Ang pamilyang Matte ay payapang namuhay sa Frost Forest.
Mas lalo nila ganap na kilala si Lolo Jose dahil sa sadyang mabait at matulungin ito.
Mas lalong napalapit ito sa kanya si Cain kaysa sa mga magulang nito.
Maraming mga bagay na itinuro sa kanya ang matanda.
Sa loob ng maraming taon ang nakalipas ay isang ganap na makisig na binata si Cain sa edad na labinlimang taong gulang.
Ang kanyang antas na lakas ay higit sa sa inaasahan.
Maging ang mga magulang nito ay lalong naging matatag at malakas.
Sa loob ng sampung taon ang lumipas ay tila nakalimutan na ng lahat at paghahanap sa batang larawan na nakaguhit.
Sa loob na rin ng sampung taon ay nagkaroon ng pagbabago sa kalusugan ni Lolo Jose.
Hindi na ito ang dating malakas at matikas na matanda.
Ngayon ay nanghihina na ito at naramdaman nila na hindi ito magtatagal.
Kaya labis sila nag aalala para dito.Sa lumipas na sampung taon ay hindi pa lubusang kilala ng pamilyang Matte ang buong pagkatao ni Lolo Jose.
Marami na itong naitulong sa kanilang pamilya at hindi nila ito matumbasan ng anumang kayamanan.
Responsible itong sinasanay si Cain at kahit ang magsawang Cayen at Maita.
Hindi sila nakaligtas sa matinding pagsasanay.
Kahit nadagdagan ang kanilang edad ay hindi nababawasan ang kanilang lakas at kakayahan.
Gayundin si Cain na hindi ito mapantayan ng kanyang ama at ina sa tinataglay nitong kapangyarihan.
Sa edad niyang labinlimang taong gulang ay taglay na nito ang pagiging isang Profound Rank level 9 na isang hakbang na lang ay patungo na ito sa ranggong legends rank.
Isa na rin siyang expert healer ngayon na ang kanyang ama at ina naman ay parehong nasa intermediate healer.
Kahit ang ranggo ng dalawa ay nagbago bilang ganap na Platinum Rank level 5.
Lahat na limang elementong kapangyarihan ni Cain ay sinanay niya ito at maayos itong nagagamit.****"
Mula sa malayong lugar ay magulo at iba iba ang kanilang reaksyon dahil sa kanilang nakita.
Nataranta sila at natuliro.
Ito ang bagay na kinatatakutan ng lahat.
Ang bagay na magpapabagsak sa kanilang lahat.
Ilang libong taon na ang nakaraan sa biglang pagkawala ng kanilang pinuno.
Ang hari ng mga hari at ngayon ay unti unting nalulusaw ang liwanag sa batong buhay.
Marami ang nakaramdam ng panlulumo at pagkatakot kung sakali mamatay ang kanilang hari.
Alam ng lahat na kapag namatay ang kanilang hari ay mayroon itong tagapagmana at ito ang magpatuloy sa layunin nito.
Pero sa nakikita nito ay tila hindi pa nito natagpuan ang magiging tagapagmana nito.
Ang liwanag sa batong buhay na kapag naging itim ito ay hudyat na tuluyan ng namatay ang kanilang hari.
At sa loob ng isang oras at kapag hindi ito nagliwanag ulit at iisa lang ang ibig sabihin ng lahat.
Ang katapusan nila at tuluyang masakop ang mundo nila sa nagbabantang sasakop sa kanila.Mula naman sa mataas na trono ay nakaupo ang isang matandang may angking lakas parin sa kabila ng katandaan nito.
Hindi rin matukoy ang taglay nitong lakas kaya ito ang itinalaga maging pinuno ng kanilang kaharian.
Marami ang sumangayon at sakaling bumalik ang kanilang hari ay lubos niya itong bitawan ang posisyong ito.
Wala siyang kakayanan na pamunuan ang milyong milyong mamamayan na umaasa sa kanilang kaligtasan.
Humakbang ito upang tingnan ang batong buhay sa gitna na malawak na espasyo na halos lahat na naroon ay palibot itong nakatingin.
Inaabangan nila ang susunod na mangyayari dahil ang batong buhay ay unti unting naging itim ang liwanag nito.
Halos kalahati sa batong buhay ay liwanag na itim ang nakabalot at nilalabanan nito ang liwanag na puti.
Naging seryoso ang mukha sa komplikadong nakikita niya.Sa loob ng nakalipas na araw ay hindi na nakayanan ni Lolo Jose ang kumilos ay nanghihina siya.
Nakaramdam siya ng matinding pagkaubos ng kanyang enerhiya.
Hindi naman nagpabaya ang ama at ina ni Cain at inalagaan nila ito.
Nakaratay na ito sa isang higaan dahil sa hindi na nito kayang ikilos ang buong katawan.
Ito ang oras na inaalala ng mag asawa.
Maging si Cain ay nakaramdam ng paninibugho sa sinapit na itinuturing niyang lolo.
Ito ang tumtayong guro niya sa lahat ng bagay.
Lumapit siya sa higaan nito at pinagmasdan ang mukhang unti unting namumutla na tila nauubos ang dugo nito.
Nasa likuran niya ang kanyang ama at ina.
"Lolo,huwag nyo kaming iwan,magpalakas po kayo at libutin pa natin ang mundo!"
"Gagaling pa po kayo db?!"
Ito ang garalgal na boses ang lumalabas sa bibig ni Cain habang pumapatak ang mga luha nito.
Hinayaan niyang lumandas ang kanyang luha sa pisngi.
Hindi rin mapigilan na umiyak ang ama at ina ni Cain.
Hindi nila makakayang makita sa ganitong kalagayan si Lolo Jose na naging bahagi ng kanilang buhay.Sa mga oras na ito ay nararamdaman ni Lolo Jose ang kanyang bituin ay unti unting nawawala ang mga liwanag.
At bago ito mawala ay dapat mayroon siyang gagawin upang makompleto ang kanyang hangarin.
Ang ipasa sa karapat dapat niyang tagapagmana at pamunuan ang buong kalawakan.
Idinilat niya ang kanyang mata dahil naramdaman niya ang presensya ni Cain na nakaupo sa kanyang higaan.
Umiiyak ito habang kinakausap siya.
Nakaramdam siya ng galak sa puso dahil sa loob ng ilang libong taon ay ngayon lang siya nakaramdam ng mga taong pinapahalagahan siya at minahal.
Na ito ay hindi niya natagpuan sa sarili niyang mundo.
Makapangyarihan sila subalit at pagmamahal at pagpapahalaga ay hindi niya ito naramdaman.
Sadyang magkaiba nga ang mga mortal at immortal.
Mas nangingibabaw ang emosyong mayroon ang mortal kaysa sa immortal na lakas at prinsipyo ang pinapairal.Patuloy parin umiiyak si Cain.
Hindi niya maiintindihan ang naramdaman sa mga oras na ito at tila mayroong kulang sa kanya.
"Cain!"
Ito ang tinig na narinig ni Cain at ito ay mula sa kanyang Lolo Jose.
Napatingin siya dito at nakita niyang gising ito.
"Lolo,gising na po kayo?"
Ito ang masayang bungad ni Cain.
Pinalapit pa siya nito upang makausap siya ng maayos.
"Cain,making kang mabuti!"
"Malakas kana sa kasalukuyan pero hindi pa ito sapat!"
"Magsanay kang mabuti at makinig sa iyong mga magulang!"
"Hindi na ako magtatagal sa mundong ito pero ikaw ang nag iisa kong kayamanan na magpabago sa pananaw ng bawat nilalang sa buong mundong sinasakupan ng kalawakan!"
"Ikaw ang aking tagapagmana sa mundo ng Galaxia!"
"Ang mundong Galaxia ay ilang bilyon ang layo mula sa mundong inyong ginagalawan!"
"Doon ako nagmula aking apo, ipagpaumanhin at ngayon ko lang sinabi kong saan ako nagmula!"
"Malalaman mo ang lahat lahat kapag Ikaw ay maglakbay at tuklasin ang hiwaga sa paligid!"
"Naway pagpalain ka!"
Pagkatapos nitong sabihin ay lumuwag na ang mga kamay nito at tuluyan ng ipinikit ang mga mata.Ang buong paligid sa Frost Forest ay tila nakisabay sa pagdalamhati.
Nagkaroon ng pagbabago sa paligid.
Ang dating makulay at puno ng mga nyebe at bigla na lang natunaw at natuyot.
Maging ang mga punongkahoy ay namatay at hindi pinalagpas ang mga halaman.
Tila naging katakot takot itong lugar.
Ang malayelong lawak nito ay naging disyerto.
Sa pagbabagong ito ay hindi alam ng pamilyang Matte.
Nasa loob parin sila ng kuweba.
Hindi nila iniiwan ang labi ni Lolo Jose.
Nanatiling blanko ang isip ni Cain.
Ilang minuto ang lumipas ay nagkaroon ng pagbabago sa katawan ni Lolo Jose.
Nagkaroon ito ng puti at gintong liwanag habang nawawala ang katawan nito mula paa patungo sa kanyang tiyan.
Doon na gumalaw at kumilos si Cain.
Nalilito siya sa kanyang mga nakita.
Maging ang kanyang ama at ina ay hindi alam ang gagawin.
Ang puti at gintong liwanag ay unti unting pumapasok sa loob ng katawan ni Cain.
Naging marahas ito at naramdaman ni Cain ang sobrang sakit sa loob.
Tila napupunit ang mga kaloob looban niya pati ang kanyang kaluluwa.
Nagkaroon na rin siya ng mga dugo sa ilong na nagsimulang tumulo upang siya ay mapaluhod sa sahig.
Ang mag asawa naman ay hindi alam ang gagawin dahil nakikita nilang unti unting nawawala na ang katawan ni Lolo Jose habang si Cain ay halos mangisay na sa sahig sa sobrang sakit na kayang nararamdaman.
Tuluyan ng nawala ang katawan ni Lolo Jose at natapos na din ang pagsalin nito ng kanyang buong kapangyarihan kay Cain.
Pagkatapos nito ay nawalan na ng malay si Cain at agad ito dinaluhan ng kanyang ama at ina.
BINABASA MO ANG
Divinely Healer
AventuraGinawa ang mundo para sa bawat nilalang para mamuhay ng payapa. Maraming mundo ang nilikha at marami ding mga may buhay ang nakatira upang pamunuan ang teritoryo nila. Simula pa lamang ay may mga nilalang na nilikha na mayroong taglay na kakayahan a...