Part 1:

1.3K 110 5
                                    

OBUS:
Ito ang planetang nasa ilalim ng pamumuno ng lower realm
Isa lamang itong maliit na planeta na mayroong dalawang kontinente.
Ang kontinente ng Draco  at kontinente ng Drago.
Sa planetang Obus,ang kontinenting Drago ang ay pinakamalaki at malawak ng lupain.
Samantala ang kontinenting Draco ay maliit subalit kung ihahambing ito sa lakas at taglay ng mga nilalang na naninirahan dito ay walang pwedeng pumantay dito.
Likas sa kanila ang isinilang na taglay ang pambihirang kapangyarihan.
Samantala sa kontinenteng Drago ay kailangan pa nilang magsanay at palakasin ang bawat pamilyang kinabibilangan nila.
Ang karahasan ay hindi mawawala kahit saang sulok ng mundo at ito ang nangyayari sa dalawang kontinente.

Ang kontinenteng Drago ay mayroong limang kaharian.
Ito ang Majiha, Bluko, Arama, Haram at ang Alkamia.
Sa bawat kaharian ay mayroong mga orakulo/oracle na kung saan ang kakayahang ito ay makikita ang mangyayari sa hinaharap.
Ang kakayahang ito ay mahalaga sa bawat kaharian upang malaman nila magiging banta sa kanila.
Kaya naman ay binigyan nila ng halaga ito.
At isa na dito ang kaharian ng Majiha
Isa lamang sa ito sa itinuturing nilang malakas na kaharian dahil sa taglay ng kakayahan ng bawat mamamayan na naninirahan dito.
Kakayahan ng kalikasan at elemento.
Ilang libong taon na rin ang nakalipas simula ng maitayo ang kaharian na ito at tanging isa sa prinsesa ang pumalit sa kanyang namayapang ama.

Ang dating hari sa kahariang ito at taglay ang manipulahin ang kalikasan  at elemento ng hangin na taglay ngayon ng kasalukuyang Reyna.
Ang kakayahang ito ay hindi makikita sa ibang kaharian.
Ang sumunod na kaharian ay ang kaharian ng Bluko.
Isa sa pangalawang kaharian na may taglay ng lakas at liksi ng katawan.
Dito rin makikita ang mga magagaling na panday na may kakayahang gumawa ng ibat ibang uri na mga sandata/armaments.
Kaya naman ang karatig nila kaharian ay dumadayo pa dito upang bumili ng mga sandata upang pangproteksyon.
Ang kasalukuyang Hari nito ay taglay ang pagiging Blacksmith.
Sa pakikipaglaban sa ibat ibang uri ng sandata ay dito siya magaling.

Kaharian ng Arama.
Isa sa pangatlong kaharian na magaling sa larangan ng mga depensa.
Kaya dito din makikita ang mga formation master at grandmaster na kasalukuyang Hari at Reyna ay parehong mga formation grandmaster.
Ang sinumang magtangkang sakupin ang kahariang ito ay kamatayan ang nag aantay sa kanila.
Sinundan naman ito ng kaharian ng Haram.
Ang kahariang ito ay nasa pamumuno ng kapatid ng namayapang Hari.
Bagamat mayroong itong anak at isa itong prinsipe ay walang kakayahang pamunuan ang kaharian hanggat hindi ito nakatuntong sa hustong edad.
Kaya naman ang pansamantalang naging Hari nito ay ang kanyang tiyuhin at ito ang namumuno sa kahariang ito.
Dito makikita ang ibat ibang kakayahan na malaya nila itong gawin.
Narito ang blacksmith, formation master,mage, assassin, alchemist at iba pa.
Walang kaguluhan sa kahariang ito hanggat walang nagpasimuno.
Kamatayan din ang kahantungan sa lumabag sa kanilang batas.

At ang huling kaharian ay ang Alkamia, na hinango na rin ito taglay nilang kakayahan.
Dito makikita sa kahariang ito ang maraming mga Alchemist.
Lingid sa kaalaman ng lahat na labis nila hinahangaan ang mga Alchemist dahil sa pambihirang talento nito.
Gayunpaman sa kabila ng kanilang kakayahan ay kahinaan nila ang lumaban dahil wala silang lakas para dito.
At dito matatagpuan ang isang pamilya ni Cain Matte.
Na taglay nila ang pagiging healer.
Ito ang kakayahan na isinusumpa ng lahat ng kaharian dahil sa tingin nila ay masama ang dulot nito sa kanila.
Kaya naman ay mayroon silang batas na sinusunod na kung sino man ang mayroong taglay ng ganitong kakayahan ay agad pinapatay kahit nasa sinapupunan pa lamang ito.
Ang pagiging healer ay malaking balakid ito sa mga Alchemist dahil bilang isang healer ay hindi na kailangan ng anumang potion at mga mataas na kalidad ng pills.
Kaya naman ay sumangayon din sila sa ganitong panuntunan ng lahat na kaharian sa kontinenteng Drago.

Ang bawat kaharian din ay binubuo ng ibat ibang siyudad,bayan,at village na kung saan dito nakatira si Cain Matte.
Ang Aleman Village na pinamunuan ito ng Elder village.
Sa village na rin ito makikita ang mga ordinaryong angkan.
Sa bayan o siyudad naman ay doon makikita ang mga aristocrat at nobleng angkan.
Dito ay payapang nakatira ang pamilya ni Cain Matte.
Tanging ikinabubuhay nila ay ang pagtanim ng mga ibat ibang halamang gamot,prutas,at pag alaga ng mga mababang uri ng hayop.
Maraming hayop ang kanilang inalagaan gaya ng baboy,manok,kalabaw,kambing ,usa,kuneho,at ang pagong na isa sa espesyal sa lugar nila.

