Part 3.

517 107 8
                                    

Masarap ang simoy ng hangin at maaliwalas ang isang lugar na kung saan ay masayang nilalaro ng isang bata ang kanyang alagang kuneho sa loob ng kanilang bakuran.
Ang kanilang bakuran ay puno ng mga ibat ibang halamang namumulaklak kaya naman ay maraming mga paro parong umaaligid sa naggagandahang bulaklak.
Ang batang ito sa edad na limang taong gulang ay abala ito sa paglalaro sa paborito niyang alaga.
Ang Red Fire Rabbit.
Bagamat ito ay ordinaryong hayop lamang pero hindi mailap sa itinuturing niyang amo.
Naghahabulan ang dalawa sa loob ng bakuran at hindi sinasadyang nakalabas ang kanyang alagang rabbit sa bakuran at patungo ito sa likuran ng kanilang bahay.

Ang batang ito ay si Cain Matte.
Hinahabol niya ang kanyang alagang rabbit dahil nakalusot ito sa bakurang kahoy na gawa ng kanyang ama.
Kabilinbilinan din nito sa kanya na huwag lalayo ng bahay.
Ang kanyang ama ay abala sa pag aayos ng kanilang pananim sa bukirin ilang metro lamang ang layo mula sa bahay nila.
Ang kanyang ina naman ay abala ito sa gawaing bahay kaya naman ay hinayaan na lamang maglaro ang kanyang anak sa alaga nitong rabbit.
Alam na rin niya na hindi ito lalayo kaya naman ay panatag ang kanyang loob.
Hindi siya mag alala pa rito.

Mabilis ang takbo ng Red Fire Rabbit at nakalusot ito sa siwang ng kahoy na bakuran.
Agad naman ito sinundan ni Cain dahil papasok ito sa butas ng bakuran nila.
"Pula,saan ka pupunta?"
"Bumalik ka dito!"
Sigaw ni Cain dahil nawala na ito sa kanyang paningin.
"Naku,lagot ako nito kay ama at ina!"
"Paano ito ngayon?"
Ito lamang ang nasabi niya habang nakatingin sa bakurang pinasukan ng kanyang alagang rabbit.
Hindi sa natatakot siya subalit sinabihan siya ng kanyang ama na huwag lalayo sa tahanan nila.
Pero dahil sa kuryusidad at bata pa si Cain ay sinundan pa rin niya ang kanyang alagang rabbit sa likuran ng bakuran nila.
Ang likuran ng bakuran nila ay madamong lugar at malapit ito sa bahaging kagubatan.
Tanging mga elder o di kaya ay kagaya ng kanyang ama ang may lakas na loob upang pasukin ang gubat na ito.

Bagamat nasa bukana pa lamang ng gubat si Cain upang hanapin ang kanyang alagang rabbit.
Ang gubat na ito ay isa sa malaking gubat sa Aleman Village.
Wala siyang gaanong alam kung ano ang pangalan ng gubat na ito.
Lingid sa kaalaman ni Cain,ang gubat na ito ay tinatawag nilang "Frost Forest",
Ang Frost Forest ay madawag,at kakaiba ang mga punongkahoy dito.
Maging ang mga halaman ay nakitaan ng ibang anyo at hugis
Masyadong malamig sa loob ng gubat dahil sa kalahating bahagi nito ay mayroong mga nyibe o yelong lugar.
Narating na ni Cain ang Frost Forest pero hindi pa rin niya nakikita ang alaga niyang rabbit na si pula.
Malayo na ang kanyang narating at hindi man lang siya nakaramdam ng anumang panganib.
Marami din siyang narinig na mayroong mga vicious beast sa kagubatang ito pero hindi niya ito pinagtutuunan ng pansin dahil sa bata pa ito.

Samantala isang nilalang ang nananatiling nakasubaybay sa bawat hakbang at kilos ni Cain.
Habang sinusundan niya ito ay mayroon siyang napansin sa bata.
"Mmmm,walang Power Stone?"
Ito lamang ang nasambit niya.
Nakaramdam siya ng awa sa batang ito at isa ito sa kanyang likas na maawain.
Matagal na siya namuhay sa mundong ito na puno ng hindi pantay ang tingin sa mahihirap kagaya sa pamilya ng batang ito.
Ilang daang libo na siya na nanirahan sa gubat na ito at halos kabisado na niya ang bawat sulok nito.
Maraming mga mabangis at malakas na vicious beast dito pero takot ang mga ito pag naramdaman nila ang kanyang presensya.
Kahit nakalabas ang kanyang presensya ay balewala ito kay Cain dahil isa lamang siyang ordinaryong nilalang.

