Chapter 21.

477 93 11
                                        

Sa kabila ng mga pangyayari ay patuloy ang buhay sa loob at labas ng Blueberry Village.
Naging masigasig si Cain sa pagtuturo sa mga kabataang kagaya niya.
Ilan sa mga narito ay may angking kakayahan subalit hindi pa nila ito masyadong napag aralan at kung paano ito makontrol.
Marahil ay kulang sa kaalaman kaya hindi nila ito napagtuunan ng pansin.
Mas binigyan nila ng prayoridad ang ikinabubuhay at mga pangangailangan sa bawat araw.
Lahat na ito ay naramdaman at naunawaan ni Cain dahil dito din siya nagsimula.
Nagpatuloy ang buhay ng mga mamamayan sa loob man at labas ng Blueberry Village.
Ang bawat isa ay determinadong matuto sa bago nilang gawain sa araw araw na lalo nila ito ikaunlad para sa sarili ng lahat.
Ang pagbabagong hakbang sa Blueberry Village hindi rin naging madali upang matutunan ang lahat.
Kailangan din nito maglaan ng sapat na oras at pag aralan.
Halos sa lahat na narito ay kulang sa kaalaman at higit sa lahat ay hindi pa nila natutuklasan ang angkin nilang kakayahan.

Ang mga pagbabago sa Blueberry Village ay lalong naging mabilis kumalat sa buong lungsod ng Soddoma.
Hindi rin ito nakaligtas sa karatig lungsod at marami ang gustong makita at marating ang kinaroroonan nito.
Marami pang mga lungsod ang nasasakupan sa kaharian ng Haram.
Pero isa lamang ang lungsod ng Soddoma ang kilala dahil dito din mismo makikita ang Haram;The Great Palace!"
Libo libong mga kawal ang araw araw na nagbabantay sa loob at labas ng palasyo.
Dahil bawat lungsod ay pinamumunuan ito ng mga gobernador at hukbong sandatahan naman ang nasa palasyo.
At bilang Hari o Reyna man ng alinmang kaharian ay hindi mawawala ang mga ministro,at ilang pinagkatiwalaan tao.
Isa na rin dito ang Oracle/orakulo.
At gaya nga makikita ang bilog na kristal sa bulwagan ng palasyo.
At hindi mawawala ang mga mensahero dahil ito ang maghahatid upang iulat ang mensahe na nais iparating.
At gaya nga sa nangyari sa araw na ito habang mayroong pagpupulong ang mahal na Hari kasama ang ilang ministro ay bigla na lamang humangos patakbo ang mensahero at inabot nito sa kanyang kamay ng Hari ang nakarolyong papel.
Agad naman ito dinaluhan at ibinigay sa mahal na Hari.
Mabilis tumalilis ng alis ang mensahero matapos maabot ang kanyang pakay.

Sa loob pa rin ng Haram;The Great Palace ay ibinaba niti ang nakarolyong papel at inilapag sa lamesang nasa harapan niya.
Tinanaw niya ang higit kumulang isangdaang ministro sa kanyang harapan at napailing lamang ito.
Hindi man siya maniniwala ay kailangan niya alamin kung ito ay totoo o hindi.
Magsasalita sana ang hari ay bigla na lamang umilaw ang bolang kristal sa harapan nila.
Mabilis tumakbo ang Oracle/orakulo at nilapitan ito.
Sumunod naman ang hari.
Nagliliwanag ito hanggang sa malinaw na nilang nakikita ang  nilalang sa loob.
Isang binata na kasalukuyang nasa isang kagubatan.
Nag iisip sila kung sino at ano ang ginagawa ng isang binata na nasa masukal na kagubatan.
Alam din nila na isa ang kagubatang ito ay nasasakupan ng kanilang kaharian.
At mayroon silang ideya kung ano ang ginagawa ng binatang ito.
Ito ay magsasanay at tila isa itong mandirigma dahil sa kilos at panngangatawan nito.
Nagkaroon pa ng mga ilang anggulo silang nakikita pero tila naging madamot sa kanila dahil walang senyales upang magsanay ang binatang ito.
Bagkus ay sinusuri nito ang mga bawat punongkahoy,halaman,damo at mga ilang halamang namumulaklak.
Sa ilang minutong lumipas ay biglang nawala ang tanawing nakikita nila sa bolang kristal.
Ang ganitong senaryo ay nangyari na rin sa apat pang kaharian at iisa lang ang tumatak sa isipan nila.
Sino ang binatang ito.

