Ang kadiliman na bumalot sa buong kaharian ng Alkamia ay nagsimula ng kumalat ang liwanag.
Sasalubong ang umaga sa panibagong araw sa bawat nilalang na narito.
Hudyat na rin upang gumising si Cain sa mahabang pagtulog nito dala ang hindi makakalimutang panaginip.
Bumangon siya dahil naramdaman niya na tumatagos ang sikat ng araw sa siwang ng kawayang bintana nila.
Hindi niya naramdaman ang kanyang ama at ina marahil ay nasa kusina ito upang maghanda ng almusal.
Tumayo na siya at lumabas ng kwarto.
Sa kanyang paglabas ay nakita niyang mahimbing pa rin natutulog si Pula sa mahabang upuang yari sa pinagputulan na malaking puno.
Ito ay gawa ng kanyang ama.
Kahit ang kanilang munting tahanan ay ang kanyang ama ang gumawa nito katulong syempre ang kanyang Ina.Sa bandang kusina naman ay abala si Aling Maita sa paghahanda ng almusal at naramdaman niya na gising ang kanyang anak.
Si Mang Cayen naman ay nasa likurang bahagi na bahay ay pinapakain nito ang alaga nilang mga hayop.
Nang matapos nito mapakain lahat ay pumasok na ito sa kusina upang mag almusal at humanda na rin upang gumayak patungo sa bukirin na kung saan ay naroon ang kanilang mga pananim ng mga gulay at prutas.
Sa kanyang pagpasok at tanging asawa lamang nito ang nakikita.
Wala pa ang kanilang anak kaya naman ay patungo na ito sa kwarto pero nasalubong niya ito.
"O anak gising ka na pala,hali kana at mag almusal!"
Paanyaya nito sa kanyang anak
"Ama,ano nangyari kagabi?"
Tanong nito habang patungo sila sa maliit nilang kusina.
"Wala naman anak,maayos naman habang doon kami ng iyong ina natulog sa iyong kwarto!"
"Sinamahan ka namin baka may mangyayari na naman sa iyo!"
Ito ang paliwanag nito sa kanyang anak na sinangayunan naman ng kanyang asawa at umupo na silang tatlo upang kumain.Samantala sa isang malaking kubol at kakaiba ito sa mga tahanang nakapaligid ay maraming mga indibidwal ang nasa loob at tila mayroong silang mahahalagang bagay na pinaguusapan.
Ito ang tanggapan bulwagan ng Chief Village Elder.
Nakatanggap kasi sila ng isang balita tungkol sa kumakalat na balitang mayroong batang hinahanap ang kaharian ng Majiha.
Masyadong malayo ang kaharian ng Majiha pero nakarating agad sa kanila ang balitang ito.
At malaking ng pabuya kung sino man ang makakita sa batang ito na mayroong larawang ipinakita.
Kahit sila ay walang ideya kung saan nila ito matagpuan.
Sa dami ba namang pamilyang narito makikilala ba nila ito.
Gayunpaman ay hindi ito hadlang upang mahanap nila ito dahil ito lamang ang tanging paraan upang umangat ang lugar nila at makilala ito.Wala silang kamalay malay na ang hinahanap nila ay narito lamang sa lugar nila at ayon sa larawang iginuhit ng dalubhasang mangguguhit ay malinaw nilang makikita kung ano ang buong itsura nito at edad nito.
Sa loob pa rin ng bulwagan ng Chief Village Elder ay nakaupo siya sa isang katamtamang laki na upuan.
Habang ang kapwa niya elder ay nakapalibot sa kanya at hinihintay nito kung ano ang desisyon.
Siya si Chief Village Elder Ben Kuri.
Sa edad na limamput siyam na taon ay bakas pa rin sa mukha nito ang kalakasan bilang isang Platinum Rank level 5.
Isang alchemist na mayroong ranggo na Master at dalawang bituin ang nakalagay sa medalyon nito.
Lubos siyang iginagalang at nirerespito ng nakakarami.
Napabuntunghinga lamang ito.
Pagkatapos ay mariing ibinuka ang bibig nito upang magsalita.
"Ito ay mahigpit na ipinaguutos ng kaharian na galugarin ang buong nasasakupan natin upang hanapin ang batang ito!"
"Malaking pabuya at nakalaan at higit sa lahat ay makilala ang ating angkan sa publiko!"
"Hindi ito naging madali para sa inyo pero hindi kayo pwedeng sumuko!"
"At sakali na wala man dito sa ating lugar ay isa lamang itong malaking kawalan sa atin!"
Ito ang paliwanag sa kanila ni Chief Village Elder Ben Kuri.
Marami pa rin ang hindi sumangayon sa kadahilanang malabo na narito ang batang tinutukoy nila.
Sa kadahilanang halos kilala na nila ang mga pamilyang nakatira dito maliban sa malalayong lugar pero sakop pa rin ito ng kanilang village.Ang senaryong ito ay nangyari sa ibat ibang bahagi ng kaharian.
Sa siyudad man,bayan at maliit na village ay ganito ang nangyayari.
Ang pangyayaring ito ay hindi nakaligtas sa pamilyang Matte.
Nagtataka sila kung bakit mayroong isang batang lalaki ang hinahanap ng bawat kaharian.
Dahil dito ay bumaba si Aling Maita upang alamin kung sino ang batang tinutukoy nila.
Sakto naman na marami silang naaning gulay at prutas,saka mga halamang gamot na kailangan ng kanilang Chief Village.
Kaya naman ay naipasya niyang bumaba muna at ibenta ang mga ito.
Nakabalik na ang kanyang asawa at hinabilin nito si Cain dahil baba siya upang magbenta ng mga naani nila.
Agad naman ito sumangayon na kasalukuyang nilalaro ni Cain ang alaga niyang kuneho na si Pula.Mula sa di kalayuan ay natanaw ni Aling Maita ang ilang kabahayan at marami ang nakakilala dito sa kanya.
Isa na rin dito ang kumare niya na si kumareng Ditas na naging kumadrona pa ito sa kanyang panganganak.
Nang makita siya nito ay humangos ito papalapit sa kanya.
"Mareng Maita,mabuti at nandito ka tingnan mo kung ano ang nakalagay sa papel na ito!"
Matapos ay inabot nito sa kanya ang nakarolyong papel.
Marahang niyang binuksan nito at lalong lumaki ang kanyang mata ng makita niya ang isang larawan.
Pagkatapos ay tiningnan niya si mareng Ditas.
"Mare,anong nangyari bakit narito ang larawan na nakaguhit ang mukha ng aking anak?"
Ito ang tanong niya sa kumare niya na si mareng Ditas.
"Iyan nga din ang ipinagtataka ko mare,bukod sa akin ay wala na nakakita at nakilala kay Cain!"
"Nagkaroon ng pagpupulong sa bulwagan ng ating Chief Village Elder at ayon sa aking nasagap na impormasyon ay kailangan nila makita ang nakaguhit sa larawan ito ay ayon sa utos ng kaharian ng Majiha!"
"Mayroong malaking pabuya at makilala ang ating angkan at lugar sa publiko!"
Dahil sa paliwanag ng kanyang kumareng Ditas ay nasa panganib ang kanyang anak.
Ang dala niyang mga aning gulay at prutas ay inihabilin na lamang niya sa kanyang kumare.
Sumangayon naman ito at ihatid na lamang ang bayad nito.
Sinabi din ang halamang gamot ay ihahatid ito sa kanilang Chief Village Elder.Dahil sa kanyang nalaman mula sa kanyang kumareng Ditas ay mabilis ang mga paa nito pabalik sa kanilang tahanan.
Mabilis ang tibok ng kanyang puso habang ang hakbang ng kanyang mga paa ay hindi mabilang.
Malayo layo pa ang bahay nila mula sa ibaba ng kanilang village.
Sa mga oras na ito ay walang kamalay malay ang mag ama na mayroong panganib na paparating sa kanila.
Kampante ang dalawa habang abala ito sa kanilang ginagawa.
Hanggang sa mayroon siyang narinig na sigaw at napahinto si Mang Cayen sa kanyang ginagawa.
Gayundin si Cain na itinigil nito ang paglalaro sa paborito niyang alaga.
"Cayen,Cain anak!"
Ito ang sigaw nilang narinig mula sa bakuran at boses ito ng kanyang ina.
Mabilis ang kilos ng dalawa dahil sa hindi maganda ang boses nito.
Nakita nila itong patakbo sa kanila at humihingal na mayroong hawak na nakarolyong papel.
Hinihingal ito habang ipinaliwanag kung ano ang nangyayari.
Ibinuklat din nito ang nakarolyong papel at nakita nito ang larawang nakaguhit na kamukha ni Cain.
Nasa loob na sila ng kanilang tahanan at komplikado ang sitwasyon.
Hindi nila alam kung ano ang gagawin lalo nat nasa panganib ang kanilang anak.Ang lahat na ito ay naramdaman ng matandang nilalang.
Nasa panganib ang batang kanyang tagapagmana.
Mabilis ang naging kilos nito dahil sa mga oras na ito ay kumilos na ang ilang kalalakihan sa Aleman Village upang isa isahin ang mga bahay na mayroong batang lalaki na nasa edad na limangtaong gulang.
Kung tutuusin ay madali lamang ito makita dahil sa maliit lamang ang Aleman Village.
Subalit mayroon pa ring lugar na malayo sa patag at nasa bahaging kabundukan ito.
At isa na dito ang pamilyang Matte.
Sa loob ng tahanan ay komplikado pa rin ang mag asawa dahil nauubusan na sila ng oras.
Kung magtago sila saan naman sila pupunta.
Nasa ganoon silang posisyon ng bigla lamang mayroong lumitaw sa harapan nila na ikinagulat ng dalawa pero si Cain ay hindi.
"Tatang,muli tayong nagkita!"
"Kumusta na po ang sugat ninyo!"
Pagkatapos nito magtanong ay tumayo ito at niyakap ang matanda.
Tila natuod naman ang kanyang Ina at ama kung sino ang matandang ito na bigla lamang lumitaw.
Kahit ang kanilang anak ay natuwa ng makita ang matandang bigla na lamang lumitaw sa harapan nila.
BINABASA MO ANG
Divinely Healer
PertualanganGinawa ang mundo para sa bawat nilalang para mamuhay ng payapa. Maraming mundo ang nilikha at marami ding mga may buhay ang nakatira upang pamunuan ang teritoryo nila. Simula pa lamang ay may mga nilalang na nilikha na mayroong taglay na kakayahan a...