Sinimulan na nga ang pagkontruksyon ng pagpapatayong mga gusali.
Masigasig at tuloy tuloy ang galaw ng bawat trabahador.
Ang Ina naman ni Cain ang nagsasaayos sa pagpapakain sa mga trabahador habang ilan sa kanilang mamamayan ay tumulong na din lalo na ang mga kalalakihan.
Ang mga kabataan naman ay patuloy sa kanilang pagsasanay sa isang di kaliitang gusali na kung saan ay sinisikap nilang maging isang ganap na cultivator.
Ilang araw na ang lumipas matapos maibigay sa kanila ang Breakthrough Healing Pills.
Sampung kabataan lamang ang nabigyan ng pills na ito dahil na rin sa kanilang edad.
Isa pa isang top tier ang pills na ito kaya delikado ito sa kabataang mahina ang pundasyon ng kanilang katawan at baka hindi kakayanin ang magiging epekto nito.
Sa sampung kabataan na ito ay alam ni Cain na isa o higit pa sa inaasahan niya ang magkaroon ng magandang resulta.
Syempre maraming mga magulang ang natutuwa sapagkat hindi sila habang buhay na magiging mahina at sa hinaharap ay maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili at ito ay makikita nila sa kanilang mga anak.Noon ay pinoproblema nila kung paano maging isang cultivator gayong wala silang kakayahan.
Lalot bawat isa sa kanila ay walang Power Stone na matatagpuan ito sa loob ng kanilang katawan na makikita naman ito sa puso nila.
At kapag nagkaroon o napuno ito ng enerhiya sa pamamagitan ng pagninilaynilay at syempre ang pinak mabisa ay ang paggamit ng kayamanan.
At ito nga ay ang pills na makakatulong sa pagpapabilis ng kanilang lakas.
Binigyan sila ng sapat na araw upang isagawa ang kanilang pagsasanay upang subukang maging isang ganap na cultivator.
At ang sampung kabataang ito ay kasalukyang kaharap ni Cain sa bulwagan ng Blue Moon Hall.
Kasama nito ang kanilang mga magulang.
Wala ang ama ni Cain kaya siya ang nakaupo nito sa malaking upuan.
Nakaharap siya sa sampung kabataan na mayroong tatlong kasing edad niya.
At ang natirang pito ay hindi baba sa edad na sampung taong gulang.
Ang sampung kabataang ito ay nagbigay galang kay Cain.
Pagkatapos ay pinaupo ito ni Cain sa mga upuang nakalaan para sa kanila.
Habang ang mga magulang nito ay nasa likuran nila.Sa buong bulwagan ng Blue Moon Hall ay walang sinumang gumawa ng kahit anung ingay.
Tahimik at tila pinakiramdaman nila ang bawat isa.
Gayunpaman ay binasag ni Cain ang katahimikang ito.
Bahagya itong tumayo upang makuha niya ang atensyon ng mga kabataang kagaya niya.
Hindi man niya ito naging kaibigan pero kilala niya ang mga ito kahit sa maikling panahon mula ng nakarating sila sa lugar na ito kasama ang kanyang ama at ina mula sa malayong paglalakbay.
"Kaya ko kayo ipinatawag upang malaman ko kung mayroong pagbabago sa inyo!"
"Naramdaman ko na mayroong pagbabago dahil sa inyong pisikal na anyo!"
"At upang makumpirma ko ito at kailangan isa sa inyo ay ipalabas ang kakayahang ito!"
Matapos na masabi ito ni Cain at inisa isa niyang tingnan ang mga ito.
At bago siya bumalik sa kanyang pagkaupo.
Isang binata o maituturing na ngang binata ito sa edad na labinglima kagaya ni Cain ang pumunta sa malawak na espasyo sa gitna at sinabi nitong siya ang unang magpalabas ng kanyang kakayahan.
Ang binatang ito ay si Marco Toralba.
Mayroong itim at maalon alon na buhok na binagayan ng mata niyang maitim din.
Kahit ganito ang kanyang anyo ay makikita mo sa kanya ang pagkamahinahong tao.
Hindi ito nagsayang ng oras at agad ito umupo sa sahig na nakalutos ang kanyang paa.
Ipinikit nito ang kanyang mata at sinimulan ng padaluyin ang kanyang enerhiya sa buong katawan.Si Marco Toralba at ang kanyang pamilya ay isa lang ding mga oradinaryon angkan o clan.
Namuhay ang pamilyang ito na ayon sa kung ano ang alam nila.
Hindi sila cultivator kaya ang kakayahan nila basura para iba.
Kahit ganito ang katayuan nila sa buhay ay masaya sila kung ano ang mayroon at tanggap nila ito.
Nagbago lang ang kanilang pamumuhay simula ng dumating ang pamilyang Matte.
At ito nga ay sina Cain.
Naramdaman ni Cain ang pagkaipon ng enerhiya sa loob ng katawan ni Marco.
Sa ngayon ay nagliliwanag ang kabuuang katawan nito at nakikita niya ang malapit ng mabuo ang isang bagay malapit sa puso nito.
Nagsama sama ang mga ito hanggang sa nagkaroon ito ng bilog na hugis.
Lumipas pa ang ilang minuto at nabuo na nga ang bagay na ito sa ilalim ng kanyang puso at matibay itong nakakabit sa mga ugat na dinaluyan ng kanyang dugo.
Subalit kahit nabuo ang kanyang power stone ay hindi pa ito nagkaroon ng senyales upang maging ganap na cultivator.
Kailangan mapuno ang sisidlan ng kanyang power stone upang maipalabas ang kapangyarihan at kung ano ang kakayahan nito.Mula sa kinaroroonan ni Cain ay naramdaman niyang nahihirapan si Marco upang ipalabas ang kanyang kakayahan.
Ikinumpas ni Cain ang kanyang kamay paturo kay Marco at isang di nakikitang liwanag ang lumabas dito.
Pumasok ito sa loob ng katawan ni Marco.
Naramdaman naman ito ni Marco na mayroong nagbago sa kanya.
Ipinagpatuloy lamang niya ang kanyang ginagawa.
Naramdaman niyang napuno ang kanyang power stone.
"Aaahhh!!"
Sigaw ni Marco Toralba at nakakasilaw na liwanag ang sumabog sa loob ng bulwagan.
Ang siyam na kabataan kasama ang kanilang mga magulang pati na rin ang ina ni Marco ay napatakip ng kanilang mga mata.
Hindi sumama ang ama ni Marco dahil tumulong ito sa mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.
Habang si Cain ay balewala lamang sa kanyang ang nakakasilaw na liwanag mula kay Marco.
Nang mawala ang nakakasilaw na liwanag ay naramdaman ng lahat ang kakaibang awra mula kay Marco.
Naramdaman ito ng lahat.
Isa na ngang ganap na cultivator si Marco Toralba at mayroong dalawang bituin na makikita sa kanyang kaloob looban.
Ang bituing ito ang basehan ng kanyang kakayahan at kapangyarihan.Matapos ang proseso kay Marco ay ganap na siyang cultivator.
Pero hindi pa ito nagtatapos at kailangan pa nito ipagpatuloy ang pagpapalabas ng kanyang awra upang malaman kung ano ang kanyang ranggo at abilidad.
Nananatiling nakaupo si Marco at ipinapatuloy pagpalakas ng kanyang enerhiya.
"Ting!"
"You obtain this power!"
_you unlock to become a summoner!"
_now you are a Bronze Rank level 1.
"You have a special power,,
_a great master summoner (Lock)?"
Ito lamang ang narinig ni Marco dahil nagliwanag ang isa niyang bituin na kulay asul ito.
Unti unting nawala na ang kanyang enerhiya at awra at bumalik na ito sa normal niyang anyo.
Inimulat niya ang kanyang mata at nakaramdam siya ng pagbabago sa kanya.
Pagkatapos ay tumayo ito at yumukod sa harapan ni Cain.
"Nagtagumpay ka!"
"Masaya ako sa iyong narating Marco,at mapalakas ka pa dahil hindi ordinaryo bilang isang summoner!"
"Ang kapangyarihang taglay mo ngayon ay pinapangarap ng sinumang cultivator at bihira lamang makikita saang panig ng kaharian!"
"Binabati kita bilang kauna unahang cultivator ng ating village!"
"Humayo at magsanay pa!"
Ito ang mga salitang binitawan ni Cain para kay Marco Toralba.
Nagpasalamat ito ng lubos kay Cain at mabilis ito lumapit sa kanyang ina.
Niyakap naman siya nito habang umiiyak sa saya.
Ang tagpong ito ay hindi nakaligtas sa tingin ni Cain at mayroon siyang naalala.
Ang alaalang naging bahagi ng kanyang paglaki.
At dadalhin niya ang alaalang ito sa kanyang paglalakbay sa hinaharap.
BINABASA MO ANG
Divinely Healer
AventuraGinawa ang mundo para sa bawat nilalang para mamuhay ng payapa. Maraming mundo ang nilikha at marami ding mga may buhay ang nakatira upang pamunuan ang teritoryo nila. Simula pa lamang ay may mga nilalang na nilikha na mayroong taglay na kakayahan a...