3rd POV
HINDI mapakali si Deuce while driving his car. Thea's Nurse called him to informed him that she is finally awake!
It's been six months. He's excited to see her again.
He was annoyed because his investor meetings actually coincided with the site when Thea woke up. He wants Thea to see him first when she wakes up. But looked what happened right now, he was not beside her when she woke up.
"Thea. . ." It's almost a whisper. His heart is pounding too fast.
Parang hindi siya makapaniwala na gising na ito. Tanya was sitting on the edge of her bed while Granny was on the chair sitting beside her.
Tumayo si Granny para hayaang makalapit si Deuce sa kanyang apo. Tanya did the same.
She glanced at him. Pero agad ding nag-iwas nang tingin si Thea kay Deuce. Napansin niya ang malamlam na mata ni Thea.
"G-usto ko nang magpahinga, please."
"Ate?"
"P-lease, inaantok na ako."
Suddenly he stopped approaching her when she spoke without reaction, her voice was cold and she didn't seem to want to be seen.
The excitement on his face, slowly disappeared. He looked puzzled by her reaction. What happened? May kailangan ba siyang malaman?
Tumingin sa kanya si Tanya at nag-sorry. Tinanguan lang ito ni Deuce na naiintindihan niya.
Inalalayan ni Tanya ang kanyang kapatid na maayos itong makahiga.
Hinila ni Dave si Deuce palabas ng kwarto ni Thea. His eyes are still glued on Thea.
His eyebrows furrowed.
"What happened Dave?"
"You can asked her Doctor." Agad na sagot ni Dave base sa itsura niya na naguguluhan.
Hindi siya nagdalawang isip at pinuntahan ang Doctor ni Thea.
"She can still walk pero matatagalan iyon Deuce. It's a long process before she'll be able to walk again. She will need your full support and patience on her while she's having a therapy."
He heavily sighed after he heard what the Doctor said to him. This break his heart into pieces. Now he understand her cold treatment on him.
Bumalik muli si Deuce sa silid ni Thea. Nakatulog na ito. Matagal niya itong hinintay tapos ganito ang mangyayari.
"Kuya Deuce, ayos ka lang?" tanong ni Tanya sa kanya habang nanlulumo siyang nakatingin kay Thea.
Lahat ng excitement niya ay napalitan nang lungkot. Kaya ba hindi masaya si Thea na makita siya?
He nodded. He sat on the edge of Thea's bed and held her hand. Masuyo niya iyong hinalikan.
"I'm s-orry Kuya sa inasal ni Ate kanina. Hindi niya matanggap ang nangyari. Sinisisi niya rin ang sarili niya kung bakit nangyari 'yong aksidente."
"I understand, Tanya."
"Bigyan lang natin siya ng time, Kuya. Hindi pa naman siya magaling kaya normal lang naman na maramdaman niya ang ganun."
"Don't worry. I'll make sure na makakalakad ulit si Thea."
"Salamat, Kuya. Alam ko na nasasaktan ka dahil ang tagal mong hinintay na magising si Ate tapos ganito ang nangyayari ngayon. Ibang-iba si Ate ngayon. Kahit kami ni Lola ay nahihirapan din sa kanya ngayon."
He felt even heavier by what he heard. Sana naro'n siya kanina pagkagising ni Thea.
ARAW-ARAW ay gano'n ang eksena sa hospital tuwing naro'n si Deuce. Doon na nga siya tumira halos no'ng wala pa'ng malay si Thea pero dahil sa reaksyon nito na parang ayaw siyang makita ay napilitan siyang umuwi na lamang sa bahay at bumibisita na lamang doon.
"Ayoko," malamig na saad ni Thea nang inaabot ni Deuce ang prutas sa kanya para kainin.
"Hindi ka pa kumakain love—"
"Deuce, pwede ba?" naiiritang saad ni Thea sa kanya. "Umuwi ka na. Andito naman sina Daddy, sila ang magbabantay sa 'kin."
"Are you still mad at me?"
Nangilid ang luha ni Thea. Her voice begin to cracked too. "No. Ayoko lang na nandito ka kasi naaawa ka sa 'kin. Hayaan mo na lang ako dito."
Napangiti si Deuce nang mapait. Bakit ibang-iba ang Thea na kaharap niya sa Thea na kilala niya? He understand her pero hindi niya maiwasang masaktan.
He makes every effort to comprehend Thea. But every time she pushes him away, it only hurts him. He has his limits too.
He took a deep breath and tried to control his emotions.
"Hindi ako nandito dahil naaawa—"
"Guilty?" She cut him off by her sarcastic question.
Mabilis siyang tumayo. "I am not... 'Wag mo akong pag-isipan nang ganyan Thea." He composed himself. "I'll be back. Eat your food," lumabas ito ng silid na masama ang loob sa dalaga.
Nasundan na lang ng tingin ni Thea si Deuce na lumabas sa kanyang silid. Doon siya napaiyak.
"Ate..."
"Tanya, kung magsesermon ka lang sa 'kin, please 'wag mo nang ituloy."
"Hindi naman dapat gano'n ang trato mo kay Kuya Deuce. Siya ang nagbantay sa 'yo dito sa hospital ng wala ka pang malay. Mahal ka ng tao eh, kaya hindi mo siya kailangan saktan ng gano'n. Kung nakita mo lang na dito na 'yon tumira para lang mabantayan ka," tuloy-tuloy na saad ni Tanya sa kanyang kapatid.
Hindi na siya nakatiis sa pagiging cold ng ate niya kay Deuce.
"Hindi ko hiningi na gawin niya 'yon!"
Pagak na napatawa si Tanya sa sagot ng kapatid. Ayaw niyang patulan ito dahil naiintindihan niya ang nararamdaman nito kaya gano'n na lamang ang reaksyon nitong ipinapakita. But this is too much. Nasasaktan siya para kay Deuce.
"Hindi mo nga hiniling, kaya sana ma-appreciate mo 'yong effort sa 'yo ni Kuya Deuce." Puno nang hinanakit na sagot ni Tanya bago ito lumabas. Naiwang mag-isa si Thea at napaiyak.
Mayamaya ay pumasok ang kanyang Nurse na si Derex. Hindi niya ito pinansin nang batiin siya ng binata.
"Miss Thea, are you okay?"
Hindi siya nagsalita. Hindi niya rin tiningnan ang nurse.
"Inumin niyo na po ang gamot niyo."
"Iwan mo na diyan." Malamig niyang sabi.
"Hindi po maari."
Pagalit niyang kinuha ang gamot sa kamay nito at ininom ang inaabot na gamot. "Okay na. Umalis ka na. Pakipatay na rin ng TV. Ayaw ko ng maingay."
BINABASA MO ANG
He's My Boss
Storie d'amoreThea lost her job, so she accepted the job that was offered to her without asking for further details. She was surprised when she found out that it was her rude customer at the coffee shop that would be her boss, Deuce. What would happen if they wor...