Sa kahariang ito ay umiiral din ang mga sinasabi nilang vicious beast na makikita lamang sa kagubatan.
Mabangis ang mga ito dahil sa taglay nilang lakas.
Malaking kayamanan ang makukuha nila  pag sila ay nakakuha o nakapatay ng vicious beast.
Pero ayon sa unang nilalang na nakatira dito ay may mga legendary o mythical beast ang nanirahan dito at ito ay nakatala sa librong makikita lamang sa aklatan ng siyudad ng bawat kaharian.
At tanging sa libro lamang nila nabasa at walang nakapagpatunay ito sa kanila.
Mailap ang mga ito at maaari ay mayroong tagabantay ito.
Pero mayroong din silang narinig na maaari mo ring maging katuwang ang vicious beast at ang kakayahang ito ay tanging alamat lamang.
Ang pagiging Bestial Tamer.
Ang kakayahang ito ay nalimot na ng panahon at hindi ito umiiral kahit saan mang kaharian.

Likas sa pamilyang Matte ang matulungin sa kapwa.
Ang kakayahan nilang pagiging healer ay iniingatan nila ng ilang dekada ng sa gayon ay mabuhay sila ng payapa.
Alam nila ang batas na kapag mayroong healer kahit saang panig ng kaharian ay pinapatay.
Tingin nila dito ay isang sakit o salot sa kanilang lupain.
Kaya naman ay pinili nilang tumira sa lugar na ito at mamuhay ng tahimik.
Ang ama ni Cain ay responsableng padre de pamilya.
Ito ay si Mang Cayen Matte na kasingtunog sa pangalan ni Cain.
Habang ang maybahay naman ay si aling Maita Matte.
Ang mag asawang ito ay nagmula pa sa katimugang bahagi ng kaharian ng Majiha ang una sa pinakamalakas na kaharian.
Mahabang kwento kung bakit sila napadpad sa lugar na ito.

Isinilang nila si Cain na wala silang naramdamang anumang taglay na kakayahan kaya naman ay labis sila nagtataka para sa kanilang anak.
Tradisyon sa anumang angkan na kapag mayroong isinilang ang magiging anak nila ay tinataglay nito ang isa sa anumang kakayahan ng kanilang magulang.
Pero sa kalagayan ni Cain ay mahirap nila matukoy kung ano ang mali dito.
Maayos nila isinilang si Cain ay lumaki itong mabilis matuto ng mga bagay bagay.
Sa mga kasabayan niyang kabataan ay siya lamang ang nagbubukod tangi na walang kakayahan o kapangyarihan.
Kahit ganito ang kanyang kalagayan ay hindi ito nagtanim ng anumang sama ng loob sa may likha.
Masaya siya dahil mayroong siyang mga magulang na maasikaso at mapagmahal.

Sa bawat nilalang na mayroong taglay na kakayahan at upang malaman ito ay kailangan taglay nila ang pagkakaroon ng Power Stone, na makikita sa puso nila.
Ang Power Stone ay nagsilbing lakas at buhay nila.
Kapag napuno ng enerhiya ang Power Stone ay sasabog ito sa loob ng kanyang katawan upang mabuksan o magising ang kapangyarihang taglay nito.
Sa pagsabog ng kanyang Power Stone ay makikita naman ang mga bituin nito na ito ang pamantayan kung ano ang kanyang kapangyarihan.
Ang isang bituin ay nagtataglay ng kanyang kapangyarihan.
Halimbawa ang pagiging Blacksmith o kahit anung kapangyarihan ito.
Nakadepende parin ito sa angkan na kanyang pinagmulan.
Ang normal na kakayahan lamang ng isang nilalang ay dalawang bituin lamang na maaaring nakuha niya ito sa kanyang mga magulang.
Kung ang kanyang ama ay isang formation master at ang kanyang Ina ay isang Mage ay pambihirang talento ito kung ito ay makukuha ng kanyang magiging anak.
Tinatawag din itong Double Root Power.
Dahil taglay nito ang dalawang kapangyarihang na dumadaloy sa kanyang mga ugat.

Kung ang isang nilalang naman na may tatlong kapangyarihan ay tinatawag din itong Triple Root Power,Quadriple Root Power naman ang may apat na taglay at ito ay bihira lamang makita sa mga batang isinilang kahit saang kaharian.
Maaaring umiiral ito noong unang panahon subalit wala silang kaalaman sa mga nilalang na nagtataglay ng ganitong kapangyarihan.
At ang panghuli ay ang tinatawag nilang Celestial Root Rings.
Wala silang masyadong kaalaman ukol dito pero maliit lamang na porsyento ang nalaman nila.
Ang celestial Root Rings ay nagbigay ng lakas sa isang nilalang na nagtataglay nito.
Makukuha lamang nila pag nakapaslang sila ng mga bestial beast na umabot sa daang libong taon.
At kapag napaslang nila ito ay makukuha nila ang lakas nito at enerhiya na pupunta naman ito sa loob ng katawan ng nakapaslang.
At pag nasa loob na nito ng kanyang katawan ay makikita at lalabas ang malaking bilog sa kanyang katawan.
Pero sa kaharian na ito ay wala pang nagtataglay kahit sino.
Maaaring hindi pa naisilang ang nilalang na magtaglay ng ganitong kakayahan.

Note;
Assassin?
Blacksmith?
Formation Master?
Alchemist?
Mage?
Healer?
Summoner_?
Bestial Tamer_?
? ???"

Ranking;

Bronze_level 1-9
Silver_level 1-9
Gold_level 1-9
Platinum_level 1-9
Profound_level 1-
Skyrank_level 1_5
Legend_level 1_5
Void _1_5
Heaven rank_level 1-5
?????
?????
?????

Divinely HealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon