Part 2:

617 97 9
                                    

Ang segundo at minuto ay mabilis lamang umikot at oras ay naglalaan ng ibayong panahon para sa mga nilalang na nakatira sa ibat ibang bahagi ng kaharian.
Na nasa ilalim ng pamumuno ng lower realm na nasa planetang Obus.
Abala ang bawat nilalang saang sulok ng kaharian at ginagampanan nito ang kanilang mga tungkulin.
Bawat isa ay may kanya kanyang Oras para sa pakikipasapalaran.
Sa pagsilang ng isang nilalang ay magbabago ang lahat at ito ay mangyayari sa hinaharap.
At gaya nga ng inaasahan ay ang limang kaharian sa kasalukuyan naging alerto dahil sa isang bagay na hatid ng hindi magandang balita.

Majiha Palace;
Ito ang isa sa unang naitayong kaharian sa kontinenteng Drago.
Malaki din ang sakop nitong lupain at halos kalahati dito ay puro kagubatan.
Sa loob ng Majiha Palace ay makikita ang isang malaking bilog na kristal na kung saan ay dito nila makikita ang mga mangyayari sa kasalukuyan.
Pero ang hinaharap ay walang kakayahang maipakita ng bilog na kristal na ito.
Tanging ang orakulo/oracle lamang ang mayroong kakayahan nito.
Sa isang malaking gintong trono ay nakaupo naman ang kasalukuyang Reyna ng kahariang ito at taimtim na pinagmamasdan ang malaking bolang kristal sa gitna ng Majiha Palace.
Maraming mga indibidwal sa loob at naroon ang kanilang orakulo/oracle.
Hinihintay na lamang ang hudyat ng kanilang Mahal na Reyna upang malaman at makita ng lahat ang kakatwang nangyayari sa kaharian.

Isang saglit ay itinaas ng Reyna ang kanyang kamay upang simulan ang pinakahihintay ng lahat.
Hindi naman nagsayang ng oras ang kanilang orakulo/oracle na si Alaina Mo.
Sa edad na Limampu ay makamit nito ang mataas na pagtingin sa kanya ng nakakarami.
Hindi na rin ito nagkaroon ng pamilya dahil ibinuhos nito ang kanyang oras sa propesyon niya.
Bukod sa pagiging orakulo/oracle ay isa din siyang Mage, na may kakayahan sa elemento ng hangin.
Pagkatapos sa hudyat ng kanilang Reyna ay ikinumpas ni Alaina ang kanyang kamay sa malaking bolang kristal ay mayroong namuong liwanag patungo sa bolang kristal.
Ang mga respitadong ministro,kanang kamay ng Reyna,mga angkan na nabibilang sa mataas na lipunan ay namangha sa kanilang nakikita.
Isang pambihirang talento ang nasilayan ng lahat.

Nabalutan ng kakaibang liwanag ang malaking bolang kristal at isang saglit ay nawala ito
Isang tanawin ang nakikita nila sa bolang kristal.
Isang tanawin na hindi nila alam kung saan lugar ito.
Bukod sa magandang kapaligiran at puno ng ibat ibang uri ng halamang maaaring gawing gamot.
Maya maya ay nagbago ang tanawing nakita nila at ito ang tumambad sa kanila.
Isang lugar na kung saan ay masyado itong liblib at hindi nila alam kung saang lupalop itong kaharian.
Malawak ang kaharian ng Majiha
Kaya halos hindi rin sila pamilyar sa mga lugar na kung saan malayo ito sa mga bayan o siyudad.
Sa liblib na lugar na ito ay mayroong silang nakikitang ilang kabahayan pero hindi malinaw ang nakikita nila at tila mayroong nakaharang dito.
At isang pigura ang nakita nila.
Naglabas ito ng kakaibang awra at bigla lamang isang malakas na liwanag ang kumawala sa bolang kristal at tumama ito sa kanilang lahat.
Marami ang natamaan ng liwanag mula sa bolang kristal at ang lahat ay napaluhod.
Ang iba naman ay nakahiga dahil sa lakas ng liwanag na tumama sa kanila.

Ang mahal na Reyna ay nanlaki ang mata dahil sa nangyari at agad ito nakagawa ng harang upang hindi matamaan.
Gayun din si Alaina Mo.
Gumawa ito ng harang para hindi matamaan ito.
Ngayon lamang ito nangyari sa kanila.
At sino ang nilalang na nakita nila pero malabo at hindi nila nakita ng maayos ang hitsura nito.
At marami ang katanungan na pumapasok sa isipan nila.
Ito ba ay isang banta o mayroong nilalang na hindi matukoy ang kanyang pagkatao.
"Mahal na Reyna!"
Ito ang pambungad na sabi ni Alaina at yumukod ito.
"Ipagpaumanhin nyo po sa nangyari,isang bagay ang hindi ko lubos naunawaan sa aking nakita!"
"Hindi ko alam kung ito ay isang babala o banta sa atin!"
"Isa pa isang nilalang ang ating nakita pero hindi ito malinaw at bigla lamang nagkaroon ng hindi magandang nangyari!"
Ito ang paliwanag ni Alaina habang kaharap nito ang kanilang Reyna.
Makikita sa mukha nito ang pagkadismaya sa nangyari.
Sa loob ng ilang libong pagiging isang dalubhasang orakulo/oracle ay sa unang pagkakataon siya nagkamali.
O sadyang mayroong mali sa nakita nila.

Ang buong bulwagan ng Majiha Palace ay tahimik at walang sinumang naglakas ng loob na magsalita.
Tanging ang kanang kamay o ang orakulo/oracle ang binibigyan ng karapatan na magsalita dahil ito ay pahintulot ng mahal na Reyna.
Nagbuntunghininga lamang ang mahal na Reyna at nilibot niya ang tingin sa buong paligid bago ito magsalita.
"Binibigyan ko ng kautusan ang lahat lalo na ang mataas na heneral ng ating hukbo na imbestigahan ang ating nakita sa lalong madaling panahon!"
"Ito ang magiging misyon nila sa ating kaharian ang alamin kung saang lugar ito!"
"Magsama ng ilang mga ekspertong mage, assassin, alchemist ng sa gayon ay hindi magkaroon ng problema sa misyong ito!"
"Hindi natin alam kung ito ba ay isang biyaya o isang banta sa ating hinaharap!"
Pagkatapos nito magsalita ay binalingan niya si Alaina.
At ang kanyang kanang kamay dahil mayroon siyang mahalagang sasabihin sa mga ito.
Nagbigay na rin siya ng senyales upang lisanin ang bulwagan at sumunod sa kanya ang dalawa.

Sa isang pribadong silid ay naroon ang Mahal na Reyna kasama nito si Alaina Mo at ang kanang kamay nito na si Mauricio Umansky na isa ding mage na mayroong tatlong bituin ang antas nito.
Isinama niya ang dalawa dahil sa mahalagang bagay na pag uusapan.
Nakaupo ang tatlo sa isang pabilog na lamesa na magkaharap.

"Ano sa tingin mo Alaina ang nangyayari?"
Tanong ng Mahal na Reyna.
Hindi muna tumugon si Alaina at pinag isipan nito ng mabuti ang kanyang sasabihin.
Magsasalita na sana ito ng biglang sinagot ni Mauricio Umansky ang tanong ng Mahal na Reyna.
"Sa tingin ko Mahal na Reyna ay isa lamang itong maling pangitain pero hindi rin ito dapat isawalang bahala dahil nakasalalay dito ang kaharian at sa hinaharap!"
"Tama lang po ang naging hakbang nyo po Mahal na Reyna sa pag imbestiga at alamin kung saan lupalop ito ng ating kaharian subalit,,mahirap ito matukoy agad sa kadahilanang malawak ang sakop ng kaharian ng Majiha!"
"Bukod pa rito ay halos kalahati ang lupain ng kagubatan na maraming mga vicious beast na naninirahan dito!"
"Naglipana na rin ang mga assassin na maaaring maging kalaban natin!"
Ito ang paliwanag ni Mauricio Umansky sa Mahal na Reyna.

Sa paguusap ng tatlo ay hindi pa rin nila nasagot ang mga katanungan sa kanilang isipan.
At hindi mawala sa kanila ang lugar at nilalang na hindi nila matukoy kung sino ito at saang lugar ito.
Gayunpaman ay isinantabi na Lang muna ito.
Ang kailangan nilang gawin ay ang mag ingat at itaas ang depensa nila sa buong kaharian.
Natapos ang kanilang pag uusap at nilisan ng dalawa ang lugar at naiwan ang Mahal na Reyna na nag iisip ng malalim.
Naiwan siya sa kwartong nag iisa.
Sa kanyang pag iisa ay sumaginsa kanyang isipan ang isang bagay na ngayon lang niya naalala.
Isang alaala na kahit kailan ay hindi nakalimutan sa buong buhay niya.
Narating niya ang kapangyarihang at naluklok sa trono bilang isang lider ng kaharian pero mayroong kulang sa kanyang pagkatao.

Divinely HealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon