Nagkaroon na ng tensyon sa Blueberry Village nang ito ay naabutan ng grupong sumunod sa hukbong sandatahan.
Nasaksihan nila ang pagtilapon ng mga hukbo sa isang pitik ng kamay lamang at galing ito sa isang binatang natanaw nila ilang metro ang layo sa kanilang kinaroroonan.
Kita sa mukha nila ang gulat.
Marami ang hindi makapagsalita sa kanilang nakita.
Ang punong kumandante at ang tatlong cultivator ay hindi parin nahimasmasan sa kanilang nakita.
Ang paglitaw ng isang binata sa kanilang harapan ay kagulat gulat.
Hindi nila ito inaasahan na mayroong ganitong nilalang.
Marami na silang naingkwentrong ibat ibang cultivator pero ngayon lang sila nakasagupa ng ganitong kakayahan na sa isang tapik ng hintuturo ay tumilapon ang kanyang mga tauhan.
Ang pangyayaring ito ay kagilas gilas at hindi kapani paniwala.Matapos tumilapon ang ilang tauhan ng hukbo ay agad pinaalis ni Cain ang kanyang ama upang samahan ang kanyang Ina na nasa likuran.
Hindi naman tumutol ang kanyang ama dahil alam niya na kaya ito ng kanyang anak na harapin ang maraming presensya sa harapan nila.
Pagkatapos ay binalingan ni Cain ang punong kumandante pati ang tatlong cultivator.
"Mmmm,hindi na masama sa isang kagaya mong Platinum Rank level 2,may kasama ka ding nasa Platinum Rank level 5 at isang mage habang ang dalawang ito ay nasa Gold Rank level 9 na isang Blacksmith at Mage!"
"Gayunpaman ay hayaan kung sagutin ang inyong mga katanungan sa aking ama na inyong hinamak ng harap harapan!"
"Namuhay kami ng maayos sa lugar na ito na walang inaagrabyadong tao at higit sa lahat wala kayong karapatan upang kwestyunin kung saan at paano lalo sa kayamanang sinasabi ninyo!"
"Ang mga kagaya ninyo ay masyadong nakulong sa paniniwalang dapat ay hindi umiiral sa kahariang ito subalit masyado ninyo ito sinusunod hanggang sa maraming buhay ang nagdusa at ipagdamot ang kalayaan ng bawat tao!"
"Ngayon sino sa atin ang may maling ginawa?"
Matapos nito sabihin ni Cain sa lahat ay marami ang hindi nakakibo at tila natulala sila sa bawat bigkas ng bibig nito.
Hindi rin sila makapaniwala na madali nitong matukoy kung ano ang kasalukuyang nilang antas na lakas at kakayahan.
Isa itong pambihirang talento.
Ang binatang nasa harapan nila ay isang halimaw sa kakayahan.Ang punong kumandante at ang tatlong cultivator ay hindi makahuma o makapagsalita man lang.
Masyado silang nahulog sa pagiisip kung sino ang binatang ito.
Masyadong matalino at misteryoso ang pagkatao nito.
Bumalik sa reyalidad ang punong kumandante ay matapang nitong hinarap si Cain.
"Ikaw!"
"Sino ka at bakit bigla ka lamang makialam sa mga bagay na ito!"
"Marami kang alam hindi namin matukoy ang iyong lakas!"
Ito ang sabi nito kay Cain.
Muli naman ito sinagot ni Cain
"Ako lang naman ang anak ng Chief Village na iyong hinamak!"
"Ngayon ay bibigyan ko kayo ng pagkakataon na lisanin ang lugar na ito at walang makukuhang anumang impormasyon!"
"Payapa at matiwasay kaming namuhay bilang isang mamamayan sa lungsod ng Soddoma!"
Ito ang pahayag ni Cain.
Kinumbinsi nito na lisanin ng sa gayon ay walang mangyayaring labanan.
Ito lamang ang tanging paraan na kahit alam nila ang susunod na mangyayari.
Ito ay makarating sa kinauukulan.
Sa kaharian ng Haram.Mula sa di kalayuan ay narinig ng pinuno ng kawal na mula sa gobernador at tila kumbinsido siya sa bawat sinabi ng binatang ito.
Walang mali sa ginawa nila at karapatan nila upang paunlarin ang kanilang lugar.
Pero ang mga bagay na ito ay gumugulo parin sa kanila.
Hindi sila makapasok sa loob dahil una ay hindi rin pinapasok ang hukbong sandatahan at nasa harapan lamang ito ng tarangkahan.
Kaya hindi nila makita ang nasa loob dahil sa sobrang taas ng pader na sadyang yari ito sa matibay na kahoy.
Hindi biro ang pagpapatayo nito dahil kailangan ng maraming kayamanan upang masaayos ito.
Hindi sila gumawa ng anumang hakbang at nagmasid lamang sila sa paligid.
Naramdaman nila na mayroong tatlong cultivator na kasama ang hukbong sandatahan at tanging kumandante ang narito.
Wala ang mga heneral.
At sa kanilang narinig ay madali matukoy o malaman kung ano ang antas na ranggo at kakayahan ng tatlong cultivator.
Isa itong pambihirang talento.
Kaya marami ang pumasok sa isipan nila na kung sino ang binatang ito.Ang punong kumandante ay hindi lubusan kumbinsido sa bawat sinasabi ni Cain ay sinenyasan nito ang tatlong cultivator na gumawa ng hakbang.
Pati ang mga tauhan nito ay sinabihan na pasukin ang loob ng Blueberry Village.
Agad sila kumilos upang sumugod.
Ang tatlong cultivator ay naglabas ng kanilang mga sandata at kumilos na din ito.
Sa kanilang hakbang ay hindi nagustuhan ni Cain at mabilis pa sa kidlat ang kanyang galaw.
Ikinumpas nito ang kanyang kamay at mayroong kumikislap na harang ang lumitaw sa kanyang harapan .
Dahil dito ay napaatras ang mga hukbo at kahit ang tatlong cultivator ay hindi makakilos.
Ang pinuno ng kawal na ipinadala ng gobernador ay nagitla sa nakita.
Halos lumaki ang kanilang mga mata.
Ang paglitaw ng isang harang na magprotekta sa isang nilalang ay malakas lamang na cultivator ang makakagawa nito.
Higit pa roon ay kakayahan din ito ng mga Mage.
Ibig sabihin ang binatang ito ay malakas na cultivator sa murang edad nito.
Pero sa kasalukuyan ay hindi nila matukoy kung anung ranggo ito.
Naguguluhan parin silang lahat.Ang harang sa harapan ni Cain ay halos mapantayan nito ang pader na sumasakop sa buong village.
Pagkamangha ang nakita nila sa ginawa ni Cain.
Ang ama at ina naman ni Cain ay magulo ang mukha dahil sa ipinakita na nito ng kanilang anak ang taglay nitong kapangyarihan.
Mas lalo naging komplikado ang sitwasyon sa oras na ito ay malaman sa buong Soddoma.
Hindi lang sa lungsod ng Soddoma ay maaaring makarating ito sa pamunuan ng sandatang hukbo, gobernador at sa kaharian.
Isa itong seryosong usapin.
Hindi na sila pwedeng umatras dahil nangyari na at kailangan lang nila protektahan ang mga sarili nila.
Kalmado at nananatili sa harapan ng harang si Cain.
Naghihintay ito ng susunod na hakbang sa mga taong nasa harapan niya.
Mula sa kalayuan ay natanaw din nito ang maraming kawal na hindi makalapit sa kinaroroonan nila.
Napasimangot na lamang si Cain dahil sa maraming kailangan niyang walisin.Blangko ang makikita sa mukha ng punong kumandante.
Hindi niya alam kung paano ito nangyari.
Hindi rin sila basta makapasok sa loob dahil sa harang na bigla na lamang lumitaw.
Ang binatang nasa harapan nila ay mabilis at kalmado ang bawat galaw nito.
Tila isa itong beteranong mandirigma.
Ang tatlong cultivator ay wala ding kibo dahil lalo sila nawindang dahil sa harang na ginawa ng binata.
Ang paggawa ng isang harang ay malaki ang kunsumo ng enerhiya subalit ang binatang ito ay hindi nila nakitaan ng alinmang enerhiya sa kanyang katawan.
Kaya naguguluhan sila kung paano niya ito nagawa.
At iisa lang ang pumasok sa tatlo.
Marahil ay mayroon itong bagay sa kanyang katawan upang itago ang totoo nitong kapangyarihan.
Hindi rin nila maramdaman kung ano ang ranggo nito.
Naging madilim ang kanilang mga mukha at kailangan ay mayroon silang hakbang na gagawin.
Kailangan nila alamin kung sino ang binatang ito at ano pa ang kakayahang kaya nitong ipakita.
BINABASA MO ANG
Divinely Healer
AdventureGinawa ang mundo para sa bawat nilalang para mamuhay ng payapa. Maraming mundo ang nilikha at marami ding mga may buhay ang nakatira upang pamunuan ang teritoryo nila. Simula pa lamang ay may mga nilalang na nilikha na mayroong taglay na kakayahan a...