng ituloy ang trabaho ko. Hindi ko na kaya.

Mayro'ng araw na nilock ako ni Deuce sa walk-in closet niya. Galit na galit talaga ako sa kanya no'n. Pa'no, halos kalahating araw niya akong hinayaan do'n. Kumakalam na ang sikmura ko sa gutom ay parang wala lang 'yon sa kanya. Ni hindi man lang ako inisip na nagugutom din ako.

Mayroon din na may meeting pala siyang pupuntahan. Ang sabi niya ay kakain lang siya sa labas kasama ang mga kaibigan. Ako naman ay naka jeans at simpleng t-shirt lang ang sinuot. Dahil naisip kong maglibot-libot muna sa mall habang ito ay makikipagkwentuhan sa mga kaibigan. Aba, pagdating do'n sa restaurant ay mga kameeting niya na investors pala ang kasama sa lunch. Ako lang 'yong mukhang dugyot sa suot ko. Lahat sila nakaformal. Ang masama pa, pinaupo niya pa ako doon. Nagmukha talaga akong yaya niya. Ni kahit polbo wala akong nilagay sa mukha ko. Hindi ko nga alam kung ano ang hitsura ko no'n.

Rest day ako ngayon. Nagpaalam ako na dalawang araw ako uuwi sa amin. Aba, agad pumayag ang bwisit na iyon. Tuwang-tuwa pa nga siya at sinabihan pa akong pwede ako magrest day kahit one week pa. Syempre, hindi naman pu-pwede dahil si Ma'am Carlene ang nagpapasahod sa akin. Nakakahiya kung malaman niyang isang linggo ako hindi papasok na kahit gustong-gusto ko rin gawin.

Nasa sala ako kasalukuyan at nanunuod ng TV. Palipat-lipat ako ng channel. Hindi ko rin talaga alam kung ano ang gusto kong panuorin. Inagaw ni Tanya ang remote sa akin at pinatay ang TV.

Umupo ito sa tabi ko. Tinaas pa ang dalawang paa at pinatong sa center table.

"Papalitan mo na ba ang TV natin kaya sinisira mo na?" panimula ni Tanya.

Sinulyapan ko siya saglit. Wala ako sa mood. I heavily sigh.

These past few days or mas tamang sabihin na simula nang nagsimula ako do'n sa mansion ay nawawalan na ako sa mood palagi. Paano namang hindi, eh lagi akong highblood kay Deuce. Nakailang beses na ba'ng nalaglag ang puso ko sa inis do'n sa lalaking 'yon!

I pout my lips.

"Wala lang ako sa mood Tanya, kaya 'wag mo akong asarin." Kinuha ko ulit ang remote at in-on ang TV. Sponge bob ang palabas.

"Simula nang pumunta ka sa mansion, hindi na ikaw 'yong ate ko. Nagbago ka na."

Bahagya ko siyang sinulyapan muli. Wala talaga ako sa mood makipag-usap sa kanya. Kaso makulit din 'tong kapatid ko.

"Oh, tapos?" pambabara ko. Tinaas ko pa ang isang kilay ko.

Nakita ko sa peripheral view ko na humalukipkip ito. Sumandal ako at tinaas din ang dalawang paa ko. Inusod ko iyong isang paa niya kaya nalaglag ang isang binti ni Tanya.

"Ang salbahe, ah!" angil niya sa ginawa ko.

"Bakit ba? Wala nga ako sa mood."

Inilipat ko ulit ang channel. Hindi ko kasi masakyan si Sponge Bob. Hindi ako natatawa sa kanya ngayon.

"Ano ba kasi ang problema? Pati ang TV natin nadadamay pa. Pero kung papalitan mo na, sige sirain mo lang," ngumisi siya bigla sa ideya na papalitan na ang TV.

Ilang saglit muna bago ako nagsalita.

"Peste kasing Deuce 'yon, eh! Sinasagad ang pasensiya ko. Alam mo ba sa araw-araw na lang, wala na siyang ginawa na maganda para hindi kami nag-aaway. Inuubos niya ang pasensiya ko. Napaka sa napaka. He is Deuce the devil. Ang gwapo sana kaso nuknukan nang sama ang ugali. Lahat na! Mayabang, arogante, maldito--" binilang bilang ko rin sa daliri ko ang mga sinasabi kong ugali ni Deuce.

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon