Chapter 24.

375 76 8
                                        

Ang pagtatayo ng isang paaralan ay hindi ito basta usapin at gawin ng madali lamang.
Maraming aspeto ang isaalang alang upang magawa ito.
Madali lamang mahanap ang lugar kung saan ito pwedeng itayo.
Kahit may pahintulot ito ng kataastaasan ay walang magiging problema.
Pondo. Ito ang pangunahing kailangan upang maitayo ang isang proyekto ng maayos na walang magiging palpak sa huli.
Malaking bagay ang mga materyales na gagamitin upang maayos ito
Guro,kailangan ito upang matupad at mabigyan ng sapat na kaalaman ang sinumang gustong matuto.
Mga aklat o libro na mas kailangan ito para sa mga estudyanteng papasok sa loob ng paaralan.
At ang panghuli ang pagpapasweldo sa mga guro.
Madali lamang maakit kung sapat ito at kung ano ang makukuha nilang benepisyo.
Kung kinakailangan ng isang kompetisyon ay pwedeng gawin ito upang malaman kung sino ang karapat dapat sa kanila.

Dahil sa desisyon ni Cain na kahit mayroong komplikado ay hindi na niya ito isuko.
Naalala niya ang huling sinabi sa kanya ni Lolo Jose ang magpabago sa pananaw ng bawat nilalang sa mundong ito.
Gayunpaman ay hindi ito naging madali dahil sa marami pa rin ang hindi maniniwala at hindi ito basta sasangayon sa kanyang mga hangarin.
Ang buong Blueberry Village ay halos kasing laki ito ng lungsod ng Soddoma.
Dahil sa sinakop nila ang halos kalahati sa mga kagubatan na kinatatakutan ng lahat pero ngayon ay malinis na ito at tanging mga puno ng blueberry ang nakatayo.
Malawak ang espasyo dito at ito ang magiging plano ni Cain.
Dito niya itayo ang kauna-unahang paaaralan sa kaharian ng Haram.
Magtalaga siya ng mga trabahador upang magawa sa lalong madaling panahon.
Magpapakalap din siya sa ibat ibang bahagi ng kaharian ng Haram bilang magiging guro.
Kailangan niya ng mga guro na may kakayahang kakaiba upang maturuan ng maayos ang magiging estudyante nito.
Syempre hindi mawawala ang magiging benepisyo niya dito.
Kailangan lamang magbayad ng kabayarang dapat para mga magiging kagamitan ng isang estudyante.
Maraming mga mayayamang angkan sa kahariang ito at ito ang pagkakataon nila upang paunlarin at hasain ang talento ng kanilang mga anak na magiging pinuno sa susunod na henerasyon.

Nabuo na ang desisyon ni Cain ay agad niya ito isinangguni sa kanyang mga magulang at sa limang Elder.
Isa itong seryosong usapin na hindi basta balewalain.
Hindi pwedeng basta lamang gawin kundi ang planuhing mabuti.
Dahil makakaapekto ito sa hinaharap nila.
Nang matapos ang pamimigay ng mga pills sa kabataan ay agad isinangguni ni Cain ang kanyang plano.
Sinabi niya nito na magtayo siya ng paaralan at ang lokasyon ay ang likurang bahagi ng Blueberry Forest.
Masasabing sobrang linis ang kalahating lupain nito at mayroon na itong mataas na pader.
Pero hindi pa nasakop ang pinakadulo nito dahil sa masyado na itong malayo mula sa kinaroroonan nila.
Gayunpaman ay nagtalaga pa rin siya ng mga ilang bantay doon.
Hindi maglaon ay sakupin nila ang dulo nito hanggang sa makita nila kung anung village o bayan ang nasa dulong bahagi nito.
Pwede nilang gawing entrance ang pinakadulo nito para mas madali makarating ang nasa malalayong lugar.
At dahil sa plano ni Cain ay nagkaroon ng komplikado sa hitsura ng kanyang ama.
Alam niya ito na hindi biro ang kanyang plano pero ito ang gusto niyang mangyari.
Ang pagbabago.

Matapos ang isang araw na nangyari ang pamamahagi niya ng kayamanan ng libre sa kanyang magiging estudyante sa hinaharap,at plano niya ukol sa pagpapatayo ng paaralan ay hindi agad ito insprubahan ng kanyang ama.
Pero binigyan siya nito ng sapat na araw dahil pag uusapan pa nila ito ng kanilang elder at  ang  kanyang Ina.
Naunawaan naman ito ni Cain,dahil masyado niyang ginulat ang kanyang ama sa usaping ito.
Ngayon ang kailangan niyang gawin ay maglikom ng mga kayamanan upang mabuo ang kanyang mga plano.
Agad siya nagpaalam sa kanyang ama at umakyat na siya sa kanyang silid na kung saan ay iisang gusali lang ito dahil na ikalawang palapag lamang siya ng Blue Moon Hall.
Sa kanyang pag akyat ay agad siya pumasok sa Dimensions of Immortal God.
Pagkatapos niya kontrolin ito at ang markang tatsulok ay humiwalay sa kanyang katawan.
Nagkaroon ng lagusan sa kanyang harapan at agad siya pumasok sa loob.
At sa kanyang pagpasok ay isang malawak at masaganang enerhiya sa paligid ang bumungad sa kanya.
Ang lugar na ito ay sobrang layo ang hitsura sa lugar a pinanggalingan niya.
Agad niya pinuntahan ang bundok na mayroong butas at nakatabing dito ang Sadness Immortal Vines Vorvourine Flower.
Hinawi niya ito at saka pumasok sa loob.
Wala pa ring pagbabago sa loob.
Biglang gumalaw ang spatial bag ni Cain.
At isang nilalang na kulay pula ang lumukso sa kanyang harapan.

Ang Fire Rabbit (Pula),ay naging tahanan niya ang spatial bag ni Cain.
Sa loob ng ilang buwan ay bihira lamang niya ito pinapalabas.
Pero ngayon ay kusa itong lumabas ng di niya ginawa.
Bagamat nagtataka ito ay hinayaan lamang niya ito.
Si pula ay maliksing gumalaw at paikot ikot ito sa kanyang harapan.
Di nagtagal ay bigla itong lumabas sa butas na pinasukan ni Cain.
Dali Dali itong tinawag ni Cain dahil baka mawala ito dito sa loob.
"Pula,pula!"
"Saan ka pupunta!"
Ito ang tawag ni Cain pero hindi niya ito nahabol dahil nawala na ito sa kanyang paningin.
Alama niya na malawak ang Dimensions of Immortal God dahil sa hindi pa niya ito lubusan naikot.
Isa pa hindi pa niya alam kung ano ang mayroon dito bukod sa lugar na lagi niya pinuntahan.
Gaya ng bundok na ito.
Hindi siya nag aalala kay Pula alam niya na matalino ang kanyang alaga.
Marahil ay naiinip ito sa loob kaya ito lumabas.
Napabuntunghininga lamang si Cain bago bigyan ng huling sulyap sa mataas na damuhan kung saan doon nawala sa paningin niya si Pula.
Bumalik na lang siya sa loob upang mangolekta ng mga kayamanan.

Dahil masyadong misteryoso ang bundok na ito at hindi alam ni Cain kung ano ang pangalan nito kaya naisipan niya na bigyan ito ng pangalan at mayroong siyang naisip para rito.
Tinawag niyang "Treasured Mountain!"dahil sa kayamanang nasa loob nito.
Sa kanyang pagpabalik at pagpasok dito ay nagtataka siya dahil sa bukod sa makapal ang enerhiya dito.
Mga tanawing nakakaakit ay hindi siya nakaramdam kung mayroon bang nilalang na nakatira dito bukod sa kanya at kay Pula.
Hindi niya naramdaman kung may mga hayop ba ito o wala.
Nakikita nman niya ang mga punong kahoy,mga nagtataasang halaman,kapatagan may mga ilog din.
Sadyang maganda ang lugar na ito at tila nasa ibang mundo ka.
Naisip din niya na babalik si Pula at marahil ay gusto lang nito libutin ang lugar dahil sa bago ito sa kanyang paningin.
Hinayaan niya ito at nakatuon ang kanyang atensyon sa mga kayamanang kailangan niyang kolektahin para sa kanyang mga plano.

Divinely HealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon