Chapter 27.

342 78 6
                                        

Ang apat na nilalang ay galing sa gintong kahon na nasa altar.
Naglaho ang gintong kahon at saka sila nakalabas sa loob.
Pero hindi pa ito nagtatapos dahil mayroong napansin si Cain na isang bagay at lumikha ito ng isang kumikislap na liwanag at patungo ito sa kinatatayuan ni Cain.
Ang bagay na kumikislap ay nasa harapan ni Cain at sumabog ito ng nakakasilaw na liwanag upang sakupin ang buong Forbidden of God Pillars.
Pagkatapos ay naglaho ito.
Parang walang nangyari at ang apat na nilalang ay nakatingin sa leeg ni Cain na agad naman nakuha ni Cain ang mga reaksyon nito.
Bahagya niyang kinapa ang kanyang leeg at isang kwintas ang nasa leeg niya.
Nagtataka siya kung paano nagkaroon ng isang kwintas sa kanyang leeg.
Mayroong berdeng bato ito sa gitna nito at nagliwanag na naman ito hanggang sa tumama ang liwanag sa apat na nilalang sa harapan ni Cain.
Hinigop sila ng liwanag mula sa kwintas at naglaho ito.

Sinipat ni Cain ang kwintas at maganda ito sa kanyang paningin na tila nabubuhay ang kanyang dugo at laman.
Bahagya din niyang tiningnan ang berdeng bato at kumikislap ito.
Bigla lamang may kung anung pwersa sa berdeng bato at hinigop si Cain.
Sa isang iglap ay sumulpot siya sa isang lugar na hindi niya alam kung ano ito.
Tila isa na namang bagong mundo ito.
Nasa kapatagan siyang lugar at makikita dito ang ilang mga punong kahoy at halamang walang pinagkaiba sa Dimensions of Immortal God na puno ng makapal na enerhiya.
Pero mayroon siyang napansin sa lugar na ito at hindi ito nakaligtas sa kanyang pandama at tingin.
Ang buong paligid ay puno ng mga ibat ibang uri ng halamang medisinal at higit pa ay sobrang taas ang kalidad nito.
Kapag ikaw ay isang alchemist,madali mo lamang matukoy ito dahil sa iyong kakayahan at kaalaman.
Pero ang mga nandito ay mabisa din para sa mga hayop na nagsilbi nilang pagkain.
At sa kanilang pagkain nito ay mabisa para sila ay tumaas at lumakas gaya ng mga tao.
Ang problema niya ngayon kung paano siya makalabas sa lugar na ito.
At naalala niya na hinigop din ang apat na nilalang sa kanyang kwintas at maaaring napunta sila sa lugar na ito.
Pero walang bakas o presensya ang apat na nilalang at hindi alam ni Cain kung nasaan ang mga ito.

Samantala habang si Cain ay iniisip kung paano makalabas sa kwintas ay nasa isang lugar naman ang apat na nilalang matapos sila higupin ng berdeng bato mula sa kwintas.
Ang lugar na ito ay tinatawag na "Sanctuary of Legends Beast."
Sadyang makapangyarihan ang gumawa ng lugar na ito upang mapanatili at bigyan ng sariling mundo ang mga vicious beast mula sa ibat ibang lahi.
Ito ang kanilang lugar upang magpalakas hanggang sa umabot sila sa kanilang limitasyon.
Sa kanilang pagdating sa lugar na ito ay nararamdaman ito ng lahat na mga vicious beast at mabilis sila nagtipon tipon sa iisang lugar.
Dahil ang apat na nilalang na ito ay mga pinuno ng bawat lahi nila.
Hindi alam ni Cain ang buong katauhan ng apat na ito at hindi niya magawang malaman dahil sa bigla na lamang sila hinigop ng liwanag mula sa suot niyang kwintas.
Kahit siya ay gayon din.
Ang apat na nilalang ay mula sa magkaibang lahi.
Ang Phoenix Clan,Black Tortoise Clan,Red Fire Tiger Clan at ang Silver Dragon Clan.
Ang apat na ito ang magsisilbing protektor ni Cain sa hinaharap.

Samantala halos naikot na ni Cain ang buong lugar pero kahit isang presensya ay wla siyang nararamdaman.
Nilakad niya ang maberdeng mga damo at mga halamang puno ng enerhiya.
Hanggang sa mayroon siyang nakitang liwanag sa kanyang harapan at papalapit ito sa kanya.
Nang ito ay kanyang hinawakan dahil tila isa itong apoy na lumulutang.
Sa kanyang paghawak nito ay bigla na lamang hinatak siya nito at nakalabas sa loob ng kwintas.
Nakabalik siya sa lugar ng Forbidden of God Pillars.
Nilibot niya ang buong paligid at wala namang nagbago dito.
Ipinasya ni Cain na bumalik sa loob ng Treasured Mountain.
Sa kanyang pagbalik ay naroon pa rin ang mga kayamanan na kanyang kinolekta.
Naghanap siya ng isang bagay sa mga estanteng nakahilera at nakita niya ang kanyang pakay.
Dahil nasa hanay ito ng mga sandata.
Kinuha niya ang isang maliit na bagay at isinuot niya ito sa kanyang daliri.
Ito ang Storage Ring na kung saan ay nasa Legendary grade ito.
May ibat ibang uri ang storage ring
Mayroong common grade,top grade,epic grade, legendary grade at ancient grade.
Ang nakuha ni Cain ay isang legendary grade.
Kahit gabundok na kayamanan ay magkasya sa loob dahil sa lawak ng espasyo nito sa loob.
Hindi biro ang Legendary grade.
Habang ang ancient grade ay kayang ipasok ang mga bagay na mayroong buhay dahil sa malawak ang espasyo sa loob at mayaman sa enerhiya.
Kung sino man ang may taglay nito ay mabibilang ito sa mga mayayamang clan na kahit sa ibang kaharian ay walang nagtataglay nito kung meron man ay maaaring nakatago ito.

Dahil sa nakuha na ni Cain ang kanyang pakay ay kailangan na niyang bumalik sa reyalidad.
Matapos niya maipasok sa kanyang Interspatial Ring ang lahat ay itinuon niya ang kanyang enerhiya upang dumaloy sa buong katawan nito.
At nagliwanag ang kanyang marka sa dibdib at humiwalay ito sa kanyang katawan.
Lumitaw ang lagusan sa kanyang harapan at agad siya pumasok dito.
Sa kanyang pagpasok ay nasa loob na siya ng kanyang kwarto at mabilis naglaho ang lagusan.
Pasalampak siyang nakaupo sa sahig at tila nakaramdam siya ng kaunting pagod.
Iniisip niya ang mga bagay na nangyari na hanggang ngayon ay nasa isipan niya si Pula na naiwan sa kagubatan ng Treasured Mountain.
Hindi na niya magawang sundan dito dahil sa bilis at naglaho ito.
Ipinalangin lang niya na sana ay nasa maayos lang ito at magkita sila sa kanyang pagbalik.
Ngayon ay pagtuunan niya ng pansin ang kanyang plano dahil sapat na ang nakuha niya upang maisakatuparan ang kanyang unang hakbang.
Ang pagtayo ng kauna-unahang paaralan sa kaharian ng Haram.

Habang mayroong pinaplano si Cain ay nakarating na rin sa kaukulan ang paghingi ng permiso at mabilis ito dumating sa lugar na kung saan nanirahan dito ang namumuno sa lungsod ng Soddoma.
Sa tanggapan ng Gobernador ay marahang nagulat pero napangiti din ito.
Matapos niyang basahin ang isang permiso mula sa di kilalang angkan sa kanilang lungsod.
Higit pa rito ay mayroong lakas na loob upang magtayo ng isang paaralan na kahit saang sulok ng kaharian ay wala pang paaralang naitayo dahil sa kakulangan ng kaalaman at kayamanan.
Pero itong angkan na ito ay talagang pursigido at nakuha nila ang halos kalahati na lupaing sakop ng Blueberry Forest.
Sa pagkakaalam nila ay inambadona na ito dahil kinatatakutan ito ng lahat.
Bukod sa Gobernador,nakarating na din sa palasyo ang naturang permiso at isa itong malaking palaisipan sa kanila.
Ang pagtatayo ng isang paaralan ay magandang oportunidad sa lahat subalit hindi biro ang kayamanang nakalaan dito.
Masyadong misteryoso ang angkan na ito na ngayon lamang nila narinig at hindi ito nabibilang sa mga Noble Clan at aristocrat Clan.
Gayunpaman ay binigyan pa rin ng pahintulot ito ng Mahal na Hari dahil isa itong malaking benepisyo sa kanila sa kadahilanang maraming mga angkan ang gustong matuto at mag aral.
At kapag nangyari ito ay isa itong pagkakataon upang makilala pa ang kanilang kaharian.

Divinely HealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon