Chapter 17

99 2 0
                                    


THEA

"Can you try it again, Miss? Or this one." Tanong ni Deuce sa waitress at inabot din ang isang card niya.

Nakaramdam agad ako nang kaba. Mauulit ba ulit 'yong dati?

Nasa isang mamahaling restaurant kami ngayon dito sa Makati. Dito kami dumiretso ni Deuce after ng meeting niya dahil rush hour na raw at ayaw niyang maipit sa traffic papuntang BGC. Siya pa naman ang nagdrive dahil dadaan kami saglit mamaya sa bar ni Dave.

Shit! 'Wag naman sana. ( cross fingers ) wala akong dalang pera.

Sunod-sunod na napapalunok ako. Kinuha ko ang basong may lamang kalahating tubig pa at ininom para ikalma ang sarili.

"I'm sorry pero decline po parehas ang card niyo," wika ng waitress pagkabalik. Inabot muli pabalik kay Deuce ang dalawa niyang card.

Napahilot ng sintido si Deuce. "Shit!"

Tiningnan ako ni Deuce. Pinanlakihan ko siya ng mata. Pinaparating ko sa kanya na wala akong dalang pera.

"Hold on," baling ni Deuce sa waitress na naghihintay sa gilid naming dalawa.

Nakakahiya talaga. Napabuntong hininga muna si Deuce at kinuha ang phone at may tinawagan.

"Mom! Please don't do this to me right now. I don't have any money here."
madiing wika ni Deuce kahit mahina lang pero halatang naiinis siya.

"W-hat? H-ow did you know?"

Nakakunot ang noo ko naman habang tinitingnan ko siya.

"Yeah. Can we just talk later? But please, I need your help right now. We're in a trouble. Okay bye."

He heaved a deep sigh.

"Si Ma'am Carlene?" I asked him kahit alam ko na ang sagot.

He nodded. "Yes," tipid niyang sagot. Pagod na muling sumandal si Deuce sa upuan.

Nakita ko papalapit 'yong isang kasama ng waitress. Nahihiya akong umiwas nang tingin sa kaba.

"Sir okay na po .May nagbayad na po ng bill niyo," imporma ng isang waitress habang nakangiti.

Nagkatinginan kami ni Deuce. Itinuro naman ng waitress 'yong nagbayad. Isang lalaking nakaupo malapit sa table namin na may kalakihan ang pangangatawan. Naka white polo shirt at jeans. May kasama rin siyang dalawa pang lalaki sa table nila. Parehas na nakawhite polo shirt din ang dalawang lalaki.

Wow. Sasayaw or uniform lang?

Tumayo ang lalaki na tinuro ng waitress at lumapit sa gawi namin. Nakatingin lamang ang dalawang naiwan.

"Sir, pwede niyo na raw pong gamitin ulit 'yong card niyo, sabi ng mommy mo." Magalang na wika ng lalaki.

Nakita ko ang pagtiim bagang ni Deuce. Hindi niya nagustuhan ang narinig. Tauhan ni Ma'am Carlene kung ganoon.

"Aahh. . . sino ka?" Hindi ko napigilang itanong out of curiosity.

Wow Thea! ang ayos ng pagkakatanong mo ah.

Napalabi naman ako nang marealize ang paraan ng pagkakatanong ko. Napakamot sa ulo iyong lalaki na kaharap namin.

"I'm sorry, Miss Thea. Kailangan ko na pong umalis. Si Ma'am Carlene na lang po ang tanungin niyo." Iyon lang ang sinabi at iniwan na kami ni Deuce. Bumalik ito sa mga kasamahan niya.

Kilala si Ma'am Carlene? Alam ko wala ng bodyguards si Deuce. Sino kaya sila?

Tahimik pa rin si Deuce. Pero ang itsura ay galit. Hindi siya umiimik pero nagtitimpi.

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon