Chapter 13

110 2 0
                                    

THEA

"Excuse me?" malanding wika ng babaeng kaharap ko. Halos wala ng itakip ang telang suot-suot niya sa katawan sa hapit at ikli ng suot.

Nahiya pa siyang maghubad sa suot niya.

Plastic naman akong ngumiti sa kanya. "Yes, Miss? Can I help you?"

Nagpalinga-linga ito at parang may hinahanap. "Is this the office of my boyfriend?" Itinukod nito ang dalawang kamay at malanding ipinakita talaga ang kurba ng maliit niyang pwet.

Ang sarap tabigin ng kamay para matumba.

"Sinong boyfriend Miss?" plastic ko pa ring tanong. Tsk... tanungan ba ako ng boyfriend niya?

"Deuce-- Deuce De Silva. Sabi sa akin ng bago niyang secretary ay dito ang office niya-- but he's not here. Who are you by the way? What are you doing in my boyfriend's office?" umayos siya nang pagkakatayo at malanding lumakad papuntang couch at prenteng umupo.

Pansamantala akong nagulat sa sinabi ng babae. Sa pagkakatanda ko, wala namang nababanggit na girlfriend si Deuce. Halos mag-aapat na buwan na ako sa trabaho ko pero ni minsan ay wala namang pumupunta rito sa office or sa bahay or kahit doon sa bar. Ngayon lang may nagpunta rito.

Hmmm...Tumatakas pa ba si Deuce para makapaglandi? Mas maganda pa ako sa kanya.

Naisip ko baka isa sa mga fling ni Deuce. Nakaramdam ako nang inis na pinatulan ito ni Deuce, mukha kasi kung kani-kanino pumapatol itong babae. Though, maganda siya at sexy. Makinis ang maputing balat, halatang mayaman.

Ang galing naman ni Deuce, nakalusot pa sa akin. Naku, 'pag nalaman na naman ito ni Ma'am Carlene, hindi na naman ako makakauwi sa amin. Pababantayan niya ito sa akin kahit rest day ko. Nagiging maluwag na nga si Ma'am Carlene sa amin, eh.

Hinahayaan na niyang umaalis si Deuce kapag rest day ko kung saan niya gusto basta hindi out of town. Mukhang babalik na naman ba kami sa umpisa na pahirapan mag-rest day dahil kailangan nakabuntot ako kay Deuce buong linggo.

Napangiwi ako sa naisip. Lagot talaga sa akin si Deuce.

"I'm sorry Miss, kausap lang ni Deuce si Dave." saad ko sa babae.

Sinundan ko siya nang tingin habang nakaupo. Ang mga mata niya ay umiikot sa kabuuan ng office habang tumatango.

Bumalik ang tingin niya at tumaas ang kilay sa akin. "Deuce? tinatawag mo lang silang Deuce and Dave? Who are you? Bakit first name basis lang ang tawag mo sa boyfriend ko? I haven't met you before. Akala ko kasi, empleyado ka niya rito."

"Ahm . . . I'm Thea his-"

Naputol ang sasabihin ko nang bigla namang bumukas ang pintuan at pumasok na maingay sina Deuce at Dave.

Biglang natigil ang masayang pag-uusap ng dalawa nang makita ang babaeng nasa couch.

"What are you doing here?" naiiritang tanong ni Deuce pagkakita sa babae.

Huh? boyfriend pala ah... mukhang ayaw ka nga siyang makita ni Deuce. Agad tumayo at dali-daling lumambitin 'yong babae kay Deuce at hinalikan agad sa labi.

Nagulat ako sa ginawa niya. Parang nanuyo bigla ang lalamunan ko. Parang ang sarap sabunutan ng babae sa ginawa niya. Bakit affected ako? Napalunok ako ng wala sa oras. Naninikip ang dibdib ko sa nasaksihan.

Bakit ako magseselos? Mas maganda naman ako sa kanya.

"Hi baby, I miss you!" malambing nitong saad kay Deuce.

Hi, baby... I miss you... Miss you mo mukha mo! Mukha kang unggoy na nakalambitin diyan!

Tinanggal naman agad ni Deuce ang kamay nito sa pagkakayakap sa kanya at nilayo ang babae nang makahuma sa pagkabigla sa ginawa ng babae sa kanya. Hindi na maipinta ang mukha ni Deuce.

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon