Deuce"DOES daddy know what you did?Pinapabantayan mo ako sa isang babae?Damn it! This is frustrating." Naiinis kong tanong kay mommy habang nakatayo ako sa harap niya at nakapamaywang.
I can't believe it. I never imagined na gagawin ito sa 'kin ni mommy. I'm still enjoying my life. I'm so fucked up. Dalawa lang kaming magkapatid ni kuya Marcus at ako ang bunso.
My older brother, Marcus, is managing our business. Ang daddy namin ay nagtatrabaho pa rin naman pero marami kaming business at kailangan nang tulong ko pero dahil hindi ko gusto ang tumutok sa business, kaya si kuya ang tumutulong kay daddy.
Pero gusto na ni kuya na magsettle down kaya pinipilit na nila ako ngayon na magmanage dahil si kuya ang magmamanage ng business ng kanyang magiging asawa.
"Alam ng daddy mo ang tungkol sa desisyon ko, Deuce. Kung sana ay pinakinggan mo lang kami ng daddy mo noon pa, we will not end up doing this to you. Marcus wants to settle down and he needs you right now. Pero ni isang business natin ay ayaw mo man lang hawakan."
Umupo ako sa single couch at napahilamos ng mukha out of frustration. Hindi ko talaga gusto ang ideyang ito ni mommy.
Maganda si Thea, pero mataray. Noong una ko pa lang siya nakita sa coffee shop ay napansin ko na agad ang maganda niyang mukha. Busy kasi ito sa ginagawa niyang pakikipagtext kay hindi ako napansin na nakakatingin na ako sa kaniya kaya nabangga ako. Pero doon pa lang sa coffee shop ay mataray na siya. Hindi man lang naging mabait sa'kin kahit alam niyang customer ako. Ni hindi man lang umobra ang karisma ko sa kaniya. Parang wala akong dating sa kaniya. Siguradong mahihirapan ako sa kanyang tumakas. Mukhang hindi magpapatalo.
We'll see kung hanggang kailan siya tatagal sa'kin at kung hanggang kailan siya magiging mataray.
"I just don't get it. Bakit pati ang pera ko ay sa kanya mo ipapahawak? What if, she's a thief?"
I am hopeless and totally a mess.
"She's not like that, Deuce. I will not hire her kung hindi siya karadapat-dapat sa trabahong ito." Makahulugang ngumiti sa 'kin si mommy.
I don't like being controlled by someone. I do what I want to do. And this idea is really making me frustrated.
"As I've told you, nasa iyo naman iyon Deuce. Be nice to her."
***
THEA
'Di ko naman sinasadya mapakinggan ang usapan ni Ma'am Carlene at Deuce kanina.
P'wede naming pag-usapan ito ni Deuce para mabilis agad namin matapos ang kontrata. 'Yon ay kung makikipag-cooperate ang mayabang na iyon. Pero sa paraan pa lang nang pakikipag-usap niya sa mommy niya na masungit, mukhang matatagalan pa bago magiging maayos ang trabaho ko.
Naisip kong maging mabait na lang sa kanya. Besides, he's my boss. Kaya kailangan ako ang magpakumbaba. Ako na ang gagawa ng first move para magkaayos kaming dalawa. Mukhang mahihirapan lang ako, pero wala akong choice dahil pinirmahan ko ang kontrata. Wala nman akong pambayad kay ma'am Carlene para makaalis sa trabaho kong 'to. Kaya nga ako napunta rito dahil kailangan ko ng pera.
Naiinis ako sa katangahan ko. Bakit kasi pumirma agad ako nang hindi man lang nagbabasa? Akala ko naman kasi karaniwang mga rules lang nilagay ni Ma'am Carlen do'n sa kontrata. Madami talaga ang napapahamak sa maling akala.
I heaved a deep sigh. Kung sana kasi ay binasa ko muna, hindi ako magtitiyaga ngayon dito.
Kapag ito magiging salbahe pa rin sa akin kahit magiging mabait na ako sa kanya, naku... papatulan ko talaga siya kahit boss ko siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/302833026-288-k742334.jpg)
BINABASA MO ANG
He's My Boss
RomantizmThea lost her job, so she accepted the job that was offered to her without asking for further details. She was surprised when she found out that it was her rude customer at the coffee shop that would be her boss, Deuce. What would happen if they wor...