Samantala sa kabila ng pinagpipiyestahan si Cain sa bolang kristal ay hindi niya ito alam.
Patuloy lamang si Cain sa pagkolekta ng mga halamang medisinal upang gawin niyang gamot.
Pag aralan niya kung paano gumawa at matuto ng sa gayon ay mapapakinabangan ito sa hinaharap.
Ang Blueberry Forest ay isa mainam at masaganang yamang kalikasan.
Subalit sa kabila nito ay mapanganib ang lugar na ito.
Dalawang bagay ang mga panganib na maaaring maingkwentro ng cultivator at ordinaryong angkan.
Ito ang mga assassin na ginawang pugad nila ang kagubatang ito.
At ang isa ay mga delikadong vicious beast na naninirahan dito.
Kaya kinatatakutan nila ang kagubatang ito.
Para kay Cain ay normal lamang at wala siyang naramdamang kakaiba habang binaybay ang daan papasok pa sa loob ng gubat.
Hindi niya iniisip ang panganib o anumang bagay na maaaring mangyari.
Matapos niya kolektahin ang sapat na kanyang kakailanganin ay agad nilisan ang kagubatan.

Sa isang pribadong silid ay makikita ang isang binata na pinapawisan dahil sa pagkontrol niya ng apoy mula sa cauldron.
Ang mga kagamitang ito ay kanyang nakuha sa loob ng Dimensions of  Immortal God.
Napag isipan niyang gumawa ng kakaibang gamot upang mabuksan ang kakayahan at talento ng kaedaran niyang kabataan.
Sa ganitong paraan ay magkakaroon ng mga cultivator sa lugar nila.
Alam niya na hindi ito naging madali dahil kinakailang ng power stone ang isang nilalang ng sa gayon ay mabilis lamang magising ang kakayahan at kapangyarihan nito.
Isa itong mahirap na paraan pero gagawin niya ang lahat upang mabuo ito.
Maraming mga impormasyon ang pumasok sa kanyang mga isipan at halos kabisado na niya ito.
Nasa kanyang harapan ang lahat na mga sangkat upang makabuo siya ng kakaibang gamot para sa kanyang mga pinaplano.
Maraming oras ang kanyang kailangan ng sa gayon ay magiging maganda ang kalidad na produktong mabuo niya.
Balak din niya itong ipagbili upang makatulong sa kanilang pangangailangan.

Sa edad na labing limang taong gulang ay nakaya na niyang kontrolin ang isa sa mga artifact.
At ito ang Dimensions of Immortal God.
Itinuon ni Cain ang kanyang enerhiya sa katawan upang kontrolin ito.
At  nakalipas na minuto ang unti unting humiwalay sa kanyang dibdib ang isang marka at patungo ito sa kanyang harapan.
Nais niya sa loob ng Dimensions of Immortal God gumawa ng kakaibang gamot dahil sa malakas at maganda ang lugar na ito.
Puno ng makapal na enerhiya upang mapabilis ang proseso sa kanyang gagawin.
Isang saglit ay tuluyan ng humiwalay ang marka sa kanyang dibdib at nakalutang ito sa kanyang harapan.
Lumaki ito na tila isang pintuang pabilog at umaalon alon ang puting liwanag sa gitna nito.
Hindi na nagsayang ng oras si Cain at agad pumasok sa loob.
Dinala niya ang lahat na kanyang kailangan at nawala sa isang kisap mata ang kanyang katawan sa loob.
Nagasara ito at nawala.
Sa loob ng kwarto ay isang tahimik at malinis dahil sa wala na ang presensya ni Cain matapos itong pumasok sa loob ng Dimensions of Immortal God.

Divinely HealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon