Ang plano ni Cain ay hindi nasayang bagkus ay nakarating ito sa ibat ibang lugar sa kaharian ng Haram.
Lumaganap ito at halos isang bomba na sumabog sa buong lugar.
Marami ang nanghikayat at higit sa lahat ay hindi mabilang ang mga Noble Clan, Aristocrat Clan at ilan din sa mga Ordinaryong Clan ang dumayo pa upang malaman kung ito ay totoo.
Bagamat hindi pa nauumpisahan ang pagtatayo ng paaralan at kailangan nila ang sagot mula sa nakakataas bago nila ito masimulan.
Maayos na ang lahat at halos higit sa ilang libong trabahador ang nasa loob ng Blueberry Village.
Binigyan ito ng libreng tulugan at pagkain bago simulan ang pagtatayo ng paaralan.
Naging abala ang lahat na mga mamamayan na kahit ang Ama at Ina ni Cain ay hindi alintana ang kapaguran.
Isa si Lolo Ben at ilang Elder ang nagaasikaso sa mga materyales habang ang ama ni Cain ay pinag aralan ang lokasyon ng itinatayong paaralan.
Mas lalo itong naging malawak at sinubukan nilang sakupin ang pinakalikurang bahagi ng Blueberry Forest na kung saan ay makikita dito ang tinatawag nilang Lost Mountain.Ang Lost Mountain ay isa sa iniilagan ng lahat dahil maraming mga adventurer ang nakarating dito pero hindi na ito nakabalik sa kanilang mga pamilya.
Naging misteryoso ang kanilang pagkawala at isa ito sa naging suliranin ng kaharian ng Haram.
Iniimbestigahan na nila ito pero wala silang nakuhang kasagutan at iisa lang ang pumasok sa isipan ng lahat.
Marahil ay napaslang ito ng mga assassin o di kaya ay pinaslang di ito ng mga mababangis na hayop sa loob ng kagubatan.
At kapag nakalagpas ka na ng Lost Mountain ay makikita mo ang ilang mga village na kalapit nito bago ang isa ding lungsod na sakop pa rin ng kaharian ng Haram.
Kailangan pa nilang gumawa ng daaanan upang madali lamang ang kanilang paglakbay patungo sa Blueberry Village.
Kahit ang buong lungsod ng Soddoma ay maganda ang balitang ito para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.
Kaya naman ay madali lamang sa kanila upang puntahan ang Blueberry Village na noon ay isa lamang lugar na di pinapansin dati dahil mga ordinaryong mamamayan lamang ang nakatira dito.
Bukod pa rito sila ay walang taglay bilang maging isang cultivator.Habang lumilipas ang araw ay lalong dumadami ang mga tao sa Blueberry Village subalit hanggang nasa labas lamang sila.
Hindi sila makakapasok sa loob dahil mahigpit itong ipinagbabawal na ilang naman ay nagkaroon ng komento.
"Sino ba talaga ang may ari ng lugar na ito at sa loob ng maikling panahon ay ganito na ang hitsura nito!"
"Isa pa sobrang ganda ng pagkakagawa ng mga pader na ito ay siguradong mayamang angkan ang may ari nito!"
Ito lamang ang nasabi ng ilang at sinangayunan naman ito ng lahat.
Hindi naman sila sa walang alam dahil hindi naging madali ang pagpapatayo ng pader na ito kung ang materyales ay kulang o di kaya ay ang kalidad nito.
Kaya ang ginawa ng ilang ay nagtayo lamang ng tolda sa labas upang magpalipas ng buong magdamag dito.
Ilan sa kanila ay nasa malayong lugar pa upang makita lamang ang lugar na ito kahit hindi pa sila nakapasok sa loob.
Habang si Cain ay naramdaman niya ang napakaraming mga presensya sa labas ng kanilang village at ito ang ikinagulat niya.
Hindi pa nauumpisahan upang maitayo ang paaralan pero bakit maraming mga tao sa village nila at ito ay kailangan alamin ni Cain.Naging maayos naman ang buong magdamag na lumipas at hindi na magawang lumabas o alamin ni Cain kung ano ang sitwasyon sa labas ng kanilang village.
Inabala niya ang kanyang sa sarili sa loob ng kanyang kwarto.
At dahil sa malawak ang kanyang kwarto ay inilabas niya ang mga kayamanan mula sa Interspatial Ring.
Pinagbukod bukod niya ito ayon sa klase o uri.
Kagaya ng mga sandatang mula sa common tier,mid tier,top tier,epic tier at myhic tier.
Mayroong nasa legend tier pero itinago niya ito upang hindi malaman ng iba.
Para din ito sa kanyang seguridad.
Gayon pa man ang mga sandatang ito ay agaw pansin at sigurado buhay ang
magiging kapalit kapag di siya mag iingat.
Bukod sa sandatang ito ay maraming mga pills at potion na nagkalat sa sahig at agad din niya ito inayos ayon sa uri at kalidad nito.
Habang ang mga gintong pera ay ibinalik niya sa kanyang Interspatial Ring.
Marami siyang Interspatial Ring at doon niya inilagay lahat ang mga kayamanang ito bago niya ito itinago.
Ngayon ay umpisahan niyang kilatisin ang mga taong nakapaligid sa buong paligid nila.Isang magarbong karwahe at halos di mabilang na mga kawal ang patungo sa Blueberry Village.
Naging mabilis ang kanilang paglalakbay patungo sa kanilang pakay dala ang kautusan mula sa Mahal na Hari.
Galing pa sila sa Haram;The Great Palace.
Dala nila ang decree na nagpapatunay na pinapayagan ang permiso at may pahintulot ito mula sa Mahal na Hari na pumpayag siya sa maaaring magkaroon ng paaralan sa kanilang kaharian.
Tanging isang mensahero at ministro ang pumunta upang dalhin ang decree mula sa Mahal na Hari.
Kasama din nito ang hukbong sandatahan para sa siguridad ng kanilang paglalakbay.
Sa kanilang pagdating ay maraming mga tao ang nasa labas ng village at may kanya kanya silang mga tolda.
Nang makita nila ito ay nagtataka ang lahat kung bakit nandito ang napakaraming mga tao.
Tila ba mayroong malaking okasyon sa lugar na ito at dumayo pa sila dito.
Makikita sa mga taong ito na mayroong katungkulan sa kanilang angkan dahil sa mga kasuotan nila.
Isa pa may mga kasama din silang mga kawal sa bawat angkan.Sa unang palapag ng Blue Moon Hall ay masinsinang nag uusap sina Chief Village Cayen Matte ang ama ni Cain at si Elder Ben ang itinuturing Lolo ni Cain.
May kasama din silang tatlo pa at isa din sa kanila ay mga elder din ng kanilang village.
"Lolo Ben,ano sa tingin mo magtatagumpay kaya ang ating mga plano?"
"Hindi rin lingid sa ating lahat na napakaraming mga tao sa labas at gusto nilang makita o malaman kung ano ang mayroon sa atin at sigurado ako na hindi mawawala ang magkaroon ng mga espiya!"
"Nasa pagsasanay pa ang aking anak at hindi ako makapagdesisyon kahit ako ang Chief Village dito, kailangan ko pa rin ang suhestyon mula sa kanya!"
Ito ang iling na sambit ng ama ni Cain.
Napatingin naman ang apat na elder sa kanya.
Sa pormal na usapin ay hindi pumapayag ama ni Cain na Elder ang tawag kay Lolo Ben dahil hindi na ito iba sa kanila.
Wala namang magawa ang matanda at pumayag na lamang ito.
Nasa ganoong sitwasyon sila ng may maramdaman silang malakas na awra at patungo sa kinaroroonan nila.
Ang awrang ito ay ngayon lang nila naramdaman at lubha itong malakas pa sa kanila.
Isang binata ang nakangiti at pumasok sa loob patungo sa kanila.
Bakas sa mukha nito ang kasiyahan at galak ng makita sila.

BINABASA MO ANG
Divinely Healer
AventuraGinawa ang mundo para sa bawat nilalang para mamuhay ng payapa. Maraming mundo ang nilikha at marami ding mga may buhay ang nakatira upang pamunuan ang teritoryo nila. Simula pa lamang ay may mga nilalang na nilikha na mayroong taglay na kakayahan a...