Patuloy ang paglalakad ni Cain hanggang sa nakita niya si pula na mayroon itong sinisinghot at paikot ikot ito.
"Pula,narito ka lang pala!"
"Pinagod mo ako ha?"
"Di mo ba alam na pagagalitan ako ni ama at ina nito pag nalaman na narito tayo sa gubat?"
"Tiyak na hinahanap na nila tayo ngayon!"
"Tara na umuwi na tayo!"
Sabi ni Cain sabay buhat dito kay pula subalit nagpumiglas ito at tumakbo sa unahan.
"Pula,hintay saan ka pupunta!"
Sigaw ni Cain habang hinahabol niya ito.
Agad naman niya ito nakita.
"Hay,naku Pula pinagod mo ako!"
Sabi ni Cain at hinihingal siya sa sobrang pagod.
Akmang kukunin na sana niya si Pula ay mayroong siyang napansin sa isang punongkahoy na katabi ni Pula.
Hindi niya ito agad nakita dahil sa hinihingal siya sa katatakbo upang habulin ito.

Ang nakita ni Cain sa punongkahoy ay isang matanda na nakasandal sa punongkahoy at sugatan ito.
Ito ang nilalang na sumunod kanina kay Cain at nagbalatkayo ito upang subukan ang kakayahan ni Cain.
Dahil sa nakita ni Cain ay agad nakaramdam siya ng awa dito.
"Tatang,maayos lang po ba kayo?"
"Ano po ang nangyari at sugatan Po kayo?"
Tanong ni Cain dito pero wala siyang narinig na sagot dito kaya nag aalala si Cain.
Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin.
"Kung narito lamang si Ina magagamot ka niya tatang!"
"Ano ang gagawin ko Pula?"
Tanong nito sa alagang rabbit niya.
"Eeekk,eeekk!"
Ito ang tanging tugon nito na hindi naman niya maiintindihan.
Tumakbo ito at pumunta sa madamong bahaging lugar.
Hindi na ito pinigilan ni Cain dahil hindi niya maaaring iwanan ang matanda dahil sa kalagayan nito.
"Ano na lang kaya kung dalhin ko ito sa bahay namin?"
Tanong ni Cain sa kanyang isipan.
Pero napagtanto niya na mahihirapan siyang dahil ito dahil una ay masyado siyang maliit at hindi niya ito kayang buhatin.
Pangalawa pagalitan siya dahil sa umalis siya na hindi nag paalam.

Nasa ganung pagiisip si Cain ng biglang dumating si Pula na mayroong itong tangay sa kanyang bibig.
Agad naman ito nilapitan ni Cain upang kunin kung ano ito.

Sinipat niya ito at isa itong halaman na matulis ang hugis
Malamig sa balat ng hawakan niya ito.
Napatingin siya kay pula kung ano ang gagawin niya sa halamang ito.
Tiningnan din niya si tatang na wala pa ring malay.
Parang mayroong nagudyok sa kanya upang lapitan ito.
Lumapit siya dito at nakita niya ang mga ilang sugat sa mga paa at katawan nito.
Tila na nawala siya sa kanyang sarili at kusang gumala ang kanyang mga kamay.
"Ano nangyari?"
Tanong niya sa kanyang sarili.
Ang matulis na dahon ay inisa isa niyang tanggalin ito sa tangkay at inilapat ito sa mga sugat ni tatang.
Nagtataka man siya ay itinuloy pa rin niya ang paglagay ng mga dahon sa parteng mayroong sugat.
Ilang minuto ang lumipas at natapos niya itong lagyan ng mga dahon sa lahat ng sugat nito.

Samantala ay natapos na rin ni Aling Maita ang kanyang gawaing bahay at magtatanghali na.
Darating na ang kanyang asawa mula sa bukirin.
Lumabas siya ng bahay upang tawagin ang kanyang anak.
Alam niya na abala ito sa paglalaro sa kanyang alagang rabbit.
Sa kanyang paglabas ay hindi niya makita ang kanyang anak.
Nilibot niya ang buong paligid at hindi niya talaga makita ito.
Dito na siya nakaramdam ng kaba.
"Cain,anak !"
Sigaw nito.
Sa kanyang pagsigaw ay naabutan siya nito ng kanyang asawa na si Mang Cayen.
Nakarating na ito sa kanilang tahanan dahil tanghali na
"Maita!"
"Ano nangyari?!"
"Nasaan si Cain?!"
Tanong nito sa kanya.
Napalingon siya sa kanyang asawa.
"Cayen,hindi ko alam kanina narito lamang siya habang kalaro nito ang kanyang alagang rabbit!"
Inikot ko na ang buong paligid ay hindi ko makita kung nasaan siya!"
Doon na nag umpisang humagulhol ang ina ni Cain.
Hindi nila alam kung nasaan na ito.
Niyakap naman ito ni Mang Cayen upang pahupain ang loob ng kanyang asawa na kahit siya ay nag aalala din kung saan pumunta ang kanyang anak.
Ito ang unang beses na lumayo ito sa kanilang tahanan.

Divinely HealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon