Sa lungsod ng Soddoma ay napakaingay dahil sa daming mga tao ang narito.
Bukod sa naglalakihang mga gusali ay dinagdagan pa ito ng mga nagtitinda sa gilid ng kalsada.
May mga pahintulot naman ang mga ito sa kanilang paghahanap buhay.
Yabag ng mga kabayo ang kanilang narinig sa maingay na kalsada upang sila ay magsitigil at tingnan kung ano ang nangyayari.
At doon nga ay nakita nila ang hukbong sandatahan patungo sa isang direksyon.
Hindi nila ang kung ano ang pakay nila sa lugar na iyon at ang alam nila ay mayroong bagong tayong village doon.
At ito ang Blueberry Village.
Marami din ang nakagulat sa balitang ito at ang ilang ay gustong makita kung ano ang mayroon sa village na ito.
Mabilis ang takbo ng mga kabayo at parang hangin din itong nawala sa paningin ng mga tao.
Nang mawala sa paningin nila ay mayroon ding isang grupo ang biglang lumitaw gamit ang de kalidad na uri ng mga kabayo.
Halos nasa isandaan ang bilang ng mga ito.
At patungo din ito sa iisang lugar na kung saan ay patungo din doon ang sandatang hukbo.
Ang huling grupo na ito ay mga tauhan at kawal ng gobernador ng lungsod ng Soddoma.
Marami ang nagtataka dahil iisa ang daang tinatahak nito.
Gayunpaman ay ikinabalikat lamang ng ilang dito.
Bagkus ay ipinukos na lamang nila ang mga bagay sa iba.Sa mga oras na ito ay nakarating na ang hukbong sandatahan sa Blueberry Village at mas lalong ikinagulat nilang lahat dahil ito ang tumambad sa kanilang paningin.
Ang buong lugar ay napapaligiran ng mataas na pader na gawa sa matibay na kahoy.
Sa tarangkahan nito ay mayroong malaking karatula na Blueberry Village.
May nakita silang dalawang bantay at mas lalo sila napatawa dahil sa walang silbing bantay ang nabungaran nila.
"Ha ha ha,ano ang mayroon sa lugar na ito at tila basura ang ating nakita!"
"Kunsabagay huli nating nakita ay wala namang nagbago at iisa lamang ang mangyari!"
Ang nagsalita ay ito ang punong kumandante ng hukbong sandatahan.
Hindi nila kasama ang mga heneral dahil mayroong itong pagsasanay kaya sila ang inatasan upang alamin ang nangyayari sa lugar na ito.
At tila totoo nga ang impormasyong nalaman nila.
Agad inutusan ng kumandante ang ilang tauhan nito na kausapin ang dalawang bantay upang makapasok sila sa loob.Ang punong kumandante ay nananatili sa kanyang kabayong sinasakyan habang katabi nito ang tatlong cultivator na tahimik at tila pinag aralan ang buong paligid.
Sa likuran nila ang ilang hukbo na hinihintay ang hudyat ng kanilang pinuno.
Matapos ang ilang pag uusap at tila hindi maganda ang kanilang pinag usapan at mabilis ito bumalik sa kanilang pinuno.
"Pinuno!, hindi tayo pinayagan pumasok sa loob at kailangan ipaalam muna ito sa kanilang Chief Village!"
Ito ang magalang na sabi ng isa sa hukbo na lalong ikinagalit ng punong kumandante.
"Ano?",alam ba nila ang kanilang ginagawa at kung sino ang kaharap nila?"
"Alis!"ako ang kausap sa basurang bantay ng village na ito!"
Mabilis ito bumaba sa kanyang kabayo at patungo ito sa tarangkahan na kung saan ay isa na lamang ang bantay dahil pumasok ang kasama nito upang ipaalam sa kanilang Chief Village na narito ang hukbong sandatahan.Ang isang bantay ay nakarating sa loob at nasabi na nito sa kanilang Chief Village ang nangyayari sa labas.
Mabilis ang kilos nila at papunta sila sa tarangkahan na kung saan ay sinundan nila ang bantay.
Naglalakad sila ngayon na nasa likuran nila ang kanilang miyembro habang si Cain ay katabi nito ang kanyang ama at ina.
Kasunod din si Elder Ben na ginagabayan ang mga kasama.
Samantala ay hindi na maganda ang nangyayari sa labas dahil ang punong kumandante ay sasaktan na sana ang bantay nito ng biglang bumkas ang tarangkahan at iniluwa nito ang isang bantay kanina.
Sa likuran nito ang maraming mamamayan sa harapan nila.
Pero isa lang ang napansin nila.
Ang tatlong nasa unahan na kampanteng nakatayo ng tuwid at bahagyang sinulyapan sila nito.
Sinenyasan nito ang dalawang bantay na pumasok sa loob.
Agad ito yumukod at mabilis pumasok sa loob at sumama sa umpukan ng kanilang kasama.Ang tatlong cultivator ay bumaba na rin sa sinasakyan nilang kabayo at sinamahan ang punong kumandante.
Mayroon silang nararamdaman sa tatlong nasa unahan.
Hindi lang nila matukoy kung ano ito.
Sa kanilang kalkulasyon ay parang isang pamilya ito.
Ang babae ay hindi katandaan na halos kaedad ang katabi nitong lalaki.
Habang may kasama silang isang binata at sa postura nito ay hindi ito ordinaryong binata.
Hindi nila maramdaman kung sila ay mga cultivator dahil kahit enerhiya sa kanilang katawan ay wala silang nadama.
Kaya nadesisyunan nilang tatlo na puntahan ito ng malapitan.
Agad sila tumabi sa punong kumandante.
Agad nagsalita ang punong kumandante na nakaharap sa ama at ina ni Cain.
"Marahil ay alam nyo na kung bakit kami narito dahil ito ay ayon sa isang kautusan ng nakakataas!"
"Higit sa lahat masyado kayong nakaakit sa mata ng nakakarami dahil sa ilang bagay na kailangan naming malaman!"
"Una,isa lamang kayo sa libo libong mamamayan ng kahariang ito na walang kakayanan subalit nasorpresa kami!"
"Pangalawa,saan kayo kumuha ng kayamanan upang makagawa ng ganitong pasilidad sa maikling panahon!"
"Pangatlo,gusto naming malaman kung sino ang namumuno sa lugar na ito at gayon na lamang kabilis ang pag unlad dito!"
Pagkatapos nito sabihin ay inilibot nito ang buong tingin sa paligid.
Tila magkakaroon ng tensyon sa magkabilang panig.
Dahil sa katanungan na pinaghandaan nila itong sagutin.Ilang minutong lumipas ang katahimikan ay humakbang si Chief Village Cayen Matte ang ama ni Cain.
Handa niyang sagutin ang mga ito hanggat walang manakit o gagawa ng hakbang na ayaw nilang mangyari.
Matikas niyang hinarap ang kumandante na sa tingin niya at kaedaran lamang niya ito.
Isang Platinum Rank na kagaya niya.
Humakbang siya ng ilang hakbang at yumukod muna ito upang magbigay galang.
Habang si Cain ay katabi nito ang kanyang Ina at alerto sila sa paligid.
Ang nasa likuran nila ay ang mga mamamayan ng Blueberry Village kasama si Elder Ben.
"Magandang araw sa inyo,at maligayang pagdating sa aming lugar!"
"Nais ko ipakilala ang aking sarili,ang inyong lingkod ang Chief Village ng Blueberry Village.
"Ako si Cayen Matte,mayroon ba kaming maililingkod sa inyo?"
"Mga panauhin?"
Ito ang bungad ng ama ni Cain sa punong kumandante na hindi niya inaalisan ng mata.
Bawat galaw at kilos nito ay hindi niya pinapalagpas ng kanyang mata.Ang punong kumandante ay bahagyang gumalaw at mapanghamak nitong tiningnan ang ama ni Cain.
Hinawakan nito ang kanyang labi at saka ibinuka ang bibig nito.
"Mmmm,Ikaw Ang Chief Village sa lugar na ito?"
"Hindi kapani paniwala na ang isang kagaya mo ay nangangarap din pala,ha ha ha!"
"Matapang ka at malakas ang iyong loob na pamunuan ang lugar na ito?"
"Masyado kang pangahas!"
"Iisa lang ang maaaring kahantungan mo!"
"Hulihin at ikulong upang sagutin ang itong malaking pagkakamali!"
Matapos nito sabihin ay sinenyasan ang mga tauhan nito upang hulihin ang ama ni Cain na hindi man lang pinagsalita sa kanyang harapan.
Mabilis ang kilos ng mga hukbo at agad tinutukan ng sandata ang kanyang ama.
Ang mga mamamayan ng Blueberry Village ay natakot sa mangyari at ang iba ay umatras ng ilang hakbang.
Nakita ni Cain ang ginawa sa kanyang ama ay agad siya kumilos.
Bigla siyang naglaho at lumitaw sa harapan ng kanyang ama.
Tinapik niya ng kanyang hintuturo ang mga sandatang nakatutok sa kanyang ama at biglang tumilapon ang mga hukbo sa harapan ng punong kumandante na labis nilang ikinagulat sa nakita.
Maging ang tatlong cultivator ay nagulat din dahil sa biglang paglitaw ng binatang ito.
Ito ang binatang nakita nila kanina na mayroon silang naramdamang kakaiba.
At tama nga ang hinala nila hindi mga ordinaryong tao ito.
Kagaya din nila na mga cultivator at itinago ang totoong lakas at kakayahan nito.
BINABASA MO ANG
Divinely Healer
AvontuurGinawa ang mundo para sa bawat nilalang para mamuhay ng payapa. Maraming mundo ang nilikha at marami ding mga may buhay ang nakatira upang pamunuan ang teritoryo nila. Simula pa lamang ay may mga nilalang na nilikha na mayroong taglay na kakayahan a...